Chapter 4

2 2 0
                                    


/Winter/

Nandito na kami sa tapat ng bahay ni Drake, hindi naman sya sobrang malaki, two story lang tapos malayo sa ibang mga bahay dahil nasa bandang liblib na lugar to at medyo mapuno. Nauna na si Autumn dahil kanina pa tawag ng tawag yung kasamahan nya sa kanya.

Nag door bell ako at di rin nagtagal ay bumukas na ang pinto, pero laking gulat ko ng makilala ang nagbukas nito.

"Winter?!"

"Summer"

Napatingin naman sya kila Spy na hawak ko sa magkabilang kamay. "Anak mo?!" Nabigla ako sa tanong nya kaya hindi agad ako nakasagot.

"Hindi. But we will talk about it inside" pinapasok naman nya ko agad pagkasabi ko nun.

Summer is my since birth friend.. No i mean since fetus friend. Pati si Autumn dahil magbebest friends ang mga nanay namin, tignan mo nalang pangalan namin diba? Araw lang ang pagitan namin ni Autumn at bwan naman kay Summer, sya ang bunso namin. Isa syang Architect pero bukod dun ay nagchacharity work din sya.

"Anong ginagawa mo dito summer?" Tanong ko agad sa kanya pagkabalik nya from the kitchen.

"Fiancé ko yung nakatira dito eh.. Si Drake Izumi" the hell?!

Hindi nya alam ang pinapasok nya! Si Summer yung tipo ng taong sweet and caring pero not into violence like us.

"Wag kang magalala alam kong magkakilala kayo dahil kinuwento ka nya sakin. Tanggap ko rin naman ang pagkatao nya... Actually wala nga syang tinatagong kahit ano sakin eh. Now sino yang dalawang yan?"

I can't believe Drake! Argg!

"This is Spy and the girl is Light" tinignan nya naman ako naparang kulang yung sinabi ko. "Well Ang full name nila ay Kyoko Spy Izumi and Helliana Light Izumi---"

"What? Im a virgin you know" nagulat ako nang biglang tumalon si Drake papunta dito sa living room mula sa taas. "It's not mine munchkin" depensa naman nya sa sarili nya.

"Alam ko naman yun... first kiss mo nga ko eh" natawa naman si summer ng malakas habang nilalaro ung tenga ni Drake. Just watching this two makes me think about some bastard guy.

"Okay enough" sabi ko sabay taas pa ng kanang kamay ko. "Anak to ng kambal mo"

Pagkasabi ko nun mukha namang natuod sila dahil nakatulala lang sila sakin tapos sabay tingin sa dalawang bata. Nakita ko ng nanlaki ang mata ni Drake ng mapatingin sya kay Spy.

Napatingin sya kay Light. "Gray eyes and black hair.. Looks like Dark" tapos kay Spy naman sya napatitig. "Green pair of orbs... and blond hair." Bumalik ang tingin nya sakin. "Don't tell me?..."

"You're right" inunahan ko na sya bago pa nya masabi ang pangalan ng nanay ng dalawang to. "Iniwan nya muna kay Dark ang dalawang to for some reason... ayokong magexplain kaya sya nalang tanungin mo"

Binuhat ko naman si Spy at kinandong, bago sya ngumiti sakin.

"Okay... i don't get it. You'll explain it later KD" sabi naman ni Summer habang nakatingin kay Drake. "Well hello Light" kinuha naman ni Summer si Light at kinandong din.

"Anak nila ni little girl? (Tawag ni Drake kay Yuriko)... does that mean na may contact sila?" Tanong naman ni Drake pero hindi ko sya sinagot.

Tinanggal naman ni Light yung back pack nya na nasalikod, ngayon ko lang napansin yung bag na yun. Kulay light blue yung bag tapos pusa sya na may pak pak.

Im cool and she's coldWhere stories live. Discover now