[A/n: Ako na muna ang magpo-pov. Yun kasi ang dapat eh. haha]
Tapos na ang tugtog ngunit nakatayo parin si Kai sa gitna ng dance floor.
Nakatitig sa isang babae.
Si Diane.
*Flash back*
First year high school noon sila.
Di pala imik si Kai noon at laging masungit.
Kaya walang nagtatangkang lumapit at nakikipag kaibigan sa kanya.
Ang totoo niyan pagsasayaw lang ang naging sandigan niya.
Yun ang labasan niya ng sama ng loob.
Sama ng loob na di niya makasama ng lubusan ang kanyang mga magulang.
Halos isang beses na lang niya makita sa isang taon.
Masyadong busy sa business nila sa london.
Mabuti na lang at may sarili siyang dance studio sa bahay.
Doon siya sumasayaw.
Isang araw ay dumiretcho na siya sa dance studio na pagmamay ari ng kanyang pamilya.
Malapit lang ito sa school kaya doon na lang siya pupunta.
Pagkaakyat niya sa second floor ay dumiretcho na siya sa dance room no. 16.
Pinihit niya ng malumanay ang door knob at nang medyo naka angwa na ang pinto ay rinig niya ang isang tugtog.
Sexy love by Neyo.
Sinilip niya muna kung sino ang gumagamit ng dance room na yun.
Napako siya sa kinatatayuan niya.
Isang babae ang sumasayaw.
Mahaba ang chest-nut brown nitong buhok na sumasabay din sa kanyang pag indak.
Maingat nitong iginagalaw ang ulo, katawan, kamay at paa.
Ang totoo, nagandahan siya dito ng sobra... sa pagsasayaw.
Lalo na nung humarap ito.
Maputi at makinis ng kanyang mukha.
Nagpipinkish na din ang kanyang pisngi dahil na rin sa init na inilalabas nito habang sumasayaw.
Pawisan na din ang gilid ng kanyang mukha pero maganda parin ito.
At nang ngumiti, nadala niya si Kai, ngumiti na din ang lalaki.
Masyadong nahumaling siya sa pagsasayaw ng babae.
Kaya kahit patay na ang music ay nakatitig parin siya dito.
Lumapit ang babae sa kanya binuksan na ng maluwang ang pinto.
"Dianne."
Inilahad nito ang kamay sa kanya tanda ng pagpapakilala.
Di naman si Kai tumatanggap na lang bigla ng kikilalanin pero may mahika siyang naramdaman kaya iniabot niya na din ang kamay sa babae.
"Kai."
Pagkatapos mag shake hands ay hinila ni Dianne si Kai papasok sa loob ng dance room.
Pinatayo niya ito sa gitna at napili namang umupo ni Dianne katabi ang music player.
"Sumayaw ka."
Nginitian niya si Kai saka uminom ng tubig.
"Nakita mo na akong sumayaw. Kaya ngayon, show me what you've got."
BINABASA MO ANG
My Kung Fu Panda (OnGoing)
FanfictionI find him very charming with his weird looks and personality. He's like a Kung Fu Panda. Yet, I'm falling for him.