"DAMN!!!ano ba!!! hindi ka nakakatulong e"Mariin kong sabi sa kanya habang nag mamasid sa lumang palasyo
"Sorry"
"Alam mo na ang plano, napag usapan na natin ito"
Hindi kami susuko, ililigtas kita Rhiane at sisiguraduhin kong di ka na nila makukuha saakin ulit
"You use your ability to hypnotize them. Then I quickly entered that room." Humakbang ako palapit sa pinto kung saan nakakulong si Rhiane. Agad akong sumenyas sa kanya habang ako dahan-dahan pumasok ng kuwarto
"Hoy, tigil!" Mga hunters, simula na ang labanan. Agad kong isinara ang kuwarto. Alam kong magagawa ng maayos ni Rex ang plano.
Nilibot ng paningin ko ang buong kuwarto. Wala si Rhiane dito. Agad akong nakaramdam ng takot ng marinig ko ang tinig niya sa paghingi ng tulong.
"Ahhh! tulong"
"Rhiane?" I whisper
Damn Joseph! Please do your plan, focus ng maigi, Rhiane is in danger. Halos umangat lahat ng gamit sa loob ng kuwarto sa sobrang galit na bumabalot sa aking katauhan.
"Rhiane?" Ibinagsak ko lahat ng galit ko kasabay ng pagbagsak ng mga gamit
"Bro, I think Rhiane is not here." Agad akong lumabas ng kuwarto. Lahat ng kasalubong naming miyembro ng Hunters ay hindi nakatakas sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko kontrolado ang nangyayari, hindi ko makita kung nasaan ang babaeng minamahal ko, ang taong minamahal ko...
"Joseph?" Natigilan kami ng makita namin si Rhiane na nakahiga sa ibabaw ng kabaong. Ginamit ko ang lakas ko para hindi nila ituloy ang ritwal na alam kong ikakapahamak niya. Agad kong naagaw ang kupita na may dugo, saka ito itinapon.
Sumenyas ang pinaka leader ng hunters dahilan para itigil ang kanilang binabalak
"Ikaw pala Joseph, ang isa sa anak nina Vlad at Nadia. Masaya akong ikaw ang humarap sa akin ngayon"
"Kung gusto mo pang mabuhay at ng mga kasama mo, pati na ang palasyo mo. Pakawalan mo ang taong iyan at itigil mo na ang kahibangan mo"
"Hahaha, hindi ko alam kung ano ginawa ng taong ito sayo para maging ganyan ka magbanta sa akin"
"Hindi lang ito isang beses, maraming kasamaan na ang ginawa mo. Huwag mong sabihin na uulitin mo ang ginawa mo 25 years ago?"
Natigilan ito ng banggitin ko ang nakaraan niya
"Hindi mo ako naiintindihan, masyado kang apektado sa mga nangyayari"
"Dahil, maraming kalahi natin ang pinapatay mo"
"Ang mga mahihina at taksil na bampira ay hindi na dapat tumatagal sa mundo natin"
Alam kong wala na akong magagawa kung hindi ko pa ililigtas si Rhiane, Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko dahilan sa pag angat at pag galaw ng mga gamit sa loob ng bulwagan, Ibinaling ko ang lahat ng lakas sa mga miyembro ng hunters, maging sa pinuno nila. Agad akong sumenyas kay Rex para kunin si Rhiane. Nakita kong susugurin ng isang hunter si Rex, kaya agad kong inihagis ang mabigat na bagay sa kanya.
Abala si Rex sa pag tulong kay Rhiane, habang ginagamit ang kanyang kakayahan sa pag hypnotize ng mga kalaban
"Bro!" kumaway siya at ipinakita ang pagkakatanggal ng tali na nakabalot sa kanya. Habang ako ay kontrolado ang mga gamit sa loob, huminto sa pag angat ang mga bagay nang makalabas kami ng bulwagan
"Habulin niyo sila!" Maraming hukbo ang humabol sa amin
Dali-dali kaming sumakay sa kontse ni Rex kahit na mabilis kaming masundan ng mga hunters
"Ikaw?" Bulong niya. Agad akong tumingin sa kanya na may halong pag-aalala
"You're safe now, Rhiane." Saka siya nawalan ulit ng malay...
