Chapter Four: Taken Aback

59 4 0
                                    

CHAPTER FOUR: TAKEN ABACK


"I'M SO SORRY, Sassy. Hindi ko alam na gano'n pala ang mangyayari. I'm very sorry," umiiyak na paghingi ng tawad ni Mindy. Mugtong-mugto na ang mga mata niya. Inaalo naman siya ni Cathy na naiiyak na rin.

Pagkatapos kong ihatid si Grandma sa bahay niya ay dumiretso ako kina Mindy. Nagkataon namang nandito rin si Cathy.

Sinabi ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Grandma kaya panay ang paghingi ni Mindy ng paumanhin sa akin. Pero kahit ilang ulit pa siyang mag-sorry, hindi niya na mababago ang nangyari.

I sighed. "It's not your fault, Mindy. Hindi kita sinisisi. Alam ko namang iniisip mo lang ang kapakanan ko."

Lalo siyang naiyak. "I'm really sorry, Sassy. I'm sorry... I'm-"

"Isa pang sorry, sasabunutan na talaga kita," putol ko sa sasabihin niya. "Kaysa magsisihan tayo, isipin na lang natin kung paano masosolusyunan ito."

"'Wag kang mag-alala, Sassy. Tutulungan ka namin na mapaibig si Miguel," pahayag ni Cathy habang pinupunasan ang luha niya.

"Mikhail," I corrected her. Napabuntong-hininga ulit ako. "Hindi 'yan magiging madali, Cathy. Una sa lahat, hindi kami magkasundo. Pangalawa, makita ko lang siya ay kumukulo na agad ang dugo ko."

"Ano ba'ng ginawa niya't inis na inis ka sa kaniya?" usisa nito.

Nagkibit-balikat ako. "Wala akong maalala na may kasalanan siya sa akin. Pero hindi ko mapigilang mainis sa kaniya. 'Di ko rin alam kung bakit."

Tumango-tango si Cathy. "I can understand. May mga tao rin akong kinaiisan kahit walang ginagawang masama sa akin."

"Why don't you try to get to know him?" suhestiyon ni Mindy.

"Oo nga, Sassy," segunda naman ni Cathy. "Kung gusto mo ng mas mabilis na paraan, bakit hindi mo na lang siya akitin? Kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo, lalaki pa rin 'yon. Palay na nga ang lalapit sa manok, hindi niya pa tutukain?"

Umirap ako. "Mukha ba akong palay? Hinding hindi ko gagawin 'yan! Hindi ako easy-to-get." mariing wika ko.

"Then, at least, try to be kind to him," suhestiyon ulit ni Mindy.

"Ayusin mo rin 'yong ngiti mo, parang pangkontrabida, eh. Ganito ngumiti ang mga mababait na gaya ko." Ngumiti si Cathy nang may halong pagpapa-cute. "Itong ngiti na 'to ang nagpabaliw sa boyfriend ko. Nakita niya lang akong ngumiti, tinanong niya agad ako kung puwede bang manligaw."

"Hindi ba't ikaw ang nanligaw sa boyfriend mo?" pagtatama ko.

"Alam ko na! Ikaw na lang ang manligaw kay Mikhail."

"Anong ako? Siya dapat ang manligaw!" Tumayo na ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko. "I'm going home."

"Nandito lang kami 'pag kailangan mo ng tulong, Sassy."

Hindi nila ako pinigilang umalis. Sakay ng kotse, tinahak ko ang daan pauwi. Tulala lang ako buong biyahe. Muntik pa akong maaksidente.

Mag-isa lang ako sa bahay. At the age of eighteen, may sarili na akong business. Bumukod na ako para sanayin ang sarili ko na huwag umasa sa iba. Kapag may oras ako ay binibisita ko si Grandma. Pinupuntahan niya naman ako kapag hindi ko siya mabibisita.

Pagdating sa tapat ng gate ay bumungad agad sa akin ang isang box. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman. Nabitawan ko ito nang makita ko ang isang pamilyar na itim na bulaklak. Ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ako ng gano'n.

Napabuntong hininga ako. I have only eleven days left to live. Kahit labag sa loob ko ay kailangan kong paibigin si Mikhail sa akin. Hindi naman sinabing kailangan ko rin siyang mahalin. Titiisin ko muna ang presensiya niya sa mga araw na 'yon. Siguradong mapapaibig ko rin siya kaagad.

Up Until Midnight - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon