Paulyn's POV
Dalawang araw mula ng atakihin ako ng sakit ko. Lumuwas ako papunta sa mga magulang ko upang magpagamot at ngayon narito ako sa Hospital. I have a mental disorder called Szichropenia hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon matanggap. Alam kong pinapakisamahan lang ako lahat ng mga kaklase ko, alam ko rin na wala talaga akong totoong kaibigan. Hindi nila ako matatanggap, natatakot ako na baka ako makapanakit nang wala sa oras.
Ang totoo nyan matagal na akong merong ganitong sakit sa pag uutak. Bagaman minsan lang ito umatake pero kapag aatake ay pasalamat pa rin ako dahil hindi ako nakakapanakit.
Takot na takot ako para sa sarili ko dahil para laging may nag uutos sakin gumawa ng masama.
Ayoko nang maalala lahat pero tuwing tutulog ako ay hindi ko ito maiwasan. Napapanaginipan ko ang sarili kong may sakal sakal na isang tao tao at nagmamakaawang bitawan ko sya pero hindi ko ito binitawan at napatay ko ito. Halos paulit-ulit ko itong nararanasan. Minsan kapag mag-isa lang ako may bubulong sakin na gumawa ng masama, magdidilim ang paningin ko at yun ang pinakaiiwasan ko. Hindi ko kaya iyong labanan kaya ngayon pa lang hanggat maaga pa kailangan kong makaalis at makapag pagamot sa America yun lang ang tanging paraan.
Natatakot ako na kahit na malalapit na tao sakin ay masaktan ko, katulad ni Yerah kahit hindi kaibigan ang turing nya sa akin napalapit na rin ang loob ko sa kanya. Minsan pang napag isipan ko sya ng masama at ayw kong ipagsawalang bahala yun dahil ayw kong masaktan sya. Ayw kong makapanakit pero wala akong magawa dahil kapag iinom ako ng gamot ay parang wala rin itong bisa.
Kapag mag-isa lang ako ay palaging may bubulong sa akin at tsaka ako tatawa at parang makakaisip na masamang plano. Pero pagkaraan ng ilang oras ay titigil at tsaka na lang ako mapapaiyak. Sawang-sawa na ako sa ganitong scenario sa buhay ko. Gusto kong gumaling at ayaw kong mastuck ang sarili ko na mayroong sakit na ganito.
"Kamusta na kaya si Yerah?"
Hindi manlang ako nakapag paalam sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya patungkol sa school at kung anu-ano pa. Kaya lang sa ngayon ay hindi ko pa iyon magagawa dahil sigurado akong magtatagal pa ako nang mga ilang araw rito.
"Oh anak gising ka na pala. Tamang-tama at nakabili na ako ng makakain natin."
Ngiting bungad sa akin ni mommy." Mom? Pwede po ba na once na gumaling ako ng konti pwede akong bumalik sa school? Kailangan ko lang po magpaalam sa kaibigan ko."
"Oo naman anak. Gusto mo ba samahan ka pa namin ng Daddy mo? Para na rin maipaliwanag namin ang kalagayan mo."
"Sige po mom."
Ngiti lang ang iginawad nya sa akin at tsaka inayos ang mga binili nyang pagkain.Pagkatapos naming kumain ay natulog ako hindi kasi sakin pwede ang mag-isip ng mag-isip at lalong lalo na ang maistress.
*********************
Yerah's POV
Ang sarap ng tulog ko. Napabaling ako sa kabilang side ng higaan nang hindi pa nagmumulat ng mata. Yinakap ko ang unan na kalapit ko lang, pero nagulat ako nang matigas ang nakapa ko. Kinapa-kapa ko pa at alam kong hindi ito unan nasisigurado ko pero mabango ang amoy nya.
Inamoy-amoy ko pa ito, pero mabango talaga tsaka pinisil. Yinakap ko ito ng mahigpit at nakarinig ako ng mahinang tawa.
Agaran akong napabalikwas nang marinig ko yun. What the fuck?
"AHHHHHHHHHH"
"Fuck woman you're so loud."
Tinakpan nya ang bibig ko at napairap ako sa kanya."Baksnavavzjsnaksnshav?"
Kunot noong napatingin sya sakin.
Hinawakan ko ang kamay nya at tsaka ito kinagat.
"Fuck. Damn it. Aso ka ba?"
"Oo at kakagatin kita ng kakagatin hanggang sa mamatay ka!"
At tsaka ko sya pinagpapalo ng unan.Sangga naman sya ng sangga hanggang sa hawakan nya ang dalawa kong kamay. Hindi ako makapalag dahil ang lakas ng pwersa nya.
Ngumiti sya ng nakakaloko at tsaka unti-unting lumalapit sakin. Konti na lang ang pagitan ng mukha namin at maling galaw nya lang ay mahahalikan na nya ako. Palapit ng palapit kaya ako naman eto pumikit na lang.
"Mas lalo kang gumaganda kapag bagong gising ka."
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha. Doon ako napatitig sa kanya na para bang noon lang ako nakakita ng nakakamanghang isang bagay.
Hindi ko napansin na wala na pala sya sa harapan ko. Tss nakakainis na nakakahiya. Bubulyawan ko pa sana sya kaya lang nawala ako sa wisyo. Tss ayun nakaalis na tuloy. Bwisit.
Lumabas ako nang masama ang tingin sa kanya. Naabutan ko sya na nakikipag tawahan sa isang babae. Hindi manlang ako napansin na dumaan.
Para san ba yung ginawa nyang yun? Wag syang magkakamaling pagtripan ako. Nabubwisit ako sa kanya.
Naglakad-lakad ako at doon ako nakakita ng pwede kong upuan. Umupo ako sa isa sa mga natumbang puno at tsaka pumulot ng bato at marahas na hinagis. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon.
Putspa.
Nagulat ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko. Iritado ko itong sinagot.
"Hello."
"Ipinaaalala ko lang sa iyo ang iyong misyon baka nakakalimutan mo?"
Buti naman at pinaalala mo dahil kung hindi tuluyan ko nang makakalimutan. hayst.
"Hindi ko pa naman nakakalimutan wag kang mag alala. "
"Siguraduhin mo lang dahil baka iba na ang ginagawa mong misyon dyan hindi ko pa pala alam."
Nainis ako sa tono ng pananalita ni commander.
"Naninigurado kaba talaga o nambibintang?"
"Hindi naman ang sakin lang ay pinapaalala ko lang sa iyo."
"Yes he's my mission and I didn't forget that how many times do I have to tell you?"
Pagalit na sabi ko pa sa kanya naiirita na ko dahil parang iba na ang pinupunto nya o baka napapraning lang talaga ako."Okay then, ibababa ko na to. Mag-iingat ka."
Pinatay ko na agad ang tawag at tsaka tumayo bumalik na lang ako sa tent at tsaka nag ayos na ako ng mga gamit ko.
Hindi na itutuloy ang ibang activities dahil nagkaroon daw ng aberya. Walang ibang sinabi o paliwanag ang instructor namin basta ang sabi nya ay maya-maya ay aalis na agad kami.
Masyadong biglaan ang pag aannounce na yun at doon ako nagtaka kahapon naman ay ayos na ayos pa. Tapos bibira sila nang biglang hindi matutuloy? oh baka naman may tinatago lang sila?!
Napaisip naman ako sa ginawa ni Vladimyr kanina I don't know what to say bago lang sakin ang ganoong pakiramdam. Yung tititigan ako at sasabihan ng magagandang salita hindi man ako totally na kinilig pero nakakataas ng confidence dahil sinabihan nya ako ng maganda.
Hindi pa nga manlang ako nakakabatok sa pag titake advantage na ginawa nya kanina tapos iniwan pa ako at hindi manlang nagpaalam sakin.
"Halerr bakit naman sya magpapaalam sayo?"
Sabi naman ng kabilang isip ko. Oo nga naman tss.
Nababaliw na ata ako kung anu-ano na lang ang naiisip ko.
*********************
BINABASA MO ANG
When Mr. Vampire Meet His Match (On-Going)
VampireWhat if a two differents worlds collide? Dalawang mortal na magkaaway. Ang dalawang mundong tunay na magkatunggali. Pano kung ang dalawang katauhang galing sa magkaibang mundo ay syang pagtagpuin ng tadhana? Mabago kaya nila ang maaaring mangyari sa...