Chapter One

19 1 0
                                    

"Sigurado na ba talaga yan Myles?"

"Oo nga, ang dami nating balak ngayong mag-ssenior high tayo tapos ito?"

"Nakakainis ka ba, alam mo yun. Sabi mo sakin di ka na matutuloy, tas yun pala" ╥_╥

Hay. Eto na naman po kami. Kahit ako nung una nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba yung pag-alis ko dahil sa tatlong 'to.

"Ayoko din naman kayong iwan e. Pero ganun talaga. Gusto kasi nila Mama na dun na ako mag-aral at sa tingin ko maganda naman dun." Sabi ko sa kanila.

"Tsaka diba, sinabi ko na 'to sa inyo e. Matagal na kaya. Para naman kayong ano e." Dagdag ko pa.

Ito nga pala ang mga best friends ko. Si Jessie Laine, Athalia at Ellisa. At pinag-uusapan namin ngayon yung tungkol sa paglipat ko ng school.

"Wala naman na kaming magagawa jan. Basta mag-iingat ka dun ha." -Athalia

"Oo nga Myles. Kapag kami pinagpalit mo, wag ka ng uuwi dito. Hmmpf." -Jessie Laine/ JL for short nalang.

Napatawa naman ako dun sa sinabi nya. "Grabe haa, ipagpapalit talaga." Natatawa kong sagot.

"Oy totoo yun, di ka na namin papansinin kapag pinagpalit mo kami." Segunda naman ni Ellisa sa sinabi ni JL.

"Oo na, as if namang may papalit sa inyo. Sobrang UNIQUE nyo kaya. Hahaha." Pinagdiinan ko talaga yung salitang unique. Totoo naman kasi.

"By the way Myles, kelan pala yung alis mo?" Tanong ni Lia, si Athalia yan. Yan kasi palayaw nya. Though, kami lang tumatawag nyan sa kanya kasi BFFs nya kami at dahil kami lang din ang pinayagan nyang tumawag sa kanyang Lia, medyo picky yan pagdating sa mga friends nya. Mahilig yan sa Kdramas. At sa aming apat sya yung mabilis ma-fall, sabihin na nating lagi syang pinapaasa. Medyo moody din yan sya. Minsan nga pagtitignan ko sya, di ko masabi kung masaya ba sya o galit na ewan. Hahaha. Yung mata nya kasi eh. Tsaka sya lang din ang meron laging maleta sa mata. Hahaha.

"Sa last week pa ng April." Sabi ko naman.

"Last week ng April?!" Gulat na sabi ni Elle. Palayaw ni Ellisa. Sa aming apat, sya yung pinaka pursigidong maging mukhang Korean. Kung si Lia mahal ang Kdrama. Sya naman, mahal na mahal nya ang mga Kpop girl groups kaya ayan, pati nga mga sayaw nila ginagaya nya eh. Sya rin yung pinaka matangkad samin. Emosyonal din yan sa mga bagay-bagay. Pero wag ka, sya pinaka matalino samin sa Math. Si Lia naman sa History at Filipino. At dahil nga nilamon na si Elle ng Kpop, lagi yan syang nakaayos, laging may make up pero light lang. Sya rin yung nag aayos saming apat kapag may event sa school na kelangan mukhang tao kami. At alam nyo bang lagi yang late kasi late na nagigising at yung mga morning rituals nya ay inabot pa ng siyam-siyam. Inaabot kasi ng ilang oras yung pag aayos nya sa sarili nya. Tsk tsk.

Where The Truth LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon