*flashback* - 3rd Year Highschool.
Hindi ko maitago ang ngiti ko sa labi dahil sa wakas, meron na din lalakeng nagmahal sakin. Yun nga lang, dare lang ito. We dare ourselves because we don't have any lovelife. So pathetic right? I know. Alam din naman namin yon, wala naman kaming magagawa dahil kagustuhan namin yon. Kaya nga, triny namin yung sarili namin eh.
"Are you sure about this?" I asked him and he nodded.
"Oo, kahit na matapos na 'tong dare na 'to. Friends pa din tayo." Hinawakan nya yung kamay ko kaya naging kampante ako sa sagot niya.
"Walang magbabago ng pakikitungo ha? Basta, sabihin mo lang sakin pag ayaw mo na. Friends okay?"
"Friends." Ngumiti sya kaya ako ay napangiti na din.
Alam kong masasaktan kami parehas pero mas pinili namin na magmahal. Sana siya na, siya ang magiging last ko. Hindi man first, pero sana siya na nga.
Dear, Self.
Sobrang saya ko! Totoo ba 'to? Meron na akong manliligaw ulit? Sobrang gwapo pa! Hulog ng langit, ulam na ulam! Gusto kong tumili at sumayaw sa sobrang tuwa pero hindi ko magawa dahil baka pagalitan ako ng teacher namin. Magkaklase kami and sana hindi maging awkward, hay self. Nagsisimula na ang swerte sa buhay ko. Lovelife, check! Friends, check! Maganda ba ako? SUPER CHECK! Family, check! Money, errr? Dun lang. Hindi pa ako nagiipon dahil food is life. Babawi nalang ako sa susunod, magiipon ako. Alam mo ba? Feel ko nga crush ko na agad siya eh. Kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Nagsimula sa tawagang 'friendship' magtatapos sa? I don't know! Bakit ba ang excited ko? Calm yourself. *breath in, breath out*
"Watch out, bitch!" Sigaw nung isang babae.
"Naglalakad ako ng malaya dito, pwede ba? Wag kang panira." Sabi ko naman dun sa di ko kilalang babae.
"Sino ba naman kasi haharang harang sa daan na may sariling mundo? Bitch, wake up! Wala ka sa fairy tale para mangarap ng kung ano ano." Di ko nalang pinansin yung babae, kung ano ano pinagsasabi. "I'm not done with you! Kinakausap pa kita!" Napahigpit yung hawak niya sa braso ko kaya natapon yung wallet na hawak ko. Napayuko ako para kunin ang gamit ko, kaso bigla nalang ang daming camera.
"Ooooohhhhhh" Sabay sabi ng mga kumukuha ng pictures at nakita ko ang isa isang mga ngisi ng lalaki.
"Ugh, stupid ugly bitch." Sabi nung babae sabay walk out. Problema ba non? Papansin?
Bigla nalang ako napatingin sa paligid ko, para kasing may mali eh. Nakita ko ang ilan sa mga tables na malalaki ang ngisi nila, at napatingin ako sa direksyon 'nila'. Nakangisi din, bigla nalang umiwas ng tingin si Grae habang yung mga kasama niya nagkakatuwaan may tinitignan sila sa phone na bigla akong na-curious. Napatingin din ako sa cellphone ko at umaasang baka napasa sakin yung picture na pinagkakaguluhan sa loob ng Cafeteria. Hindi nga ako nagkakamali, napasa din sakin ang isang litrato... Bigla nalang ako napatakbo papuntang banyo. Shit! Bakit ba kasi ganto ang suot ko? Kita na ang kaluluwa. Jeez, lahat ng nadadaanan ko tumintingin saki---. No, hindi pala sakin. Sa boobs at pwet lang sila nakatingin at tanging ngisi lang ang isinusukli nila sakin. Pumasok lang ako sa isang cubicle para mahimasmasan.
Self naman! Bat ang tanga tanga mo? Bat kaba kasi nagsusuot na kita na kaluluwa mo?! Sa tingin mo matutuwa sayo nyan si Grae? Hindi diba? Ang effort naman ng nagedit ng picture ko, emoji lang nakalagay. I can handle this! I'm pretty sure, mawawala din 'to next week. Don't mind them okay? Please self, magsuot ka nalang ng pants at shirt bukas kung ayaw mo mabastos. Tanga tanga mo talaga! As always. Umuwi ka nalang nga, baka sakaling bumuti pa pakiramdam mo.
Pagkauwi ko, nakatulog kaagad ako...
*Jennica's calling*
Dahil medyo antok pa ako, niloud speaker ko nalang ito.
"Hmmm."
"Hoy babae ka! Anong kabalastugan nanaman ginawa mo?!" Sino ba 'to?
"Sino ba 'to? Mamaya ka na tumawag, natutulog pa ako." Papatayin ko na sana pero bigla nalang ako napadilat sa sinabi nya.
"Jennica 'to. Gaga ka, trending ka na sa social media! Kumalat na ang pictures mo! Ano nanaman bang ginawa mo?!" Bigla akong nanlumo sa nalaman ko... Trending? Ako? Pictures? Bakit ngayon pa?
BINABASA MO ANG
Dear, Self
Randomthis story might have typographical errors, wrong grammars, or slow update start: June 07, 2017 end: