Chapter 10

63 5 0
                                    


Yerah's POV

Naitapon ko ang alarm clock ko dahil sa malakas na pagtunog nito na nakapag gising sakin. Nairita ako dahil kulang pa ako sa tulog kaya humiga ulit ako kahit na alam kong may pasok pa ako maaga pa naman ng konti kaya maya maya na lang ako babangon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay napilitan na rin akong bumangon. Naalala ko na kailangan ko pa nga palang maghanap ng kagrupo.

Bukas na nga pala yun.

Agad agad naman akong bumangon at naupo muna sa gilid ng kama at tiningnan ang oras. Great malapit na pala mag time. Naligo na ako at nag ayos na din wala na akong oras kaya binilisan ko na, halos hindi na ako nakakain sa pagmamadali. Lakad takbo na ang ginagawa ko para lang makaabot sa classroom. Pero sa pagmamadali ko ay may nakabangga akong isang lalaki at kung hindi ka nga naman minamalas si Vladimyr pa.

Masamang titig agad ang ipinukol nya sa akin.

"Watch your step miss."

"We'll i'm sorry."
Pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko na sya hanggang sa nakarating na ako sa classroom.

"You're late again miss."

"I'm sorry sir."

Umupo na ko sa upuan ko at nagtaka naman ako kung bakit wala si Paulyn.

"Asan kaya yun?"

Magsasalita na sana si Sir nang biglang pumasok si Vladimyr. Wtf? Dito rin ang classroom nya? So magiging kaklase ko sya for the whole year? No way.

Ipinilig ko ang ulo ko at iritang tumingin sa kanya habang papalapit. Wala syang pakialam kung ano ang sinasabi ng prof. namin tungkol sa kanya na puro panenermon lang naman.

Wag mong sabihing sa likod ko sya uupo? Napakamalas ko talaga. At tama nga ang inaasahan ko sa likod nga sya umupo at tsaka ko sya nilingon.

"What are you looking at?"

Inirapan ko lang sya at tsaka naglabas na lang ako ng notebook. Pakiramdam ko ay palaging may nakatingin sa akin kaya ayaw na ayaw kong may umuupo sa likodan ko. Napahawak naman ako sa batok ko habang nagsusulat. Damn. Nakakainis gusto ko sanang lumipat ng upuan kaya lang nakakahiya. Nagtiis na lang ako hanggang matapos ang first subject namin.

Lumipas lang ang ilang minuto at pumasok na rin ang adviser namin. Nagtaka ako dahil pang hapon naman namin sya.

"Good morning class. Andito ako para sabihin sa inyo na kailangan nyo ng humanap ng kagrupo nyo at ifinalize nyo na dahil bukas na gaganapin ang outside activities natin. Isulat nyo sa papel kung sino-sino kayo at ilagay nyo na lang dito sa ibabaw ng table ko. Understood?

"Yes Ma'am"

Wala akong ginawa kundi magpalingon lingon lang habang ang mga kaklase ko ay abala sa pakikipag usap at pag aaya. Kainis wala pa naman akong kakilala dito kahit isa maliban kah Paulyn tapos di pa pumasok.

Umiingay na dahil sabay sabay nagsasalita ang mga kaklase ko. Buti pa sila meron ng kagrupo. Damn. Wag na lang kaya akong sumali? Wala namang sinabing bawal. Napagdesisyonan kong wag na lang sumali.

"Okay class settle down."

Nanahimik ang ilan sa mga kaklase ko at ang iba ay umupo.

Pinapasa na ang mga papel at lahat naman ay nagsitayuan at kanya kanyang pasa. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pa rin tumatayo itong nasa likod ko.
Wag mong sabihing wala pa rin syang kagrupo? Imposible naman yun. Malaking imposible tlga dahil sikat sya rito, kung tutuusin nga ay hindi na nya kailangan pang maghanap dahil kusang lumalapit sa kanya ang mga kaklase namin, kaya lang masyado talaga syang maarte at kahit ni isa sa mga kaklase ko ay wala manlang pinansin o kahit tinapunan manlang kahit isang sulya.

Maarte.

Maya maya lang ay dumadaldal at nag iingay na ang prof namin sa unahan. Kung kani-kaninong mga pangalan ang mga binabangggit batid kong yun na ang mga kagrupo nila. Nababanggit rin sya ng mga kung ano anong group names tulad na lang ng Charles Angels, Power puff girls, Avengers at kung ano-ano pang mga kakornihang group names. Tss.
Ang sakit nila sa ulo.

Hindi ko na nakayanan ang kaingayan nila kaya naman tumungo ako at umob-ub na lang ako sa desk ng bangko ko. Pero hindi pa man ako nakaka limang minuto sa pagkakatulog ay narinig ko na agad ang boses ng prof namin.

"Kayong dalawa dyan sa likod, wala ba kayong balak maghanap ng kagrupo nyo?"
nangungunot noong sabi pa naman nya.

"I don't need a group mates or even a partner. Kaya ko naman gawin ang mga outside activities ng walang kahirap hirap. "
Napalingon agad ako sa kung sinong nagsalita.

Tss. Masyadong presko kala mo naman ay kaya nyang lahat iyon. neknek mo!

"No. Hindi maaari. This time ang lahat ng estudyante ay required at necessary na magkakaroon ng kanya kanyang grupo. Kaya sa ayaw at gusto mo Mr. Hidalgo ay hahanap ka ng kagrupo mo."
sabi naman ng prof namin habang inaayos pa ang kanyang salamin na para bang isang striktong teacher ng mga kinder garten.

"You can join with her" binaling ng aming prof ang tingin nya sa akin at napamaang naman ako.
"Po?" Walang isip isip kong tanong.

"What's your name again iha?"

"Ahm Yerah po. Yerah Ashlyn Iverson"

"So Mr. Hidalgo is that okay with you?"

"Tss."

Pawang singhal lang ang isinagot nya sa prof namin hudyat na wala na syang magagawa kundi ang pumayag na lang.

"So it's finalize Ms. Iverson will be your partner for our outside activities."

Nilingon ko naman sya para makita ang reaksyon nya pero ni katiting na galit, inis, o kung ano pa man ay wala akong nakita sa mukha ni Vladimyr. Pawang blangko lamang ang makikita mo sa kanyang mukha na para bang walang pakialam sa mundo.

Mga ilang minuto lang ay tumayo sya at walang pakundangan na naglakad sa harap
mismo ng teacher's table namin at nag abot ng papel.

Tsk. ano naman kaya iyon? Ahhh alam ko na baka naman ay yung pangalan naming dalawa. Kahit naman papaano ay mabait naman sya dahil sinulat pa rin nya ang pangalan namin pareho sa isang papel.

Pagkaraan ng ilang mga oras pa ay hindi na bumalik si Valdimyr para umattend ng klase.

Itatanong ko pa naman sana kung anong mga strategies namin, pero mukhang wala akong maasahan sa kanya kundi ang hintayin na lang ang bukas na dumating.

Tss. makapaghanda pa kaya kami?

Natanong ko na lang sa isip ko habang patuloy na naglalakad papuntang girl's dorm.

**********************
sorry for super duper mega ultra slow update😂

-myname-isJ

When Mr. Vampire Meet His Match (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon