**9**

796 11 0
                                    

Ria: Good Morning!

First day ko manligaw kay ate-- Jessey pala. Nakakapanibago, kita nyo kahit tawagin sya sa pangalan lang nya nakakailang na. Sama mo pa na gusto kong maging all out sa panliligaw eh hindi pwede. Dahil tuloy pa din ang training at sa susunod na araw may game pa kami. Pero syempre hindi ako papayag na masira yung diskarte ko. Lalo pa, napakalaking oppotunity na payagan nya kong manligaw, Jessey de Leon kaya 'to. Nandito ko ngayon sa condo nila.Pumunta ko dito para makasabay sya papuntang training. Gigisingin ko na sana sya kaso pag tinitignan ko sya habang natutulog. Parang humihinto yung oras ko, para kong nagbabantay ng baby. Sarap ng tulog nya, napanaginipan nya kaya ako kagabi?  Hindi naman sa nagmamadali ako ate pero kelan ka kaya magiging akin.

Dancel: Ria? Akala ko ba gigisingin mo yan? Eh tinititign mo lang eh.

Ria: Nakakaguilty kasi gisingin eh.

Dancel: Ang tagal mo ako na gigising dyan!

Ria: Wait ako na! Ate dun ka na lang sa labas, maligo ka na kaya sige na ako ng bahala dito. (tinutulak palabas si Dancel)

Dancel: Teka! Kukunin ko lang yung towel ko. Gisingin mo na yan pag balik ko at tulog pa yan ako na gigising dyan.

Ria: Ate, gusto ko ako una nyang makita paggising nya.

Dancel: Ayyiieeee! Sige na. Good luck!

Ate gumising ka na kasi. Pano ba kita gigisingin? Paulit-ulit kong tinatawag yung panaglan nya, pero walang effect. Unuuga ko na sya, tinatapik sa balikat, tinutusok sa pisngi pero wala pa din. Lakas maka sleeping beauty ni ate Jess. Kung hindi ka gigising dyan hahalikan kita. Wait, bad yun. Di ako dapat magnakaw ng halik sa pinakamamahal ko, lalo pa tulog sya.

Ria: Jessey, gising na! May training pa tayo eh. ( Pinisil yung ilong ni Jessey )

Jessey: Uhhhhhhhh! Danz, 5 mins pa.

Ria: Ako ‘to si Riri, good morning.

Jessey: (napadilat) Riri! Anong ginagawa mo dito?

Ria: Ginigising ka. Tara may hinanda ako para sayo. ( inabot ang kamay kay Jessey at tinulungan ito tumayo )

Jessey: Excited ang baby Riri ko ah.

Ria: Ate, wag mo nga akong tawaging baby.

Jessey: Bakit?

Ria: Kinikilig ako eh. *smile* Sabay talikod para lumabas ng kwarto.

Jessey: ( Hinawakan ang kamay ni Ria para pigilan ito, at nagulat si Ria ng sumakay ito sa likod nya  ) Piggyback ride!!!!

Ria: Bigat!

Jessey: BIgat???? *pouty lips*

Ria: Hindi joke lang, gaan nga eh. Gusto ko nga ganito tayo every morning eh. Bubujatin kita every morning! *lambing tone*

Jessey: Thanks baby Riri.

Dancel: Oh buti gising na yan. Ay mali, buti tinigilan mo na kakatitig dyan habang tulog.

Jessey: Tinititigan mo ko habang tulog?

Ria: Oo ganda kasi eh.

Dancel: Ay naku, bakit ganyan kayo. Naninibago ko. Ang lalandi nyo.

Ria: Inggit ka ba ate?

Jessey: Gusto mo papuntahin ko ditto si Jelo?

Dancel: Hay naku Ria, malalate tayo. Ihulog mo na yan sa timba tapos iluto mo na yung pancakes namin.

Jessey: Magluluto ka? Sabi ni Tita hindi ka daw marunong magluto ah.

Ria: Pancake mix! Just add water!

The other half of METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon