Part 2

8 1 0
                                    

Akala ko talaga Wala na itong nararamdaman Kong pagmamahal sayo.

Akala ko, okay Lang na Makita kitang masaya kasama siya.

Akala ko mag hihilom na Yung sugat na idinulot ng bigla mong pagkawala.

Akala ko magiging maayos din Ang lahat.

Pero, akala ko Lang pala Yun.

Dahil

Nang muli Kong masilayan ang iyong mga ngiti, agad na bumalik Ang impit na sakit sa aking dibdib.

Ang lahat ng akala koy nag laho nalang na parang bula.

Nagbalik lahat nang sakit.

Nagbalik Ang luhang akala koy ubos na.

Akala ko okay Lang na mag Isang lumimot

Habang ikaw ay tuluyan ng nakalimot.

Mga ala alang ibinaon ko na sa hukay, ay muling namang nabuhay, Letche akala ko tapus mo nakong wasakin.

Habang nakatingin sa iyo nakasama mo siya, nanumbalik lahat ng pangakong binitawan.

Ang pangakong kahit kaylan ay hinding Hindi na matutupad,

Dahil may iba kanang hinahangad na makasamang bumuo ng iyong mga pangarap.

Ang kamay mo na noong ako Lang Ang may hawak, Ang mga yakap mong nasa akin Lang.

Ang noong Mundo koy, iba na Ang Mundo, habang ako nanatiling nakatayo sa gilid ng pangpang, na kunting galaw lang, pwede nang mahulog at mawala nang tuluyan.

Sana Ganon Lang kadali Ang lumimot.

Sana kagaya mo akong Hindi ibinigay Ang lahat.

At Sana....

Sana, nagtira ako para sa buhay ko.

Dahil akala ko okay Lang ako
Pero Mali pala ako.

Dahil Isa Lang pala itong making akala,

At dahil sa lubusang pag ka bigo akoy nag pakalayolayo.

Pero sa aking paglayo ay sya Rin palang pagpunta mo sa ibang ibayo.

Masakit.

Sobrang sakit ng malaman Kong may anak kana.

Hahahaha itatawa ko nalang ba?

Yan Lang ba Yung hanap mo? Anak?

Sana sinabi mo! Kasi handa akong isuko Ang lahat ng meron ako Kung sinabi mo na Yan pala Ang gusto mo!

Tapos may gana ka pang imbitahan ako sa kasal mo? Pucha

Anong gusto mo?

Ako Ang mag sasabing itigil Ang kasal?
Ako Yung gusto mong maging ninang ng baby mo? Wag na baka Ano pang magawa Kong kahibangan.!

Oo. Martir ako, pero Sana Naman naisip mong may binitawan Kang pangako kasama mo,

At Ang pangakong Yun Ang pinanghahawakan ko.

Sana pala ipinag Laban Kita, kahit Alam Kong sa una palang Wala na, di Gaya ngayon na hinahunting ako ng galit at pag kadismaya.

Ikaw Ang Mundo ko, pero siya Ang kalawakan mo.

Akala ko ako Lang.

Akala ko Lang pala......

Pero pwede bang



Ako nalang?


Okay lang ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon