Okay lang naman na ako diba.
Okay lang naman ang masaktan diba?
Okay lang naman ang maging tanga diba?
Diba?
Tanong ko lang
Naranasan mo na ba humanga?
Lahat naman siguro tayo may hinahangaan.
Paano kung yung hinahangaan mo, mahal mo na?
Yung minahal mo siya na hindi ka naghahangad na mamahalin ka rin pabalik.
Masakit ba magmahal?
Bakit inuulit mo pa?
Bakit ayaw mo pa rin huminto?
Baka masarap? Siguro masarap pero masakit.
Ewan. Basta ako hindi titigil sa pagmamahal pero hindi ako maghahangad.Sisimulan ko kung saan tayo nag-umpisa.
Simula nang ikaw ay aking makilala, mundo ko'y nagbago - napuno ng Saya.
Nagkaroon muli ng Pag-asa.
Pag-asang magkaroon muli ang buhay kong walang sigla.
Una palang kitang nakita pakiramdam ko kumpleto na, ikaw sana ang bubuo sa kabanata kong kulang pa.
Kapag ika'y aking nakikita ang araw ko'y kota na.
Ang Maganda mong wangis ang lagi kong panaginip mula sa umpisa.
Mga Matang mala bituin kapag ika'y nakatingin sa akin.
Sa bawat sandali na tayo'y magkasama araw araw ramdam ko ang ginhawa.
Isa ka sa bubuo ng buhay ko.
Isa ka sa mga pangarap ko.
Pero hanggang pangarap na nga lang ba?
Sana ikaw na nga.
Sana matagal na kitang nakilala.
Ngunit ang pag-asang aking binuo ay unti unting nawala.
Lalaki ako pero wala akong magawa.
Mahal kita pero mas alam ko kung saan ka maligaya.
Kahit masakit titiisin ko.
Kahit masakit kakayanin ko.
Sanay na akong ganito.
Sanay na 'kong mag mukhang tanga sa harap ng maraming tao.
Kung saan ka masaya, masaya na din ako.
Ngayon mas naunawan ko na, na hindi tayo para sa isa't isa.
Dito na matatapos ang kabanata ng buhay ko kasama ka.
Tutuldukan ko na ang sinulat kong mga alala.
Kahit naisin man na burahin ang mga alala, hindi maari dahil masyado ng mahaba.
Nagsulat ako sa papel na puno ng pag-asa.
Natapos pero puno rin ng bura - mga maling hindi na maitama.Salamat.
Salamat dahil naging bahagi ka ng buhay ko.
Salamat dahil isa ka sa mga naging inspirasyon ko.
Salamat dahil ngayon ako ay nandito dahil sayo, kaya salamat sa lahat.
Hindi naman ako pwedeng magtampo dahil "Walang Tayo".
Tayo na masasabing bagay ang ating mga puso.
Sobrang hirap palang magmahal ng taong walang pakialam sayo.
Umaaasa sa wala.
Naghihintay sa wala.
Inuulit ko, sanay na 'ko.
Araw araw tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko ginagawa 'to.
Sabi niya "Sanay ka na. Kaya mo na"
Pero ang pagkasanay sa sarili mo ay may hangganan.Sa mga gawain mo ay nandun ako.
Lagi akong nasa tabi mo para ipakita ang suporta ko sayo.
Kahit hindi mo makita ang halaga ko.
Hindi ako magagalit dahil ako lang naman ay isang TAGAHANGA mo.
Haggang dito lang ang sulat ko para sa'yo.
Tatapusin ko na ang kabanatang sinulat ko sa apat na taong hinangaan ka.