**1**

2.5K 20 3
                                    

Sa bahay nila Ria

Manang: Oh, maaga ka atang nagising ngayon? Hindi ko na kaylangan gisingin ang alaga ko!

Siya si Manang, simula pa lang nung grade school ako naging kasambahay na namin sya. Naging specialty nya na ata ang pag-aalaga sakin simula noon. Sa lahat ng tao dito sa bahay, nakakapagtaka man sya ang pinakamalapit sakin. Pangalawa ko na syang nanay, or pangatlo. Depende kung pano mo titignan.

Ria: Manang, kasi po excited po ako. Ngayon po ako luluwas ng Manila.

Sabay yakap ko sa kanya. Simpleng way ko yan para maglambing. Na alam ko kinakatuwa ni Manang kahit minsan mahirap pa din akong alagaan.

Manang: Hindi ka naman ganyan nung nakaraan.

Ria: Iba ngayon manang. , sabay ngiting abot hanggang tenga.

Manang: Dadalaw ka dito ha? Kahit hindi ganun kadalas, basta balik-balikan mo ko!

Ria: Oo naman po. Hehehe!

Manang: Alam mo ba yung pamangkin ko. Mahilig din yung maglaro ng volleyball. Magcocollege na sya next year. Gusto nya rin maglaro dyan sa League na sasalihan mo. Sabi ko nga nakapasok ka sa UST. Papanuorin ka daw nya.

Ria: Wow sweet naman manang. Pero breakfast na po tayo, gutom na po ako eh.

Habang patuloy na  naghahanda si manang ng kakainan. Dumating na sa dining room ang number one fan  ko, di lang sa volleyball kundi sa lahat ng bagay.

Dad: Good Morning Ria!

Ria: Dad! Good morning po. , niyakap ko rin sya. Dahil mamimiss ko din sya since babalik nanaman ako sa dorm at baka sa phone na lang kami magkausap ulit.

Dad: Akala ko ba 3 days pa yung start ng class, bakit luluwas ka na?

Ria: Dad, diba po sinabi ko na. Nag improve na po ako. From team B, kasali na ko sa team for UAAP.

Dad: I’m sorry, nakalimutan ko dami ko kasing ginagawa lately. Hindi man lang tayo nakapagdate bago ka umalis.

Ria: Ok lang po, sabayan nyo na po ako?

Tita: Hon, akala ko ba nagmamadali ka?

Yan naman si Tita, alam ko na itatanog nyo. At tama ang sagot dun. Hindi sya ang totoong mama ko. Pero ok naman kami. Mabait sya sakin. At syempre, nagpapakabait ako para hind imaging sakit ng ulo sakanya.

Ria: Good morning po.

Tita: Hi, Ria mag ingat ka mamaya. Sure ka ayaw mong magpahatid sa driver?

Ria: Hindi na po. Mas ok na po ako magcommute. Nakakapag isip po ako paminsan minsan. Sabay ngiti. Alam ko nawiwirdohan sakin si Tita t’wing sinasabi ko yang dahilan kong yan. Pero this time nasanay na sya.

Tita: Ok then, see you. Tawagan mo lang ako pag hindi available ang daddy mo. At sana hindi ka maging masyadong busy sa sports. Pinag-aral ka sa Manila, hindi ka naming pinaglalaro.

Dad: Hon, lets go.

Lumapit sakin si dad at binulungan ako.

Dad: I know you’ll be good! Enjoy ka lang ha?

Tumungo na lang ako para sabihing gagalingan ko at the same time para sabihing ok lang. Naiintindihan ko si Tita. Second year na ko, maganda naman grades ko last year. Kaya alam ko kaya ko ‘to. Isa pa sinabi ko kaya sa sarili ko na maglalaro ako hanggang makagraduate ako. At kasama dun na hindi mocompromise yung pag aaral ko.

The other half of METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon