Case101: The Beginning

34 0 0
                                    

Ako si Yanika.

Yanika Brille D. Fierro

Isa lamang akong ordinaryong babae.

Ito kwento ng aking buhay at ng mga taong nakapaligid sa akin.

__________
March 2006

Naglalakad ako pauwi galing eskwelahan.

Nagkalat ang mga estudyante sa daan sapagkat uwian na ang karamihan ng paaralan. Madame ang naglalakad sa daan.

"Bwisit naman." Narinig kong sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan at nakasandal sa poste na tila hindi mapakali sa kakalingon.

Napatigil ako sa harapan niya. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya.

"Bakit ba dumikit ka ng husto. Arrr." Pinipilit niyang kunin ang natitirang bubble gum sa pakete nito habang palingalinga sa paligid.

"Bakit kaya hindi mo na lang kaya itapon? Tsk." Bulong ko sa sarili ko.

Napatigil siya sa ginagawa niya at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko inaasahan na malakas pala ang pagkabulong ko.

Magsasalita pa sana siya ng may isang mukhang mayamang matandang babae ang dumaan sa pagitan namin patungo sa sasakyan niya.

Mabilis niyang tinapon ang pakete ng bubble gum na iyon at walang kakurap kurap bigla itong humarang sa matandang babae at hinigit ang bag nito.

Mabilis na tumakbo ang lalaki habang sumisigaw naman ang matandang babae ng tulong dahil sapilitang kinuha ang gamit niya.

"Tulungan niyo ako. May kumuha ng gamit ko." Nanginginig na sigaw ng babae habang pilit na hinahabol ang lalaki.

Walang anu ano tumakbo na rin ako. Ngunit napatigil ako ng may bumangga sa akin. Isang lalaking nakapamulsa ang mga kamay habang tumatakbo rin.

Unti unti niyang nilabas ang mga kamay niya sa bulsa ng jacket. Kinabahan ako. Kaya naman tatakbo na sana ako upang pigilan ang anuman maari niyang gawin sa babae. Ngunit hindi ko naituloy dahil sa wala naman siyang hawak na maaring makapanakit sa babae ngunit may nalaglag mula sa bulsa nito.

"Madam, tumawag na po kayo ng pulis ako ng hahabol sa kanya." Tumango naman ang babae.

Patakbo kong pinuntahan ang lugar kung saan bumagsak ang isang maliit na bagay mula sa bulsa ng lalaking iyon.

Pinulot ko iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Mabilis kong hinabol ang lalaking pumigil sa babaeng ninakawan. At tanaw ko pa siya. Kaya naman walang pagaalinlangan kong binato sa kanya ang bag ko.

Sapul siya sa ulo dahilan para mapahinto siya sa pagtakbo at lingunin kung sino man ang bumato.

"Aray!" Daing niya habang sapu sapo ng isang kamay niya ang ulo niya.

"Masakit ba? Sorry hindi ko sinasadya." Sarkastikong saad ko.

"Ikaw ung bumato? Alam mo bang may hinahabol akong magnanakaw? Dyan ka na nga." Inayos niya ng bahagya ang sarili at akmang tatakbo na pero pinigilan ko siya.

"Uso palang habulin ngayon ang sarili?" Nakangisi kong sambit sa kanya habang hawak hawak ang braso nito.

"Hoy miss. Wala akong panahon sayo." Mabilis niyang hinugot ang braso niya sa pagkakahawak ko.

"Siguro sa pulis madami kang oras?!!" Tila pasigaw kong saad sa kanya. At walang ano anu bumuwelo ako ng bahagya at sinipa siya ng ubod ng lakas, sapol siya sa mukha.

My Favorite Hello and Hardest GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon