A6

158 7 2
                                    

=Judith's=

"Hay nako! Alam mo bakla, kahapon, hindi ko alam kung anong gagawin ko! Lahat na ng tao nakatingin saken! Tapos alam mo ba bakla, buti nalang may lumapit na tatlong lalaki sakin at yung isang guy, binigyan ako ng jacket pantaklob sa red spot ko. Tas yung dalawang lalaki, nakakaburyong! Akala mo naman ang gaguwapo eh mukha namang mga tomboy! Tss. Kung nandun ka lang, nasapak mo na yung mga yun pramis." -.-

"Hm."

"Oo bakla! Tapos alam mo," bago pa man ako makasalita ng isa pang word, may napansin akong kakaiba sa kaibigan ko, "bakla, nakikinig ka pa ba saken? O lutang na naman yang isip mo? Grabe ka ha! Hinanap kita ng pagkatagal tagal tapos hindi mo lang ako papansinin?! BAKLA!" -.- Sabi ko na nga ba. Ganyan at ganyan na naman sya. Nakita na naman nya si "Sam" hay nakoo. -. -

"Hm." nakapalumbaba lang naman si bruha sa mga tuhod nya at halata mo sa mga mata nya na may iniisip sya. Nakaupo kasi kami sa isang bleacher dito sa labas ng mall. Dito ko kasi sya nakita at this last 10 minutes, nakaganyan lang sya. 

"Woyy bakla! Ano ka ba? Tara na ngang umuwi! Alam ko na problema mo eh."

Napatingin sya sakin at sumimangot.

"Ano?" pagtatanong nya,

"Haay. Ang problema mo, natitibe ka na. Kaya, tara na nga sa apartment!" panloloko ko pa sakanya. Pero, kahit smirk, di nya ko binigyan at bumalik sa tinitignan nya sa kung saan man. -,-

"Haay. Bakla," 

"Oh?"

"Nakita ko sya." lalong sumimangot ang mukha nya.

"Sus. Oo, alam ko. Nakita mo na naman si "Sam" at hinabol mo na naman sya hanggang sa bahay nya. Tama ako diba? Tsk."

"Hinde. Hinde sya ang nakita ko."

Memories of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon