Chapter Two

9 1 1
                                    

Haay. Nakakapagod ang buong maghapong 'to at ang tagal pa ng byahe namin papunta dito. Imbes na 6 hours lang naging 10 hours. Aba malupet. Tss kainis na traffic yan. Traffic is so nakakainis.


Anyways. Nandito na ako sa bahay ng Tita Odette ko. Bale ako lang ang umalis sa aming probinsya hinatid lang ako ng Mama ko sa airport. Hanggang ngayon hindi ko alam kung kaya ko mabuhay mag-isa.


What I mean is maging independent na hindi umaasa sa mga magulang ko lalo na malayo ako sa kanila.

Kung hindi lang dahil sa paaralan na 'to na lahat ay libre pati lunch ay di ko papatulan. Malaking tulong 'to sa pag-aaral ko lalo na at hindi naman kami mayaman.


Medyo malayo yung bahay ng tita ko sa school na papasukan ko. Kaya dito muna ako habang inaasikaso ko ang mga papeles ko at unti unti ay ililipat ko na sa dorm ko na malapit lang sa school.


Isa pa yung dorm na yan. Naubusan kasi ng free dorms yung school na papasukan ko kaya mapipilitan akong maghanap sa labas ng compound. May nakita na rin yung tita kaya titignan ko yun sa mga susunod na araw.


Nakakapagod talaga tong araw na 'to. Saka ko na aayusin ang gamit ko. Bukas nalang kailangan ko na talaga magpahinga.






-   -    -   -











Nagising ako ng maaga para ayusin ko yung gamit at para makatulong sa mga gawaing bahay




Nakakahiya naman kasi nakikitira lang ako kahit na sobrang bait ng tita ko na yan. Bago ko lang siya nakilala nung pumunta ako dito madalas na rin siyang i-kwento sakin ng Mama ko. Kaya love na love ko na siya dahil sa sobrang bait niya



"Oh Myles, gising ka na pala. Ang aga mo naman okay lang naman kahit tanghaliin ka alam ko namang pagod ka sa byahe kahapon" narinig kong sabi ni Tita sa likuran ko. Nagluluto kasi ako ng umagahan. Simpleng fried rice, fried eggs and hotdog lang.

"Ano ka ba Tita, ayos lang po. Kumain na po kayo, malapit na po 'tong sinangag ko" sabi ko.


Nakita ko rin na gising na yung mga anak ni Tita Odette. Tatlo sila isang babae at dalawang lalaki. Si Laine, Lucho at Louis.
Mga bata pa yan sila. Si Laine ang panganay which is 12 years old, si Lucho naman ay 8 years old at si Louis ay 4 years old. Grabe kakukulit ng mga batang yan. Nakaka-stress. Unang pagdating ko dito kahapon nagmistulang artista ako sa kanila at parang ngayon lang sila nakakita ng tao. Di nila ako tinantanan marahil siguro ate ang tingin nila sakin at natuwa pa sila nung sinabi ni Tita na dito sa bahay nila ako titira pero sadly, pansamantala lang kasi kailangan ko lumipat sa magiging dorm ko. Hassle kasi masyado kung dito ako titira dahil nga sa malayo at magastos sa pamasahe.



Ginising ni Tita yung tatlo para magbreakfast. At tuwang-tuwa naman sila dahil pinagluto ko sila. Ang hirap pakainin nung dalawang lalaki dahil sobrang kulit. Buti nalang si Laine ay medyo matanda na at kaya na niya mag-isang kumain. Unlike nung dalawa baby pa daw




Natapos ng matiwasay ang aming umagahan at ako na rin ang nagprisinta na maghugas ng mga pinagkainan.



Maliligo at magp-prepare muna ako dahil may lakad kami ng Tita ko. Pupuntahan namin yung magiging dorm ko para alam ko na papunta mag-isa at para na rin makita yung lugar. Sabi rin ni Tita na may makakasama ako dun kasi isang bahay yun na titirhan ko, gusto ko lang siyang tawaging dorm para naman sosyal hahahahaha

Pero sana naman harmless yung mga magiging kasama ko. Yung di mangunguha ng gamit ng walang paalam. Bilin pa naman ng Mama ko na i-secure ko yung mga gamit ko lalo na di ko alam yung mga ugali ng mga magiging kasama ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where The Truth LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon