Chapter 5

1.3K 40 15
                                    

Chinny's Pov

Nagising ako ng masakit ang ulo ko, Oo nga pala nagbar hopping kami kagabi pero tumatak talaga sa isip ko ang sinabi ni Angelo kagabi.

"Kasi sa dinami-dami ng babae, ikaw ang nagustuhan ko. Ang girl friend ng pinsan ng best friend ko. Nakakatangina!"

"Nakakagagong pakinggan na mahal kita pero nakakatangina lang talaga na hindi mo ako magawang mahalin. Mahal kita, Chinny. Kahit anong gagawin ko basta akin ka lang."

Reverse psychology sucks! Bakit ba paulit-ulit ang mga sinasabi ni Angelo sa aking isip. Mahal ko si Kilorn and that's it.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang hindi kilalang silid. Where am I? Hindi ba ako nakauwi sa bahay?

Tumayo ako at inilibot ang tingin ang buong silid, nakaranig ako ng malakas na tawanan mula sa sala nang pababa na ako ng hagdan.

"Khairro?" Gulat kong bati, ano bang nangyayari? Napalingon silang dalawa ni Farley sa akin na agad din naman niyang ikinangisi.

Bakit wala akong matandaan sa nangyayari kagabi?

"Gising ka na pala, may nilutong pagkain si Khairro." Tumango ako, Oo nga pala may something silang dalawa ni Khairro.

"I think kailangan ko nang umalis, Far. Laters, Chinny." Paalam ni Khairro sa amin.

"Whatever." Tugon ko sa papaalis na Khairro. Tinignan ko si Farley na nakangisi sa akin. I raised my eyebrows.

"What's with the weird smile, Far?" Naiinis kong tanong.

"Well, wala lang naman."She smiled bitterly. "Why don't you gave Angelo a chance? I mean, he's not bad naman." Uminit ang ulo ko sa suhestiyon ni Farley.

Why is she so pakialamera?

"He's not bad? Far, pinikot niya ako. Wait! Kasabwat ka pala niya sa pagpikot sa akin. Why are you doing this to me? You manipulative bitch!" Sigaw ko sa kanya pero hindi natinig si Farley. She didn't even blink an eye. She still remained calm and composed. "Akala mo hindi ko alam? Pwes, alam ko. Why did you even agree sa plano ni Angelo. May gusto ka sa kanya?" Tumalim ang mga tingin ni Farley habang napakagat labi.

"Sa tingin ko you're head over heels on Angelo." Napalakhak ako.

"Ang babaw mo naman, Chinny. Just because I help him make pikot to you, sasabihin mong may gusto ako sa kanya. Sa sobrang kitid ng utak mo your thoughts have been clouded with negativity and livid. In your case marrying Angelo is good for you. Kilorn ka ng Kilorn it's making me grimaced in annoyance hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa katulad ni Kilorn a lying conniving man-whore. How many times Kilorn cheated on you? Hindi mo mabilang, right? Kasi tanga ka."

First time kung makita si Farley na wala sa kanyang sarili. Napatungo ako. How many times nga ba nagcheat si Kilorn sa akin? Ganito siguro ang magmahal nakakatanga lang.

"Chinny, hindi mo ba talaga kayang mahalin si Gelo?" Tinitigan ko siya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para matigil ang matatalim na tingin at mga tanong ni Farley. "Asawa mo siya, di'ba? Dapat matutunan mo na siyang mahalin." Malumanay na saad ni Farley.

"What? Paki-ulit nga. Desperada ka na talaga no? Pressuring me na mahalin pabalik si Angelo. Tsk."

Napabuga ako ng hangin. "'Wag mo ngang mabanggit-banggit sa'kin na asawa ko si Angelo! Nakakaumay na! Tandaan mo, isang tao lang ang mamahalin ko at si Kilorn lang 'yun."

"To tell you I am desperate. Kaibigan ko si Angelo, you were like a star in his dark world. Matagal ka nang gusto ni Angelo pero dun ka pa talaga sa taong paulit-ulit kang niloloko." Sasagot na sana ako ng sumigaw si Farley.

"DON'T TALK BACK! SINASAGAD MO NA ANG PASENSYA KO AND I WANT YOU OUT NOW!" Napaiwas ako ng tingin, nagmartsa ako papalabas ng bahay niya ng maabutan ko si Khairro nakaupo sa ducati niya at inaayos niya ang kanyang suot na leather jacket.

Nag-aalalang tumingin sa akin si Khairro.

"Narinig mo?" Tumango siya sa'kin, halos tampalin ko ang aking noo. Tangina naman talaga!

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang marinig. Ang lakas ng boses niyo." Nilapitan ako ni Khairro. He held my chin. "I know you don't look fine, Chinny." Pilit akong ngumiti sa kanya.

"I'm okay, Khairro. Nasagad ko lang talaga ang pasensya ni Farley." Napabuntong hininga siya bago tumanga sa akin.

"Pagpasensyahan mo na lang ang short comings and short patience ng pinsan mo." He trailed of. "May point naman ang pinsan mo. My friend-Angelo deserves a second chance for you love, Chinny. Ayokong makialam sana sa inyo pero sumasangayon lang ako sa point of view ng pinsan mo." He smiled genuinely. "Try mo lang mahalin siya malay natin mag work."

Natulala ako sa sinabi ni Khairro. Hindi pa rin ako gumalaw kahit nakaalis na siya. Hindi sumasangayon ang puso ko sa mga sinasabi nilang dalawa.

Angelo's Pov

"Gelo, you're not okay." Jessa is comforting me mula pa kagabi. Hindi ko muna pinauwi si Chinny dito sa bahay baka mas lalong gumulo ang utak niya.

"No, I'm okay. Gusto ko munang mapag-isa." Napabuntong hiniga siya bago tumango sa'kin. Tinignan ko lang siya nang makalabas siya sa pintuan.

Pinaalis ko siya kasi umiinit na ang ulo ko. I'm totally living in livid. Hindi ako makapagisip ng matino, ayokong idamay ang ibang tao sa inis ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko para magshower, sana kaya ding alisin ng tubig ang mga sakit na nararamdaman ko katulad na lang ng pagtanggal ng mga libag sa katawan ko. Napatingin ako sa salamin pagkatapos kong magshower.

I'm richer than Kilorn.

I'm hotter than him.

More handsome.

Lahat ng babae gustong gusto ako, except her.

Shieneva Monastario, makukuha ko din ang loob mo. Patience is a must. Hahabaan ko lang muna ang pasensya ko.

Ngayon pa ba ako susuko? I can't give up. Kung kailangan ko isangla ang kaluluwa ko gagawin ko. I can get help from Farley the great savage manipulative bitch. Hindi ako susuko. Mas malaki ang advantage ko kay Kilorn.

What's up with him na wala sa akin? Pareho lang naman kaming tao. Why him?

"You're the man, Angelo." Pagcheer up ko dun sa gwapong reflection ko sa salamin.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay nakita kong paakyat sa hagdan si Chinny. Kakauwi lang ata niya. Malamang 'wag tanga, Angelo. Tanga ka na nga pag-ibig pati pa ba rito tanga ka na rin.

Hindi ko na lang siya pinansin, ayaw niya rin naman na pakialaman ko siya. Bahala siya.

Nanood na lang ako ng movie sa living room habang chinicheck ko ang IG ko. Napangiti ako sa pinost ni Lucifer.

Buti pa kaibigan ang swerte ko pero sa pagdating sa pag-ibig bokya. Walanghiyang buhay naman!

Parang gusto kong ibato ang smartphone na hawak ko. Kilorn posted a picture with Chinny. Bumungad ang selfie nila na magkasama sila. Halatang matagal na itong nakunan na litrato.

"Punyeta! Kailan ba ako tatantanan ng pangit na mukha ni Kilorn." Sambit ko at nag-scroll down na lang ako. Nabasa ko iyon caption.

'Baby, you're still the one. Walang titibag. 24 Forever. I'll alway love you, Shieneva Monasterio.'

Yuck! Ang jeje naman ni Kilorn. Think I sound so bitter na.

Gumawa ako ng GC namin sa facebook para sa tropa kong baliw including Khairro, Lucifer, Rhysand, Achilles, Drin, Aki, Francel, Raphael, Ken, at si Henry. Sinali ko na rin sina Tinnie, Ayana, Virgina, Chaira, Sunshine, Ardy, Astrid, Karma, at Farley. Hindi ko sinali si Chinny. Siya at ang walanghiyang Kilorn ang pagpipiyestahan namin. Madapa sana ang pangit na Kilorn na iyon.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon