Sa Panig ng Mga Pambansang Bitter

7 0 0
                                    

Mga Bes kalma lang ha?  Haka-haka lang yan ng mga taong nagtetake ng Ampalaya Plus everyday.  Wag kakadibdibin.  May likod ka pa.  Love you.

Girl: P*ta,  wala nga kaming jowa,  forever pa kaya?  Kalokohan lang yan. Kalandian.  Ganurn. Sa una magaling kasi nangliligaw pa lang pero pag andyan na at tumagal tagal na kayo,  dun na lalabas ang tunay niyang kulay.  Pwe!  Iwan mo na lang kasi wala namang forever.

Boy:  Di na ako naniniwala diyan.  Yung Mommy nga ng anak ko,  walang paki sa akin e.  Asan forever dun? 

Bakla: ay wiss bakla,  maghihiwalay din yan.  Alam mo naman  habol lang satin ng mga lalaki,  pera lang. Pera pera lang kasi ang labanan diyan.  Kung saan mas malaki ang ados,  dun sila kakapit.  Walang forever.

Tomboy:  Naku,  kahit anong klaseng pagmamahal at pag aalaga gawin mo sa mga babaeng yan,  iiwan at iiwan ka lang din ng mga yan.  Ala e.  Pag nakatikim na ng *toot* goodbye na.  Huhuhu.  Hustisya po para sa aming mga LGBT.

Doktor: Ginawa ko naman na ang lahat,  ginamot ko na pati sugatan niyang puso pero ayun,  sumama pa din sa taong sumugat sa puso niya. Kaya wag na umasa. Prevention is always better than cure. Walang forever.

Veterinarian: Buti pa ang mga hayop totoo magmahal.  Eh siya kaya?  Walang forever.

Teacher:  Kahit naman kasi anong klaseng pagmamahal ang ituro namin sa kanila,  iniiwan at iniiwan padin nila kami para sundin ang mali nilang nararamdaman.  So sad.  Walang forever.

Psychologist: There is no word such as forever.  Niloloko lang kayo ni Merriam Webster. Nasa isip lang yan.  Parang multo.  Akala mo totoo,  kathang isip lang pala. Walang forever.  Tapus.

Sundalo: Akalain mo yun?  Inalay ko ang buhay ko para sa kanya pero mas pinili niya parin sundin ang rebeldeng puso niya.  Ang sakit.  Wala talagang forever.

Manager:  akala ko noon,  kaya ko imanage kahit pati puso niya  yung pala disaster lang ang lahat.  Mas mahirap pa sa customer 's complain kasi kapag sinaktan ka niya,  wala kang karapatang magcomplain.  Iyak nalang kahit sobrang sakit.  Walang forever. 

Police: ang hirap hulihin ng puso niya.  Parang dilawan lang.  Huling huli na humuhulagpos pa rin. nakakapagod din.  Walang forever.

Accountant: parang mathematics lang yang mga yan.  Ang complicated.  Magkamali ka lang sa isa,  lahat mali na.  Kailan niya kaya makikita na ginawa ko naman ang lahat sadyang nagkakamali lang minsan?  Nobody's perfect. Walang forever. 

Architect. I planned all the good things for our future.  But sad to say,  good things turned to bad things mula ng iniiwan niya ako. Kasi nga, wala naman talagang forever sa mundo.

Engineer: binuo at itinayo ko na ang pangarap naming dalawa,  in the end,  pangarap ko na lang pala kasi may iba na siya.  See?  Nasaan ang forever dun?

Journalist: sinabi ko lang ang sa tingin ko ay totoo,  wala kong pinapanigan o pinoprotektahan,  pero inakala niya pa ring niloko ko lang siya.  Well,  ganun talaga,  kahit anong gawin mo,  mabuti man o masama,  still may nasasabi pa din sila. Kasi lahat ng bagay sa mundo,  hindi pang forever.

Piloto: ikaw ang piloto ng buhay mo.  Sundin mo kung saan ang daan patungo sa katotohanan.  Wag mo paniwalaan ang isang kasinungalingan. Walang forever. 

Flight attendant:  hindi madaling itago sa likod ng malaking ngiti ang sakit na nararamdaman namin.  At hindi ganoon kadali maghandle ng emotions pagdating sa love.  Hindi parang customer complaints na kaya mong tanggapin lahat ng sakit mula sa kanila.  At hindi rin kayang tangayin sa alapaap ang bigat ng mga nararamdaman ko sa tuwing sinasaktan mo ako. Walang forever.

Sales And Marketing Associate: Binigay ko na lahat ng matatamis kong gestures at salita but in the end,  iba pa din ang pinili niya.  wala nang forever sa mundo,  pag di ka better sa paningin nila,  hahanap at hahanap sila ng iba.

Hotelier: buti pa nga yung ibang guest,  marunong humingi ng tawad kapag nagkakamali sila at nasasaktan nila kami,  e ikaw?  Siksik,  liglig at umaapaw na ang dinulot mong sakit sakin,  nasaan na ang sorry mo?  Sakit Bes.  Wala talagang forever.

Bartender: Feeling ko kahit lasing siya,  iba pa din ang mahal niya. Wala na talagang forever sa aming dalawa.

Waiter: I already served all of my best  pagkatapos,  parang tip lang,  kahit akala mo para sayo na,  minsan mapupunta pa sa iba.  Paasa ang forever.

Writer: Sa sinusulat kong nobela nalang may forever.

Technician.  Wala,  inayos ko na,  sira pa din.  Parang relasyon namin.  Tss.  Wala talagang forever.

Electrician.  Sa kuryente baka sakaling may spark at may chance pang tumibok muli ang puso ko.  Wala e.  Nasaktan na.  Hindi na ako naniniwala sa forever.

Driver. Sweet lover sana ko at di naging bitter, kung pinanghawakan mo ko hanggang dulo.  Nakakalungkot lang isipin na wala talagang forever sa mundo.

Housekeeper. Akala ko malinis at smooth na ang lahat,  magulo pa rin pala lalo na kapag nakahanap na siya ng iba.  Unti unti nalang mawawala ang pag asa mo na may forever nga.

Maid: gaya ng eskinol,  ginawa ko naman ang lahat bakit iniiwan pa din ako at pinapalitan?  Pinagluto ko na nga kasi sabi nila to win a man's heart is through his stomach daw.  Eh naluto ko na lahat ng recipe na masarap na alam ko tumikim pa din ng iba. Pinaglaba ko na din at pinagsilbihan.  Kulang nalang sambahin ko pero kulang na kulang pa din.  Ang sakit isipin na ganyan lang sila.  Puro salita kulang sa gawa.  Madaming pangako pero lahat lang naman napapako. At ang pinakamasakit,  ang pagmamahal niya sa iba na napako.  Ngayon sabihin mo,  nasaan na ang forever na kinagisnan ng mga ninuno mo? 

Mga Bes,  iilang bagay lang yan na ipinaglalaban ng mga taong may masakit na pinagdaan sa mga bagay bagay.  Dahilan para mawala ang sakit na nararamdaman,  umiinom nalang sila ng Ampalaya Plus everyday. Minsan sa tindi ng epekto di ko alam kung ilang tablet ba ang tinitake nila araw-araw.

Well,  maiba tayo,  kung ako ang tatanungin kung ano yung forever o kung nasaan na nga ba yung forever na nakagisnan ng mga ninuno natin,  aba malay ko,  pinanganak na ba ako before 500 BC?

Kayo talaga.  Matulog na nga lang kayo at baka mapanaginipan niyo na yung makapagpapatunay na totoo yang pinagaawayan niyong FOREVER. Tapos chika niyo na lang sakin. Siyempre para malaman ko. Hihihi.  Lovelots with sweet kiss that can cause diarrhea este diabetes.  HAHAHA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Forever, Lifetime LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon