Prologue

13 1 1
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa amin, galing kasi ako sa mall dahil bumili ako ng mga gamit na gagamitin ko para mag decorate ng bahay na inuupahan namin ngayon. Nagpaalam naman kami dun sa may-ari at sabi nya ay okay lang naman.

Naglalakad ako ngayon kasi may binili pa ako sa tindahan malapit sa highway na di naman kalayuan sa bahay namin ngayon.

Habang naglalakad ako, may nakita ako bata sa bandang unahan, mukhang 5 years old. Kahit sa malayo, tanaw na tanaw ko ang features ng bata. Matangos ang maliit nyang ilong. Maputi ang kanyang balat at brown ang kulay ng kayang buhok. Meron syang maliit na backpack sa kanyang likod. 'Ang cute naman ng batang ito', nasabi ko sa isip ko.

Napakunot ang noo ko nung napagtanto kong wala pala kasama yung bata kasi nga naman nasa highway kami at walang nagbabantay sa kanya. Eh pano kapag bigla yang tumakbo at tumawid bigla. Naku naman oh.

Habang palapit ako dun sa bata, nakita kong may kinukuha sya sa bag nya. Papel ata yung kinuha nya at tinititigan nya yun. Nagulat ako kasi bigla syang umiyak.

Mga ilang metro na lang ang layo sa kanya ng biglang liparin ng hangin yung papel na hawak nya at napunta sa gitna ng kalsada.

Nataranta ako nung kukunin nya yung papel dun sa gitna ng kalsada kaya tumakbo ako at ibinaba ang mga binili ko.

Yung bata nandun na rin sa gitna at hawak na yung papel at umiiyak pa rin. Wala atang balak umalis sa gitna. Buti na lang at di gaano daanan ng sasakyan 'tong highway na to. Tsaka nasaan ba kasi yung bantay nito at bakit wala man lang tao sa paligid na pwedeng kunin yung bata dun sa gitna.

O_O

Ay hala!


Agad akong kinabahan ng may nakita akong kotse na ang bilis ng takbo papunta sa direksyon nung bata. Kaya kumaripas ako ng takbo para maunahan yung kotse sa pagbangga dun sa bata.

"Bata! Tumabi ka! Masasagasaan  ka   ng sasakyan!" sigaw ko dun sa bata, pero parang wala atang narinig at di pa rin umaalis. Naku naman.

Pero yung kotse tuloy pa rin. Hala! Yung bata. Parang balak niya talagang sagasaan yung bata.

"Bata tabi!" tinulak ko yung bata nung saktong dumating ako sa tabi nya. Gulat na gulat sya nung nakita ako matapos ko syang itulak. Marahil ay dahil sa pagtulak ko sa kanya ng malakas.

*BOOOOOGSSSHHH*

Bigla ko nalang naramdaman na may tumama sakin dahilan para tumilapon ako. Dun ko nalang napagtanto na nabundol na ako ng kotse na iniiwasan ko na ang bata ang tamaan. Naramdaman kong nagpagulong gulong ako, at wala sa sariling napahawak sa ulo ko. Dugo. Yan ang nakita ko sa kamay ko. Sobrang sakit ng katawan ko sa sobrang lakas ng impact ng pagkakatama sa akin. Bigla nalang nandilim ang paningin ko at narining kung may sinisigaw yung bata na di ko maintindihan.


"H-HELP! Help my Miyu nee-chan! PLEASE HELP!"

Where The Truth LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon