Let IT Go

36 1 3
                                    

Para kay ate Lyssa! Ang paborito kong one-shot author! Thanks for inspiring me ate! :)

Let IT Go.

Wag mong ituloy at magsisisi ka.

Tumatakbo ako sa isang lugar na maliwanag at maluwag. Puno ito ng tao ngunit pakiramdam ko ay ako lang mag-isa. Hindi alintana ng mga dumaraan sa paligid ko ang kahirapan at kadiliman na bumabalot sa aking lupang katawan. Walang nakakakilala sa akin at walang nakaka-alam ng aking pinagdadaanan.

Takbo-lakad ang aking ginawa, nagmamadali na makarating sa aking pupuntahan, umaasa na mabawasan ang aking nararamdaman. Wala naman sa atin ang gustong nahihirapan. Lahat ng ating problema ay nais nating wakasan ngunit ang aking tinatahak ay parang isang karera na walang katapusan.

May tumawag sa akin ngunit hindi ko nilingon. Para akong isang tao na ayaw ng bumalik sa kahapon. Natatakot ako na sa aking pagbalik ay hindi na ko makausad at baka doon pa ako maabutan ng hirap. Patuloy lang ako sa paglagpas sa mga estante ng mga damit. May artistang pinagkakaguluhan sa gitna ngunit nilagpasan ko lamang sya. Akin ang mundo at wala akong pakialam sa iba ngayon. Mapapatay ko yata ang haharang sa aking daan.

Di ko inaasahang babalik ang sakit na naramdaman ko kanina. Akala ko noon ay tapos na. Hindi ko na matandaan ang aking pagkakamali kagabi. Bigla na lamang akong nagising ng may labis na sakit sa gitna ng aking katawan. Akala ko tapos na, hindi pa pala. Kung nakinig lang sana ako sa bilin ni ina, hindi sana mangyayari ito. Hindi sana ako hahantong sa puntong iiwan ko ang aking mga kaibigan sa gitna ng saya. Hindi sana ako mahihirapang tumakbo paalis. Kung inisip ko lang sana ang mga maliliit na bagay, edi sana, wala ang tunog ng pagwawala sa loob ng aking sistema. Hindi sana tumitindig ng husto ang aking balahibo. Wala sana ako rito ngayon. Wala sana ang pagsisisi. Wala sana ang kadiliman ngayon.

Pumasok ako sa isang kwarto, lahat ng mata ay nakatitig sa akin. Bigla akong napatigil at napahawak sa aking palda ng mahigpit. Sa ganito karaming tao, paano ako maglalabas ng hinanakit? Ayokong may makaalam ng aking gagawin. Nahihiya ako dahil tatapusin ko na ito.

Pumunta ako sa maliit na espasyo at sinara ang pinto. Uumpisahan ko na.

1, 2, 3, hindi ko alam kung gaano na katagal. Basta natapos ang lahat pagkatapos ng ilang minuto. Nakahinga ako ng maluwag at napatayo para mag-ayos. Napabuntong hininga ako at napangiti. Sa wakas, nawala na ang sakit na nakakapilipit. Nawala na ang bigat na pumipigil sa akin sa paglakad.Nailabas ko na ang lahat ng sama ng loob na nagpapahirap sa akin kanina.

Isa lang ang naging sigaw ng aking isipan, sa wakas.

Pero, sandali. Bumalik ang aking kaba. Biglang tila tumahimik ang paligid mula sa ingay ng mga babae kanina sa labas ng aking kinalalagyan. Akala ko success na, hindi pa pala. Parang biglang nawala ang musika ng mall na naririnig ko kanina mula sa bukas na pinto ng kwarto. Tanging naririnig ko ay ang malakas na tibok ng aking puso. Tumindig muli ang aking balahibo. Isa lang ang pumasok sa aking isipan – anong gagawin ko?

1, 2, 3, 4, 10, 15, 16 at hanggang sa hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ilang beses kong sinubukang paganahin ang makinaryang humahawak sa aking buhay. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa loob. Anong gagawin ko? Paano kung unti-unti ng kumakalat ang baho ko?

Pero wala na talaga akong nagawa. Sigurado na ito.

Walang flush. Tae naman, patay.

Naalala ko ang sinabi ni nanay kanina, “anak, wag ka ng tumuloy, mahihirapan ka lang. Babalik ang LBM mo, maniwala ka.”

"Let it go, let it go

Can't hold it back anymore

Let it go, let it go

Turn away and slam the door!

I don't care what they're going to say

Let the storm rage on!

The cold never bothered me anyway!"

Tama siya, nagkamali ako. Sana naninwala ako at sana lamunin na ako ng lupa mula sa kubeta na ito.

Sabi ko naman sa iyo eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let IT GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon