**11**

613 10 0
                                    

Kapag player ka. Sa oras na sinuot mo ya yung Jersey mo, you have to put the game first. You have to stand for the sport that you love, you have to play every game na parang championship.  Para sa mga sumusuporta sayo, kaylangan ipakita mo yung game na inaasahan nilang mapanuod. Pati sa mga taong kasama mo all the way, you have to give your best. At syempre sa team, kaya nga La Salle ang nakalagay sa harap ng jersey ko. At si Reyes nasa likod lang.  Kahit mahirap, I have to leave everything else behind me for now and play this day. Wala munang heart problems or heart aches. Right now whats important is the game kahit pa I have to play against Jessey, I have to play against the girl of my dreams. I have to win!

Kim: Miks ready?

Mika: Yep!

Kim: Tara warm up na!

Ara: Ganado kayo ah, anong meron?

Kim: Gusto lang naming manalo today, masama ba yun?

Ara: Ako din naman, bakit parang may kakaiba?

Mika: Ara, walang kakaiba maglalaro lang tayo tapos uuwi. *cold*

Ara: O__O Anyare dun?

Sa kabilang banda naman, pinagmamasdan ni Mela sila Kim at Mika. Todo ang pag-aalala nito sa kaibigan kaya maya’t maya ang lingon sa kabilang team.

Jessey: Miss mo na?

Mela: Ha?

Jessey: Kanina mo pa tinitignan eh, baka hindi makapaglaro ng maayos si ate Kim.

Mela: Lokaloka! Hindi si Kim tinitignan ko.

Jessey: Sino?

Mela: Si Mik---(ooops, teka hindi nya pala alam, tanga ko talaga) Si Mika, si Mika!!! *pabiro*

Jessey: Ayyiieee, mamaya after ng game magdate kayo hindi yung ganyan.

Ria: Ate Jess!

Mela: Hoy, mamaya na ligawan ha game muna. *sabay alis*

Ria: Anong nangyari?

Jessey: Napikon ba yun. Anyways bakit Riri?

Ria: Galingan mo ah, para Manalo tayo tsaka alalay lang.

Jessey: Ha?!!

Ria: Galingan mo pero wag masyado. Baka kasi lalong mahulog yung puso ko. *smile*

Jessey: Cheezy mo! *pinisil ang ilong ni Ria*

Ria: Tara na baka pagalitan na tayo. Wala bang good luck kiss?

Jessey: Wala!

Ria: Daya naman!

Tapos na ang official warm up ng La Salle kaya UST naman. Habang palabas ng court si Mika, nakita nyang nagkukulitan si Jessey at Ria. Napabuntonghininga na lang ito at napayuko.

Kim: Nakita mo ba yun?

Mika: *stare* Seriously???

Kim: Ay sorry Miks, dapat di ko sinasabi yun. Dapat minomotivate kita. Yaan mo mamaya bigyan kitang maraning set para makabawi ka, ok ba?

Mika: Sira ulo!

Mag start na yung game, shake hands ng mga players. Nang magkatapat si Jessey at Mika, bigalang nagflash ng big smile si Mika sa bestfriend nya. Natuwa naman si Jessey, kasunod ni Jessey sa pila si Ria. Nang magkatinginan ang dalawa bigalang naging game face  yung reaction ni Mika. Napansin naman yun ni Mela na katabi din ni Ria sa pila.

Hanggang sa eto na sa pinakahihintay ng lahat,  as expected from the depending champs. Napakaganda ng laro nila, medyo nahirapan nag UST makalamang. At itong si Mika, parang walang pinagdadaanan, sobrang focus sa game. Hanggang sa yung bolabinigay kay Ria, nakabantay si Mika sa net pero drop ball lang pala. Buti na lang maganda ang coverage ng La Salle kaya nakuha pa rin nila yung bola. Si Kim sinet kay Mika, quick hit! At lumusot yun sa block ni Ria, di napigilan ni Mika kaya napastare down ito kay Ria na ikinatuwa ng mga tao. Sobra ang hiyawan ng mga tao sa nagyari.

The other half of METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon