Daan Sa Nakaraan

604 44 8
                                    


Agad ko siyang sinalubong. Sabik na akong mayakap siya. Pakiramdam ko nagbalik ako sa pagkabata nang makita ang matandang babae sa parke. Hawak niya ang basket ng paninda. Ang kaibahan lamang ay nag-iisa siya ngayong naglalako nito. Puno pa ang laman ngunit bakas na ang pagkahapo sa mukha ng pawisang tindera.

"Sweet corn!!.. Bili na kayo!!" Sigaw nito nang dumaan ang isang siklista sa kanyang harapan.

"Magkano manang?" tanong ng huli.

Nagningning ang mga mata ni Nanay. Ang sabi niya sa akin noon, swerte raw ang pagngiti sa buena mano.

"Kinse po, Ser. O anak, mainit pa!" tugon niya habang abalang binabalot ang paninda. 

"Ang mahal naman!" Tumalikod ang lalaki at ibinalik ang nakaplastik nang mais sa basket.

Naiwan si Nanay na nakatayo sa initan. Naguguluhan sa nangyari. Hindi na ako nakatiis at tinawag siya.

"Nanay!"

Pumalibot ang mga bisig ko sa matandang babaeng walang pumapansin. Alam kong hindi niya ako mararamdaman, ngunit kahit man lang sa ganitong paraan ay maiibsan ang matinding pangungulila.

Malaki ang pinagbago ni Nanay mula nang maghiwalay sila ni Tsong. Labis kong pinagpapasalamat na tumigil siya sa pagsusugal at pag-iinom. Dinala kami ng kapalaran sa Calumpit kung saan namasukan si Nanay bilang kasambahay. Habang ako naman ay pinag-aral niya ng highschool. Tuwing hapon pagkatapos ng klase, naglalako ako ng meryenda para may pambaon sa eskwela. 

Magkaagapay kami ni Nanay sa buhay. Magkasama kaming nangarap, at hindi mapagsidlan ang kanyang tuwa nang makatapos ako ng highschool.

Matanda na si Nanay at wala akong ibang hangad kundi ang mahandogan siya ng magandang bukas. Noong nabuhuhay pa ako, pinangarap kong mabigyan siya ng maayos na tirahan.. matikman niya ang masarap na pagkain.. maramdaman niya ang maginhawang buhay. Nakalulungkot na sa isang iglap ay naglahong lahat ang mga pangarap ko kay Nanay. Ang hiling ko lang ay huwag siyang pabayaan ng mga kapatid ko.

Nagbalik sa ala-ala ang minsan..

Umuwi si Nanay sa bahay noon na namumugto ang mga mata. Hindi lingid sa kaalaman kong mapang-api ang naging amo niya. Madalas ay hindi siya nito pinapayagang makauwi sa amin. Makailang beses na ring nagkulang ang sahod niya rito. Tiniis iyon lahat ni Nanay para sa aming dalawa.. ngunit umabot sa sukdulan ang pangaabuso sa kanya. Napagbintangan si Nanay na nagnakaw ng mamahaling alahas. Binantaan siya ng amo niyang ipakukulong kung hindi niya bayaran ang nawawala nitong kayamanan. Awa ng Diyos, nakatakas si Nanay. 

Matagal nang patay si Tsong. Maaari na kaming makauwi. Ayoko na sanang bamalik pa. Puno ang lugar na iyon ng mapapait na ala-ala. Mga pangarap na hindi natupad.. mga sugat na hindi pa naghilom. Ngunit may mga bagay na sadyang hindi matatakasan. Tadhana na ang nagpasiya. Nung gabing iyon, nilisan namin ang Calumpit upang makipagsapalarang muli sa Maynila.

Nakilala ko si Jade sa pabrika, ngunit dito kami unang pinagtagpo. Sa barong-barong ng masasama kong panaginip..

Napagtanto kong hanggang kamatayan, may mga bagay palang hindi mabubura sa puso't isipan. 

Nagbalik ang tagpong nagpabago sa aking buhay..

May sakit si Nanay noon. Ilang araw na siyang inaapoy ng lagnat at sinusumpong ng ubo. Nagmamadali akong makauwi galing trabaho upang kamustahin ang lagay niya. Nangangamba ako dahil hindi ko alam kung paano ipagtatapat  sa kanya na nagsara ang karinderyang pinapasukan ko. Paano na kaming mag-ina ngayon?

Madilim ang eskinita papasok sa lugar namin. Kung hindi ito kabisado ng nagdaraan ay maaaring mahulog pa ito sa nakatiwangwang na pusale sa gilid.

Liwanag sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon