LAIZA ( chapter 2 )

5 0 0
                                    

Sorry laiza kung linoko kita. Sana mapatawad mo ko , marami pa namang lalaki dyan eh. Sana wag ka maging bitter , sana maging masaya ka kahit wala na ko.
Paulit - ulit kong binasa ang text ng ex kong si martnel. Isang taon na ang lumipas pero hindi parin ako makamove on sa kanya, pati playlist ko tuloy nadamay. Paiyak na sana ako ng bigla kong narinig ang ringtone ko.
Bes club tayo 
Pucha naman to si melissa ,nakita na nyang may problema na nga ko kalandian nya pa ang iniisip nya. Well maganda rin naman para sakin ang makisocialize sa ibang tao , tapos baka may makilala pa kong cute..... baka.
*****
Pagdating sa club , nakita ko si melissa kasama ang isang foreigner ( mukhang british pero russian yung accent) na lalaking nasa early 20's. Parehas silang lasing
" bes , buti dumati ka !"
" wala akong magawa eh"
" good choice. Good choice." Tinuro nya sakin ang kasama nya " ivan meet laiza , laiza meet ivan" kinamayan ko sya. Inabotan nya ko ng shot glass na may laman na alak.
" bes. Shot ka"
" di ako umiinom"
" dali na. Ngayon lang naman. Para makalimutan mo na sya"
" kaya ko syang kalimutan kahit walang alak"
" tssk. Try mo lang. Promise masarap" natakot ako pero ininum narin ang laman ng baso , para hindi masabihang killjoy. Ang isa naging dalawa na naging tatlo na naging apat na naging lima na naging anim. Pagkagising kinaumagahan nakita kong nasa isang kwarto na ko. Isa lang ang sumagi sa isip ko patay ako kay papa. Biglang may nagsalita sa likod ko.
" well. Well. Good morning sleeping beauty"
" anong nangyari kagabi ?"
" mabuti pang wag mo nang itanong" ngumiti sya.
" may nangyari bang.... ano , alam mo na "
" wala." hindi parin natatangal ang ngiti nya.
" thank god."
" bakit akala mo gaganunin kita ? Di naman ako ganun ka desperado , miss" nainis ako sakanya. Anong akala nya sa sarili nya , super model ! Che ! Ang pangit kaya nya !
" parang ang hot mo naman..."
" hindi ko sinasabing hot ako. Sinasabi ko pangit ka "
" grabeh... eh bakit mo pa ko dinala sa bahay mo? may masamang motibo ka noh ?!"
" hindi ako ganung tao. Naawa lang ako sa isang babaeng nakikipagusap sa isang book cover"
" ganun ba talaga ako kalasing "
" may mas worse pa dun "
" shit....."
" well. kumain ka na ng almusal at pagkatapos pwede ka ng umalis sa apartment ko"
" feeling mo gusto ko dito ?"
" again. Wala akong sinabing ganun" pagkababa ko nakita ko sa lamesa ang dalawang box ng pizza.
" pepperoni or hawain ?"
" seryoso ka ?!"
" oo bakit ?"
" nabubusog ka dito ?"
" more or less."
" wow. Ganito kaba kapoor ?"
" yeh yeh. Kakain ka ba o ano ?"
" eto na nga" umupo ako sa upuan sa tapat nya. Habang kumakain pasimple ko siyang pinagmamasdan. In fairness , may itsura sya kahit papaano , kaso sobrang sungit kaya nakakainis.
" o bakit ? Kumain ka na. Wag mo kong titigan"
" hindi naman ikaw eh "
" eh ano ?" Namula ako ng sobra
" yung..yung painting "
" excuses"
" totoo !"
" bahala ka nga dyan" pagkatapos kong kumain ng 3 slice nagpaalam na ko
" thank you nga pala dahil pinatuloy mo ko dito sa apartment mo. Sige alis na ko" paalis na sana ako ng bigla nyang hilain ang kamay ko.
" kala mo walang kapalit"
" huh ? Anong sinasabi mo ?"
" hindi ako good samaritan. Gusto ko tumbasan mo ang ginawa ko para sayo"
" magkano ba gusto mo ?"
" hindi ko kailangan ng pera"
" eh ano ?"
" gusto ko magdate tayo" namula ako sa sinabi nya
" bakit ?"
" trip ko"
" eh pano kung ayoko ?"
" edi mapipilitan akong iupload to" pinakita nya sakin ang video ng mga kapalpakan ko sa party nung nakaraan na gabi. Sinubukan kong agawin pero sobrang bilis nya.
" mamili ka. Magdate tayo o magiging trending tong video ?"
" bwisit ka alam mo yon ?"
" so is that a yes on the date ?"
" alangan ! Wala naman akong choice eh"
" good" ngumiti sya sa akin na parang aso

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The bountyWhere stories live. Discover now