Chapter 31

870 19 3
                                    

Angelo's Pov

"She keeps reminding that you're still gone and I'm still lonely." napahalakhak ako sa pagkanta ni Farley, minsan lang 'to kumakanta pero medyo okay na rin hindi kasi ako sanay na hoarse and husky 'yung boses niya. Na enjoy ko naman ang pananatili ko rito sa Canada at tanging si Farley lamang ang bumibisita buwan-buwan dito.

She glared daggers at me.

"Brute, don't laugh. Nagdadrama ako ngayon kaya pabayaan mo ako," she raised her eyebrow at naglakad papunta sa kusina. Si Farley? She's fun to be with.

Sinundan ko siya sa kusina at nakita kong naghahalungkat siya ng maluluto sa fridge.

"'Wag na, Far, ako na lang ang magluluto and you'll be my date," kinindatan ko siya at ginulo ang kanyang nakaayos na buhok. Nakita ang lungkot na sumilay sa mukha niya.

She's hurt. Tangina mo Gelo!

"Whatever," she spatted at me. Binalik niya ang mga kinuha sa fridge kaya napangiti ako. "Gelo, do you have any freaking plans na bumalik?"

Nawala ang ngiti sa tanong niya. Hindi pa talaga pumapasok sa isip ko ang bumalik, dahil natatakot ako na baka sa pagbalik ko wala na akong babalikan.

"I don't know, Far." binuksan ko ang fridge at kumuha ng sangkap para sa lulutuin kong smoked bangus and salted duck egg salad. Naupo si Farley sa harap ng counter table habang tinitignan niya ang mga ginagawa ko.

"Paano na si Chinny?" muntik na akong mapatigil sa tanong niya. "Hindi ko pa din alam." nag-iwas siya ng tingin.

"Anyways, anong lulutuin mo?"

"Smoked bangus and salted duck egg salad." natigilan siya sa sinabi ko. I looked at her intently.

Nasapo ko ang noo ko. Shit! Damn! Nagmomove on nga 'yung tao Gelo pero eto pinapaalala mo sa kanya ang dapat niyang kalimutan.

"I'm sorry, Far. Iibahin ko na lan-"

"No, it's okay," marahan siyang umiling. "Hindi mo naman alam e, kaya okay lang. Kaya siguro malapit loob ko kasi pareho tayo ng nararamdaman. She's your first and that ass is my first love. The world is so unfair. Bakit ba natin ginugusto ang taong hindi naman tayo gusto? It makes me puke to think na they want us to stay by their side pero hindi naman tayo gusto. Where's the justice in that?"

"Tama ka. Life is really unfair." huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan. "Para tayong tanga, Far. Pinaglalaruan tayo ng bwisit na Kupido playing a twisted game with us. Diba dapat pag gusto natin dapat gusto din tayo respeto lang diba?" tumikhim ako at ngumiti sa kanya. "Buti na lang may kaibigan akong nagaalala pa sa akin. I love you, best friend."

"Kadiri ka." natawa na lamang ako sa reaksyon niya. Magkaparehong magkaiba lang kami e. Pareho kaming umaasa pero mas lamang siya.

Nagpatuloy lamang ako sa pagluluto. Hindi rin pinaalam ng magulang ko sa mga iba ko pang kaibigan kung nasaang lupalop ako ng mundo. Basta ang sinabi ko ay maayos lang ako at nagpapalamig lang.

10 months without her? I'm missing her. Minsang na tatanong ko ang sarili ko kung okay lang siya.

Days passed, tumawag ako kay Farley at ipinalaam na babalik ako at haharapin ko na ang babaeng gusto ko. I think I'm capable to handle myself dahil alam kong may nagbago na rin sa akin. Handa na ako sa mangyayari.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Akiva, tinanguan ko siya sabay lagok ng alak. Inaanak siya ng mommy ko at nandito kami sa paborito niyang bar. "Nandoon ako nung ikasala kayo. I saw you with my two eyes that you were happy on your wedding day. You're a man now."

Paano ko ba papakisamahan si Chinny sa pagbabalik ko?

"Wala talaga e, mahal ko talaga siya." malungkot akong ngumiti. "Sana nga may babalikan pa ako. Mukhang wala na kasi akong pag asa." tinapik ni Akiva ang braso ko.

"Alam mo ba 'yung sinasabi nilang tsaka lang nila malalaman ang halaga pag nawala na ito?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, umiling ako. "Malalaman lang nila ang value ng tao kapag nawala na ito. Katulad na lang ang mga materyal na bagay diba kapag nawala ito dyan pa natin malalaman ang halaga, kasabihan 'yan. Malay natin na-realize na niya kung ano ang halaga mo." bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Kung wala pa rin? Edi, pagselosin mo baka tumalab at malaman mong mahal ka na pala niya."

Hindi ko maalis ang titig ko kay Akiva, bakit hindi ko iyon naisip? Hindi ko naman alam kung magseselos ba si Chinny.

"Kaibigan mo pa rin ba 'yung babaeng laging bumibisita sa'yo? Kung kaibigan mo pa siya, why not use her. She's oozing with sex appeal and she's dayum hot. Mukha siyang anghel, what's her name?"

"Si Farley?" nakakaloko siyang tumango sa tanong ko. Alam ni Akiva ang buong kwento, kilala niya si Kilorn at ang pagkatao ng gagong iyon. Nginisihan niya at may lumapit sa kanyang isang morenang babae.

"Gelo, I need to go. Tandaan mo 'yung sinabi ko. Balitaan mo na lang ako." tumango ako.

Napapikit ako ng mariin, handa na akong gumive-up pag wala na akong pagasang hindi na siya mapapasaakin.

Yho 

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon