Chapter 2

7 0 0
                                    

Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa nalaman ko.




"Hello? Hello?! Nandiyan kapa ba?" Ika ni Jennica pero ako ay mistulang naging tahimik.




"Uhm. Bakit nga pala kum-----" Shit. Pinatayan ako. Matawagan na nga lang ulit. Aish, walang signal na?! Ano ba namang klase 'to.





Binuksan ko ang wifi ko at brinowse ko nalang yung social media accounts ko para makita ko kung sino nagpakalat.




Bliss posted a photo

"Hi BITCH, pasikat ka talaga ever. Share this photo guys!"

27.1k likes 16k comments 13k shares



Wtf? Pasikat? Ako? Nagbrowse pa ako ng mga comments.



"Laki naman nyan. Henge naman po ate girl"
"Hustisya sa mga flat ah!"
"Pasikat ampota. Magsuot ka kasi ng disenteng damit ng hindi nababastos!"
"Pahawak naman nyan. Gigil c aqoeh!"
"Magsusuot ng ganyan tapos sasabihin respect?! Kami ba ay niloloko mo?"
"Tangina ate, aabangan kita mamaya sa kanto nyo. Alam mo na ha?"



Naiiyak na ako. Bakit nangyayari sakin 'to? Ano ba masama na magsuot ng dress? Bawal na ba yun?



*Grae's calling*



"Hey." Walang gana kong bati sakanya




"Don't browse your social media accounts." Maotaridad nyang sabi. Tuluyan na talaga akong napaiyak



"But i did. T-tapos na." Di ko mapigilan na hindi mapahikbi. People nowadays is so judgemental. This is cyber bullying! Fuck. I hate my life.




"Open your door." Pinalis ko nalang ang mga luha sa mukha ko at dahang dahan kong binuksan ang pinto. Pagkabukas palang ng pinto, niyakap na niya ako kaya lalo lang ako naiyak.





Dear, Self.

May nagawa ba ako masama sakanila? Sa pagkakaalam ko, wala naman lalo na't hindi ko naman sila kakilala. Masama na nga ba magsuot ng ganon? Self, tulungan mo naman ako oh. Hindi ko naman kasi alam gagawin ko. Sana bigyan mo ako ng signs para maging maayos ang pagpasok ko bukas. Pero sa kabila ng lahat, may lalaking naniniwala pa din sakin na hindi ako yung babae pang kanino lang. Naniniwala siya sakin! Gusto ko sana magcomment na, "wala naman kayong lalaking tatanggap sainyo kahit sino pa kayo. immature much?" Sobrang blessed ko na dito sa lalaking 'to.




"Okay kana ba?" Naputol ang pagkayakap namin dahil bigla dumating ang kapatid ko na parang nandidiri siya sakin. Binato ko nalang ng tsinelas, imbyerna. Maniniwala pa sya don?!




"Oo. Okay na ako. Thankyou nga pala. Nakaabala pa ako sayo, kumain kana ba?" Tanong ko sakanya.



"Nope, pero may dala akong takeout. Kain tayo!" Pagaaya nya sakin. Bigla naman akong nahiya dahil dun. Bigla kong kinuha yung wallet ko para naman mabayaran sya pero hindi nya tinanggap. "Okay lang, it's my treat by the way." Atsaka kumindat. Mamamatay na ata ako sa kilig neto! HEAVEN!





Self, sobrang heaven mo! Alam mo ba yon? This is for your kalandian! POWER! Kung hindi mo kaya isurvive yung issue mo, may kasama ka naman diba? Hindi ka naman iiwan ni Grae diba?






"Grae? Nood nadin tayo ng movie!" Suggest ko sakanya na bigla nalang sya napatango at ngumiti. "Osige, dito nalang tayo manood."




Nanood kami ng movie, habang kumakain. Bigla ko syang natanong, "Grae? Hindi ba di mo naman ako iiwan?" Tanong ko naman sakanya.




"Oo naman! Eto naman oh? Wag ka magisip ng kung ano ano." Niyakap nya pa ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.







Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako mga bandang madaling araw na.

*1 new message*



From: Grae

Umuwi na ako ah? Ayoko naman istorbohin tulog mo eh. Wag mo na isipin ulit yon ah? I love you.






Kinilig naman ako ng bahagya kaya di nako nakareply at natulog nalang ulit para makapaghanda sa darating na araw nanaman para pumasok sa school.

----






Habang naglalakad ako papuntang room namin, ang daming nakatingin sakin. Halos lahat naman at nagbubulungan. Yung issue ko nga pala.






"Bakit ka nagpants ngayon? Akala ko pa naman dress ulit." Sabi nung lalaki at nagsitawanan yung mga kasama nya, ang manyak nila ah? Seriously. Inirapan ko nalang dahil wala naman akong mapapala sakanila.






Si Sir Lopez ang first subject namin ngayon. Kailangan ko bilisan! Medyo masungit pa naman yon.








Bago magstart ang klase nya ay nilibot ni Sir ang kanyang mata at tumigil sakin. "Uhm. Hannah? Bakit ganyan suot mo? Hindi ba dapat mas matuwa ka at magsuot pa ng mas mahahalay na damit para mangakit ng lalake?" Nagtawanan ang mga klase ko at doon nagsimula magbulungan.







Dahan dahang lumapit sakin si Sir at bahagyang hinawakan nya ang mukha ko kaya natampal ko ito. "Grabe naman Sir, konting respeto naman po! Estudyante niyo ako!" Naiiyak na ako. Bakit ganto ba mga tao ngayon?




"Iha, sarili mo nga di mo nirerespeto tapos kami pa pagsasabihan mong irespeto ka namin? Nagpapatawa kaba?" At dun nako naiyak, kinuha ko nalang ang bag ko at tumakbo ako papunta sa CR para magkulong.







Dear, Self.




Ano naba nangyayari sakin ngayon? Lahat nalang ba ganito? Pati ako mismo nawawalan nako ng respeto sa sarili ko. Hindi, hindi ka magpapatalo sa mga sinasabi nila diba? Kasi hindi naman yun ang totoo. Bakit ka maniniwala sakanila? Positive lang! Mawawala din yan. Mga inggit lang yan sila sayo. Just be positive, self.










AN: Flashback po ito. Kaya wag kayong magtataka. Thankyou for reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear, SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon