···♥♥···
Sobrang weird talaga ng nangyari kanina. Bigla ba naman silang bumati at ngumiti sa akin eh samantalang parang ang rude ng pagtanggap nila sa akin. Pinagbabato pa nga nila ako ng kung ano-ano eh. Nakipag-sparring din ako ng wala sa oras. Tapos sa isang iglap nag-iba yung pakikitungo nila sa akin. May mga alter ba yung mga estudyante dito?
Pero, sa totoo lang, sa tingin ko nga'y mabubuti silang tao, dahil friendly pala sila kasi kinausap nila ako kanina. Para ngang may instant interview na nangyari eh. At ang nakakatuwa pa do'n hindi nila ako tinanong tungkol kay Liliene. Parang wala lang sa kanila na dahil kay Lili kaya ako nakapasok dito. Mali pala yung first impression ko sa kanila. They're all nice people, feeling ko tuloy belong talaga ako dito. Saka sinabi na din nila sa akin yung reason kung bakit gano'n ang pinakita nila sa akin kanina.
Tuwing may bagong dating pala silang kaklase ay tine-test nila ang mga kakayahan nito. Medyo delikado nga lang ang method pero kapag naman daw nakapasa ay buong puso naman daw nilang tinatanggap ito.
Ang cool nga eh. Parang kailangan mo munang pumasa sa standard nila bago ka nila tanggapin. And I am glad that I make it through.
Nakatambay lang ako dito ngayon sa room. Wala naman kasi akong iba pang alam na lugar kaya mas mabuting mag-stay na lang ako dito. Ayoko namang maligaw.
Mag-isa lang ako dahil nagsialisan na yung mga classmates ko para kumain. Niyaya pa nga nila ako pero tinanggihan ko na. Wala naman kasi akong dalang pera, at isa pa mukhang hindi ko afford ang mga ibinibenta nila ditong pagkain. Mga rich kid kasi ang nag-aaral dito eh. Mukhang ako nga lang ang hindi.
Pinagdala naman ako ni Aling Maring ng pagkain kaya yun ang kinakain ko ngayon. Sa tingin ko naman ay walang makakatalo sa sarap ng luto ni Aling Maring. The best pa rin ito sa lahat ng pagkaing nandito sa loob ng paaralang ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Lili. Siya yung nagpapunta at nagpa-aral sa akin dito pero parang wala siyang balak magpakita sakin. Hay, hindi ko pa naman alam kung anong klaseng paaralan. Ang alam ko lang ay puro mayayaman ang nag-aaral dito katulad ng mga Royals, Guardians and Predictors aside from that, wala na kahit yung mga ugali nila hindi ko alam. I'm completely have no idea at all.
Pero, sabagay.. Mas makakabuti nga siguro sa akin ang dumistansya kay Lili, lalo na kapag nandito kami sa Seidrin Academy. Kilalang-kilala kasi dito si Lili since isa nga siyang Exosphere, baka kasi pag-initan ako ng mga estudyante dito once na malaman nila na ako yung Guardian ni Lili.
Yung mga classmates ko nga eh.. Kaya pala pinagbabato nila ako ng dagger at makipag-sparring sa akin yung dalawa nilang magagaling na kaklase ay para malaman kung bakit ako pinag-aral dito ni Lili. Mas naging interested sila sa kakayahan ko ng dahil do'n. Hindi naman daw kasi usually na dagger yung ginagamit nila sa pag-test sa mga bago nilang classmate, itlog daw sapat na. Hindi rin sila nakikipag-sparring. Sadyang sakin lang nila ginawa yun. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi eh, I feel so special. Pero sa huli sinabi naman nilang hindi daw nagkamali si Lili ng pagpili sa akin.
Okay sana kung in-introduce ako ni Kuya Men in Black in a normal way. Dapat talaga hindi na lang nito sinabi na si Lili ang nagpa-aral sakin dito, eh di sana hindi malalaman ng iba. Kaya lang, nasabi na niya eh wala na akong magagawa. Siguro nga ay kailangan ko na lang i-endure 'to. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakali man may magtangkang mang-bully sa akin. Syempre hindi ko hahayaang mangyari yun. It seems to be so exciting for me. I like challenges, especially if it involves combat fighting.
Well still I don't like trouble. As much as possible I want to stay here at this school peacefully. Prayer will be a lot of help to me.
I'll just pray that other student would not know about it, it will be troublesome for sure. I really hope that what I'm thinking right now won't happen.
BINABASA MO ANG
TRAINED TO BE A GUARDIAN [THE REAL STORY]
FantasyIn the world full of unexplainable rules and mystery The battle between good and bad Protect the Royalties Defeat the Unknown A fight for victory A fight for glory A fight for peace The strong will remain standing The weak will meet their end In Sei...