Sixth Day

9 2 7
                                    

  Dear diary, 

  Diary! May nangyare. Nanginginig ako. Sayo ko lang binubuhos lahat. Sayo ko lang kinikwento. 

Ang schedule namin ay 1pm-5pm. Hindi dumating yung sundo ko kanina. Inisip ko na baka wala naman na yung mga tambay doon at tama ako, wala na nga. 

Napilitan din ako maglakad kasi wala ng tricycle na dumadaan at nakaparada. Kahit medyo malayo kakayanin naman. 

May mga humarang saakin na lalaki. Hindi sila yung mga tambay sa may studio. Tatlo sila. Hinawakan nung isa yung braso ko at yung isa naman sa kabila kong braso habang yung isa naman ay nasa harap namin. 

Umiyak na ako ng umiyak. Wala na akong magawa diary! Hinubaran nila ako. Hindi ako makapalag kasi nakahawak padin sila sa braso ko at nanlalambot na ako. Ang tangi ko nalang nagawa ay ang magdasal. Alam kong narinig ng Panginoon iyon pero hindi natupad ang hilingj ko sa oras na iyon. Binaboy nila ang katawan ko! Napaka inosente ko para ganunin nila at napakabata ko pa. 

Sa sobrang higpit ng hawak nila sa aking braso namula ito. Sumakit din ang aking katawan dahil minsan pumapalag ako kaya naman sinusuntok nila ako sa tagiliran ko o kaya naman sa tiyan ko. 

Hindi ko ito masabi kay mama kasi natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin nila, o sa magiging reaksyon nila. 

Tapos sabi pa nila, "Pag hindi ka bumalik dito sa ganitong oras, papatayin namin ang magulang mo! Kilala namin sila. Kaya huwag mo kaming susuwayin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari. Huwag na wag karin magbalak na magsumbong!" 

Pagkasabi nila nun ay iniwan na nila ako dun sa may liblib na lugar kung saan nila ako binaboy, sabihin na nating ni-rape. 

Hinang hina ako hanggang ngayon. Natakot ako sa kanila. Nagbihis nalang ulit ako at naglakad na ulit. Nakarating na ako sa bahay ng maayos at as usual wala nanamang tao dahil lahat sila nasa trabaho kaya ako lang mag isa ngayon. 

Nagpapasalamat ako na wala sila ngayon at mas lalo akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil kahit ganun ang nangyare, hindi nila ako pinatay tulad ng nababalitaan kong ginagawa sa ibang tao. 

Klea.       

Ang diary ni KleaWhere stories live. Discover now