-------
A/N : Maganda ba yung Chapter 1? Sorry kung panget. Ako'y begginer lamang :p :D Bitin no? Kaya ito na ang chapter tungkol sa naging kachat ni Szamien. :D TANDAAN :
Vote!Fan!Comment! :D
--Enjoy Reading!
HAY. Andito na naman ako sa school. Halos magtatapos na ang first week ngunit si Djaleene pa lang ang kilala ko. As-in kilala. Hindi talaga ako ma-PR (Public Relation) . Gusto ko kase sila ang mag approach sakin. Hindi ako. ;)
Hindi pa rin mawala sa isip ko si 'Uzumaki Naruto'. Sino kaya yun? Posibleng kaklase ko yun. Posible din namang hindi, baka kakilala lang. Hmm. o.O Ang pinagtataka ko lang, bakit ayaw nyang magpakilala? HAAY~
Nang biglang ---
Nang biglang nakarinig ako ng salitang 'NARUTO'.
Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Pero sigurado akong narinig ko iyon.
Kinausap ko si Djaleene. "Meron ka bang friend sa facebook na ang pangalan ay Uzumaki Naruto?" Parang natulala sya sa sinabi ko.
"Ano? Uzumaki Naruto? Wala akong inaadd na ganyang mga pangalan. Wala akong friend na ganyan. Bakit, anong sinabi sayo?" sabi nya sabay ngiti. " Wala. Nagtatanong lang. " nginitian ko ren sya.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon, biglang may nagtext sa kanya.
Kasabay naman noon ay may kumulbit saakin. Pagkaharap ko sa kanya, nakangiti na pala sya sakin. "Hello. Ako nga pala si Mark Reyes," pagpapakilala nya. "Gusto kitang maging kaibigan. Yun ay kung pwede sayo," pagpapatuloy nya. "Ah. O sige. Ako nga pala si Szamien Dela Vega. Okay lang saakin na maging magkaibigan tayo," sagot ko sa kanya.
Doon na rin nagsimula ang aming pagkakaibigan. Ako, si Djaleene, at si Mark ay naging matalik na magkaibigan.
Pagkalipas ng ilang linggo, bigla kong natanong si Mark, "Mark, bakit ka hindi sumasama sa mga lalaki? Bakla ka ba?" Nakita kong tumawa sya sabay sagot, " HAHAHAHA. Ako bakla? Hindi no. Gusto ko lang talaga makipagbonding sa mga transferee kagaya mo. Para masanay ka nature ng klaseng ito."
"Ah. Ganun ba. Anong klaseng nature? D kita maintindihan," sabi ko. "Ah-- Eh. Para masanay ka sa kung ano ang meron sa klaseng ito. "
Umoo na lang ako sa sinabi nya ngunit d ko pa ren maintindihan ang nais nyang iparating. Hay~ Hayaan ko na lang.
"Dismissal Time!" sigaw ng isa kong kaklase na sa pagkakaalam ko ay si Gayle Moreno. Siya ay isang mayaman. Nalaman ko ito dahil sa mga alahas na nasa katawan niya. At kada araw mayroon syang dalang mamahalin na gadgets. 'Siya Na!'
Pagkauwi ko, nanood muna ako ng TV. Ngunit walang magandang palabas kaya kinuha ko ang aking laptop at nagfacebook.
Bigla kong napansin. May nagmessage saakin. Nakita ko si 'Uzumaki Naruto' iyon. Reply nya ' :) ' .
'Ano ba to. Magrereply na nga lang yung smiling face pa. Err. BV (BadVibes) ako sakanya. ' Online pala sya. Kaya nireplyan ko.
**Conversation
Naruto : :)
Ako : Sino ka ba talaga? Sabihin mo na lang kasi kung sino ka. Hay.
Naruto : Kilala mo ako.
Ako : Obvious bang kilala kita? Nagtatanong nga ako eh! >.<
![](https://img.wattpad.com/cover/1237183-288-k955796.jpg)
BINABASA MO ANG
Transferee [on-hold]
RomansaSi Szamien ay isang transferee sa kanilang eskwelahan. Mahiyain sya at ang pananaw nya sa pagiging highschool ay BORING at WALANG KWENTA. Makatagpo kaya sya ng mga tunay na kaibigan? Magkaroon kaya sya ng Lovelife katulad nang nararanasan ng mga ka...