»11

89 7 1
                                    

Chasin was on his way to meet his friends sa paboritong tambayan nila sa school ng makarinig sya ng umiiyak ng mapadaan sya sa lumang fountain sa likod ng building nila. Tinig babae ang kanyang naririnig.

He always has a soft spot for girls crying so she went near to her. Nakaupo ito sa isang bench at nakayuko. Hindi lang basta yuko. Hindi maayos ang pagkakaupo nito at parang masusubsob na ito sa lupa. Nang makalapit sya ay napakunot noo sya ng makitang hawak-hawak nito ang isang paa kaya mas lalo pa syang lumapit dito.

"Uhm! Miss, are you okay? Why are you crying?"

Ilang sandali pa ang lumipas bago ito umimik.

"Go away." malditang anito. Parang pamilyar sa kanya ang boses nitong medyo namamaos dahil sa pag-iyak.

Dahil sa gusto nyang pakalmahin ito, imbes na umalis ay nag-usisa pa sya.

"Anong nangyari sa paa mo?" mahinahon nyang tanong dito.

"Sabi ko, umalis ka. Ba't ang bobo mo?" marahas itong nag-angat ng ulo at matalim ang tinging ibinigay sa kanya.

He was stilled for a moment when he saw it was the popular bratinella in school. Callie Im.

Agad din naman syang nakabawi. Pinigil nya ang sariling mapangisi. Anong iniiyak ng malditang kaklase nya?

"Im." aniya. Matalim ang tinging ibinigay nito sa kanya bago ito bumaling sa ibang direksyon.

"What are doing here? Alis?" para lang itong nagtataboy ng aso. Pero imbes na umalis ay nanatili sya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Umalis ka sabi." bulyaw nito ng di tumitingin sa kanya.

"Paano kung ayaw ko? Pero kung sasabihin mo sa'kin kung bakit ka umiiyak? Baka pagbigyan kita."

"Bobo ka ba? Wala kang pakialam. Leave me alone." Napailing sya sa pagmamaldita nito. Ang pinagtataka nya ay kung bakit ang init ng dugo nito sa kanya? Pero naisip din nyang baka nga dahil sa rason na sinabi ng mga kaibigan nya. Sya ang trip nitong pagtripan sa ngayon. Pero di naman sya natatakot sa kung ano ang dala nitong kapahamakan nya.

"Di nga ako aalis pag di mo sinabi sa'kin kung napaano ka?" Sa pagkakataong iyon ay muli itong bumaling sa kanya. Kung tumingin ito ay para na syang kakainin ng buhay.

"Nakagat ako ng langgam. Ano masaya ka na? Alis." Di nya alam kung matatawa o hindi sa sinabi nito.

Seriously! Nakagat ito ng langgam kaya ito umiiyak.

"Ang tapang-tapang mo, pero kagat lang ng langgam umiyak ka na." Mabilis itong tumayo at dinamot ang bag.

"Argh! Bwisit ka. Makagat ka din sana." sigaw nito at nagmartsa paalis. Natatawa at naiiling naman niya itong sinundan ng tingin. May sayad yata ang babaeng yon. Naisip nya.

Ibang klase.

callieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon