Chapter 2

6 2 0
                                    


/Dark/

What should i do? What should i do? What should i do?!!!!

Nandito ako sa kwarto ko kasama yung panda at piglet habang pinapalinis ko yung living room at nagiisip na rin ako kung anong gagawin ko sa dalawang to.

"Dada" bigla namang lumapit sakin yung panda at napansin kong may hawak hawak sya. Papel? A letter i guess..

Nakaupo kasi ako sa king size bed ko at sila naman nasa carpet. Hindi na sya umalis sa pwesto nya at lumapit pa sya lalo sakin kaya tumayo na ko at umupo sa carpet. Medyo nagulat ako nang umupo sya sa lap ko at nakitingin din sa sulat. Lumingon muna ako dun sa piglet at nakita kong nakatulog sya sa carpet.

"Oh kay.. I'll read it out loud" tumikhim muna ako bago sinimulan magbasa.

"Dear Kyosuke,
First of all i want to say sorry.. Sorry sa nangyari four years ago. Hindi ko hihilingin na mapatawad mo ko pero sana pagbigyan mo ko sa favor na to... i'm being chased by some assassins from the mafia who burnt your weapon factory because i killed a hundreds of them at hindi ko alam kung makakabalik pa ko kaya please paki alagaan yung mga anak ko. Wag na wag mo silang ipagkakatiwala sa kung sino sino dahil malaki ang bounty nila kagaya ko. I'm counting on you Kyosuke. Tsaka sa sasusunod wag kang magmomove on sa lugar na pagmamay ari ng ex mo nakabuntis ka tuloy. YHD club stands for Yuriko Harukana De Lucas. I'll explain it pag nakabalik ako. Yung mga damit nila seperated na tsaka nasend ko na sa email yung schedule ng pagkain,pagtulog,paginom ng gatas at pagpapaligo. Im sorry kung kailangan mo tong gawin. Kiss them and say i love you to them for me. Im a Spy, but it doesn't mean everything i do is fake. I have feelings too coz im a human after all, lahat ng pinakita ko sayo totoo
Yuriko"

Hindi ko alam kung maniniwala pa ko o ano... pero ang sakit lang kasi lahat ng ala alang pilit kong kinalimutan ay parang bigla nang nagflash sa utak ko... and then i remember, i took someone's v-card nung nasa bar ako para mag pamanhid at uminom, but hell it's my ex!!

"Dada...hmgry... s.spy hmgry" napatingin ulit ako dun sa panda.. Ano daw? Spy? Hungry?

Tinuro naman nya yung parang nakasabit sa leeg nya.. Seriously? A name tag?
Binasa ko naman yun.

Kyoko Spy Izumi

"Ahh so you're Spy and you're hungry" tumango naman sya bilang sagot. Ngayon ko lang napansin na mukha pala syang boy version ni Yuri. "Wait a minute"

Ibinaba ko muna sya bago ko binuhat si piglet na natutulog at inilapag ko sya sa kama ko then binasa ko yung name-tag nya.

Helliana Light Izumi

So her name is Light, no its A Hell with Light. She looked like me.


Ah! Oo nga pala pano ba magtimpla ng milk?! Kainis naman si Yuri wala manlang instruction sa sinend nyang schedule.

7pm is for milk time na kasi and then matutulog na sila after bihisan at punasan.

Nagopen naman ako ng new tab at nakita ko si google dito. "I hope matulungan mo ko google" bulong ko sa lap top ko.

Halos halikan ko na yung lap top ng makita ko yung sagot ni google tapos dali dali akong tumakbo papunta sa kitchen at sinunod ang binigay ni google na instruction.

"Here na Spy, later ko nalang ipapainom yung kay Light when she wake up" pinat ko yung ulo nya ngtumango sya na parang naiintindihan nya ko. Habang nainom sya ng milk ay inililigpit ko sa closet yung damit nila at inayos ko rin yung pagkakatupi dahil parang nagmamadali si Yuri ng magempake sya. Inilagay ko rin sa kitchen yung mga box ng gatas na hindi pa nabubuksan at mga cereals. Marami ring sweets na iba't iba at mga foods na pangbata.

Pagkabalik ko sa kwarto ay tulog na sila pareho kaya inayos ko sila ng higa at nilagyan ng malaking unan sa magkabilang dulo. Tska ako kumuha ng comforter at isang unan at inilatag sa carpet ng kwarto, hindi kasi ako kasya sa couch dito sa kwarto ko at hindi naman pwedeng sa labas ako pano kung magising pala si Light.

Bukas nalang ako kakain.

***

"Dada!"

"HOLY SHI--EEP"

Bigla naman akong napangiti ng nakita ko si Light na nakapatong sa dibdib ko. Kinuha ko yung phone ko at pagkatingin ko 3:30am palang.

"Milk"

Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa itsura nya kasi nakakunot ang noo nya at nakatitig lang sya sakin. "Sige kukunin ko lang" tapos ay binuhat ko sya at pumunta kami sa kitchen. "Malamig na yan pero siguro okay lang naman ang lasa" sabi ko habang pinapanuod ko syang uminom ng gatas sa feeding bottle.

Bigla namang may idea na pumasok sa isip ko.

"Ceweal Dada"

"Oh gising kana din Spy, magbreakfast na tayo... mag peprepare ako ng Cereal" hinatid ko sila sa living room at pinanuod ko muna ng Tv. Sana lang maintindihan nila yun, soccer game lang kasi ang meron ngayon eh.

Pagkatapos ko silang pakainin ay pinaliguan ko na sila at pinili ko rin yung over all na kitten suit para kay Light at puppy naman ang kay Spy. Puro ganto lang ang damit nila eh. Iniwan ko sila sa living room at ako naman ang nag prepare.

Time check 5:07am we arrive at my office ng wala man lang nakakita sami dahil 6:30am pa ang pasukan ng mga mafia man at galing akong parking lot kaya diretso sa elevator papunta sa office ko.

Napalingon ako sa dalawa na natutulog sa couch. Ano nang mangyayari sakin kung ngayon palang na isang magdamag ay hirap na hirap na ko? Pano kung umabot ng bwan? Or worst taon!

Pero anak ko sila at hindi ko sila pwedeng pabayaan.

I fished my phone on my pocket at nag search kay google para sa lunch ng dalawang to.






Google is mah friend.

Im cool and she's coldWhere stories live. Discover now