Chapter 5: Encounter

89 4 3
                                    


Wala pa atang apat na building ang nalilibot namin ay parehas na kaming  pawisan kalalakad kaya umupo muna kami sa isang kubo na pwedeng tambayan. Refreshing ang simoy ng hangin dito dahil maraming puno at halaman na nakatanim. Sa mga pinuntahan naming building ay wala manlang akong natandaan dahil sa lawak at dami noon ay halos naghalo-halo na sa isip ko iyon.

"Hayst nakakagutom tsaka nakakapagod."
Pagpaparinig naman ng kasama ko.

"Teka. Wala ka bang balak magpakilala?"
Sabi ko naman habang nagpupunas ng pawis ko.

"Aww sorry I forgot hehe. Ako nga pala si Paulyn, Pau for short."
Inabot naman nya ang kamay nya sakin at nakipag kamay.

"Hmm. Yerah."

"Ang cool ng name mo hehe. By the way tara na sa canteen at kanina pa nagwawala mga alaga ko sa tyan ko. Let's go na."

Hila-hila nanaman nya ko papunta sa canteen.

"Ikaw na lang umorder kung ano oorderin mo ay ganun na lang din sa akin."

"Aww sige sige hanap ka na lang ng table na uupuan naten ah."

"Okay."

Nagmadali syang umalis at nakipila na rin. Sa ngayon ay wala akong magawa kundi ang pakisamahan na lang sya. Masama naman yung ako na nga yung tinulungan nya tapos iiwan ko sya? Hayst kaya hanggat maaari ay sinasakyan ko na lang ang mga gingawa nya.

Honestly I don't trust people easily. Kung magtitiwala man ako ay sa sarili ko na lang yun ibibigay para walang sayang. Kumbaga hindi ako manghihinayang dahil sa sarili ko nman mismo ako nagtiwala.

Nagiging maingat lang ako dahil lahat ng tao dito ay hindi ko kilala at hindi ko pa gamay ang mga ugali nila.

Sa ingay ng mga tao sa canteen ay kailangan mong sumigaw para makapag usap lang kayo. May mga grupo ng nagkakantahan, naghihiyawan, nagtatawanan at yung iba naman ay mga normal na taong kumakain lamang. Magulo kung tutuusin at masyadong maingay kumpara sa nakasanayan kong usual na canteen tulad sa dating pinasukan ko. Dito ay halos wala ka ng  maupuan dahil sa dami ng taong kumakain malaki naman ngunit hindi ito sapat para ang lahat ng tao ay magkasya rito.

Nagpalinga-linga ako at sakto naman may nakita akong nag-iisang table na may limang upuan na nakareserba. Nakakatawang isipin na sa dami ng taong naghahanap ng table ay hindi manlang nila ito nakita.

Swerte.

Agad ko itong pinuntahan upang mailagay ko na ang bag ko at makaupo na. Ang sakit sakit na ng paa ko dahil kanina pa kami lakad ng lakad. Tss.

Tinanaw ko naman si Paulyn at nakita ko syang hanggang ngayon ay nakapila pa rin. May tatlo pang nasa unahan nya bago sya ang maka order. Buti na lang at madaling mahanap itong table dahil hindi masyadong napapalibutan ng iba pang table. Parang ang style nya is ito lang yung table na nag-iisang bakante tapos malayo dito ang ibang table, parang may space ganun.

Nilabas ko na lang ang mp4 ko at headset tsaka nagpatugtog. Umidlip ako saglit dahil baka maya maya pa naman ang dating ni Paulyn.

Ngunit kahit anong lakas ng volume ng mp4 ko ay dinig ko pa rin ang hiwayan ng mga ilang estudyante.

Tss e di parang wala ring kwenta.

Yamot kong inalis ang headset ko tsaka pumikit na lang. Pero maya maya lang ay naramdaman ko ang saglit na pagtahimik ng mga tao sa paligid animo'y may dumaang anghel sa sobrang tahimik.

When Mr. Vampire Meet His Match (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon