PSST... BASURA MO! (one shot)

442 32 2
                                    

Psst... Basura Mo!

written by:  dauntlessnana






-Ken's POV-


"Ano ba naman yan?!" sigaw niya

Binato ko kasi siya ng bolang papel. Ganyan ako maglambing sa crush ko eh. De joke lang.

Tiningnan niya 'ko ng masama. Asar na asar na siguro siya dahil palagi ko nalang ginagawa yan sa kanya.

Nagsmile lang ako sa kanya.

Kinabukasan, binato ko siya ulit ng basura... este crumpled paper.

"Tsk. Ano bang problema mo Ken? Bakit ba lagi mo na lang binabato sa'kin yang mga basura mo?" galit na siya

Sino ba namang hindi diba? Ikaw kaya batuhin palagi ng basura! Tss, pero hindi naman yun basta basura lang eh. Mahalagang basura yun! Naks.



*



-Bea's POV-


Oo, ako yung palaging binabato ni Ken ng mga basura niya. Ewan ko ba kung bakit niya yun palaging ginagawa sa'kin, hindi ko naman siya inaano. Tsk!

Ahemn... secret lang natin 'to ha? Kasi... kasi...

crush ko si Ken.

Iiiihhh... oo, crush ko siya.

Nagtataka kayo kung bakit kahit crush ko siya ay nagagalit pa rin ako sa kanya sa tuwing binabato niya 'ko ng basura niya?

Hayy, secret lang ulit natin to ha?

Drama ko lang kasi yung nag-gagalit-galitan ako para naman hindi obvious diba? Para manatili lang na isang sikreto ang nararamdaman ko para sa kanya. Naks, lalim! Pero ang totoo kinikilig ako sa tuwing ginagawa niya yung pambabato sa'kin.

Aba! Mabuti na yung ako yung pinagtitripan niyang batuhin kesa naman ibang babae pa. At least, trip niya 'kong batuhin. Yun nga lang basura ang mga binabato niya.

Anyways, may secret na naman ulit akong ishi-share sa inyo. Pang-ilan na ba 'to? Nakakarami na ata ako ng daldal ah?

Nubayan, ang dami ko nang shini-share na secret sa inyo eh hindi naman tayo close! Psh, sige na nga, para naman may saysay 'tong istoryang 'to. ^___^

Eto na nga yung isa pang secret...

tinatago ko yung mga bolang papel na binabato niya sa'kin sa box ng...

sapatos.

Wag nang rereact! Box lang ng sapatos ang afford kong paglagyan. Pft.

Yun na nga, nandun lang yun lahat. Siguro mga lampas 30 na yung nandun. Halos araw-araw niya kasi siyang nambabato. Oh diba? Siguro nakukumpleto yung araw niya pag binabato niya 'ko ng basura. ^_____^ Kinikilig ako!

Binuksan ko yung box ng... alam niyo na.

Precious basura of my beloved crush! *_____*

Dahil wala rin lang naman akong ibang magagawa, pinagtyagaan kong ayusin yung mga papel. Binuksan ko yung isang nauna.

Inpernez! Mahirap siyang tanggalin sa pagkakalukot!

Nung tuluyan ko nang mabuksan yung unang papel. Nagulat ako sa nakita ko.

" I LOVE YOU B "

Yun yung nakasulat. Ha?

Natulala ako. Ano raw?

Binuksan ko yung iba pang papel.

o____O

Pare-pareho yung nakasulat. Weh? Totoo?

Parang mamamatay na ata ako sa kilig.

Medic please! MEDIC!

Kurutin niyo 'ko dali! Nananaginip lang ba 'ko?

KYAAAAAH!



*



-Ken's POV-


Kakatapos lang nung first period namin. Pinagmamasdan ko si B. Ang ganda niya talaga.

Nakangiti siya. Parang hindi siya yung normal na sarili niya. Anong nangyari sa kanya?

Di kaya may boyfriend na siya? Tsk. Magpapakamatay ako pag yun ang nangyari. Biro lang, mahihimatay lang siguro. Yak! Ang bading ko!

Lumalapit siya sa'kin. May kailangan ba siya? Baka naman sapakin ako nito dahil sa ginagawa kong pagbato sa kanya lagi.

Tumungo na lang ako sa desk ko. Also known as...

magtutulug-tulugan!

"Psst... basura mo!" tawag niya

Bumangon ako. Tawag niya ko eh. Haha.

"Ano to?" tanong ko

Iniabot niya sa'kin yung isang bolang papel. Sa lahat ng papel na binato ko sa kanya, ngayon lang siya may ibabalik sa'kin. Bakit? Hindi pa rin ba niya alam?

"Basura mo." maikling sagot niya

Itatago ko na sana yun sa bag ko kaso bigla siyang nagsalita.

"Buksan mo." sabi niya

Buksan? Siya ang dapat magbukas nito para malaman niya yung mararamdaman ko.

"Bakit?" tanong ko

Kung bubuksan ko 'to, malalaman niya kung ano yung isinulat ko dito.

"Ano ka ba? Buksan mo na kasi!" nagagalit na naman siya

Sige na nga. Dahan-dahan kong binuksan yung papel. Bakit parang maganda ang penmanship ko dito?

Nang nabuksan ko na nang buo...

" I LOVE YOU TOO KEN "

Si B ang sumulat nito. Parang lumundag naman yung puso ko sa nabasa ko.

Tiningnan ko siya. She smiled.

"Oh? Itago mo yang basurang yan ha?"

Nagsmile ako.



--END--






Psst... Basura Mo! by dauntlessnana ©2014



Psst... Basura Mo! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon