Chapter 2

5 0 0
                                    

          Masyado akong natutuwa sa mga pangyayari. Galit na galit ang babaeng nakabangga sa kotse ko matapos kong tapusin ang usapan namin kanina. Well, she have to meet me this Saturday. She had no choice. I told her that I'll sue her for ruining my favorite car at mukhang natakot naman siya kaya umoo nalang. Nandito ako sa opisina ngayon. Every weekdays ay kailangan kong pumasok. Ako kasi ang mag-isang nagmamanage ng aming kompanya dahil ang mga magulang ko ay may katandaan na din at nagpapasarap nalang sa buhay. Well, wala namang kaso sa akin iyon. Malaki ang negosyo namin at masasabi kong napalago ito ng maayos ni Papa.
          6 o'clock came. Kailangan ko ng pampawala ng stress ngayon. Masyado akong maraming ginawang paper works. Agad akong bumaba ng building at pumunta sa parking lot ng kompanya namin. Sumakay ako sa kotse at nagdesisyong pumunta sa Nightcore ngayon. Mag-isa na naman ako. Dahil ang tarantado kong kaibigan ay malamang busy na naman sa Angel niya. Di ko ma'imagine kung pano ba mainlove at kung ma'imagine ko naman ay nandidiri ako. Simula ng magbreak kasi kami ng huli kong girlfriend na si Samantha ay hindi na ko pumasok pang muli sa isang relasyon. Sakit lang sa ulo yang mga babae na yan kaya puro flings nalang ako. Nasa Taft na ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Fuck! Bakit ngayon pa. Mukhang literal na wet ang araw na ito ah. Hahaha.
          Nang makarating ako sa Nightcore ay agad akong umibis sa sasakyan ko upang pumasok sa loob. Magpapakalunod ako sa babae at alak ngayon. I leave my phone sa kotse para walang istorbo sakin. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong naamoy ang pamilyar na usok ng sigarilyo. Nanuot ito sa aking ilong at narinig ang maingay na musika. Di pa ako nakakahanap ng mauupuan ng may babaeng humablot sakin at lumingkis sakin na parang sawa. Well, pwede na rin. Maganda at sexy ang babaeng ito. "Hi baby, let's have some fun." Aniya. Some fun agad ni hindi pa nga ako nakakaupo eh. Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sakin. "I'm not interested, miss"sabi ko.

SmittenWhere stories live. Discover now