Chapter 1: Dream or Reality?

3 0 0
                                        

Nakatulala ako habang nakalapat ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop

"Bakit ba ang hirap mag-isip. Walang napasok sa utak kooooooo" Nagpagulong-gulong ako sa kama habang nakatakip ng unan ang mukha ko

"Puwede bang time first muna sa homework? Hindi na kasi keri ng utak ko Lord"

Lady Shan, may naghahanap po sainyo

"May naghahanap? Sino naman kaya iyon?"

"Sige po, bababa na"

Agad kong isinara ang laptop at dali-daling bumaba ng hagdan. Napatigil ako at kinurap-kurap ang mata ko.

"Ate Zia? Wahhhh ateeee, bakit ngayon ka lang dumalaw?"

"Miss mo ako?"

"Oo naman po, ilang taon din simula nung dumalaw ka sa bahay"

"Si tito?"

"Ahh, busy si daddy, may business trip sa japan. Pero ate miss talaga kita. Halika umakyat ka sa kuwarto"

"Lady Shan, ano po ba ang gusto ni ma'am?"

"Hayaan mo na, ako na ang bahala"

"Sige lang ate, feel at home." Dumiretso ako kaagad ng kusina at pinag handa ng makakain si ate Zia. Hindi manlang ako nasabihan na uuwi siya edi sana nakapag ayos pa ako at nakapag prepare ng kakainin niya.

_______________________________________________________________________________

"Ate, miryenda, sorry ang kalat ng kuwarto ko, may tinatapos kasi ako, pero malayo pa naman ang deadline, so makikinig pa ako sa mga kuwento mo. Mag ku-kwentuhan tayo, dahil marami kang dapat na sabihin sa akin, plus iyong surprise na pag uwi mo dito. Hindi mo ako sinabihan para naman sana makapag prepare pa ako"

"It's ok, huwag ng mag abala, ako lang to, hindi ako VIP guest so it's ok."

"Ok na ba iyong problema niyo sa America?"

"Yes, actually, may ilang papers pa akong inaasikaso. So, don't worry about it."

Napalitan naman ng ngiti ang labi ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko lang na napilitan siyang bumalik ng America dahil sa mga scammers.

"Ikaw, baka naman may iku-kwento ka. Magkwento ka, makikinig ako"

"Hmm, dapat ko bang i kwento iyong source of stress ko?"

"Bakit? may problema ka, mag sabi ka sa akin"

"Hindi, i mean, hindi naman sa stress for some reason, stress ako dahil sa home works ko"

Agad naman siyang natawa at napailing-iling

"Akala ko naman mabigat na problema"

"Parang ganon na rin po?"

Sabay kaming tumawa na akala mo may nakakatawa sa mga sinasabi ko

"It's ok, normal iyan sa college students, need to study harder and also smarter. Matalino ka, mana ka kay tita"

Agad kong naalala si Mommy. Sana nandito siya kasama namin ni Daddy. Hindi ko man lang nasilayan sa personal ang mukha ni Mommy.

"Sabihin mo, Ate, hindi naman obligado na ako ang mag-handle ng company ni Daddy?" Natawa siyang muli dahilan para mag pout ako

"Ikaw ang nag-iisang anak ni tito, of course, you are the only one to handle the business. Hindi puwedeng iba ang makikinabang sa pinaghirapan ng daddy mo." Napatango lang ako sa sinabi niya. Sabagay, hindi pa siguro ako handa sa ganoon kalaking responsibilidad. Saka malakas pa si Daddy; siya muna ang bahala sa company niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red EyeStories to obsess over. Discover now