Chapter 1

34 1 0
                                    

 Ang buhay ng pagiging isang Villa Clara at Fuentabella ay laging planado. Simula sa paaralang papasukan, kursong kukunin, magiging asawa at kung anu-ano pa.

Nagsimula ito sa dalawang magkaibigang Pablo Villa Clara at Albert Fuentabella, they are the founder of VC Corporation at Fuentabella Entertainment 

Matagal ng plano na ang kanilang magiging apo ang syang magtataguyod ng pinasimulan nilang negosyo at sila rin ay nakatadhanang maging magkabiyak.

Ipinanganak si Alessandra Naveen Villa Clara at Shawn Ace Fuentabella at dito natin malalaman ang kahahantungan ng isang pangako.

Karla's POV

"Julian, kailangan na nating planuhin kung paano natin mapaglalapit yung landas nung dalawa." tanong ko kay Julian na aking asawa. Ako si Karla Villa Clara ang mother ni Naveen. 

Kailangan na naming makaisip ng paraan para maging maayos yung pakikitungo nung dalawa sa isa't-isa para ma i-settle na lahat ng plano ni Lolo Pablo para sa kanya.

"What do you think i am doing? Kumalma ka nga." sabi nya habang pabalik-balik na naglalakad sa kusina.

Ding Dong!

"Ma'am, nandito po yung parents ni Shawn." 

"Ok, let them in." Mabuti na lang at nakapunta sila Carina dito dahil nung isang linggo ko pa sila kino-contact pero walang sumasagot. 

Pumunta kami sa mini-office ng bahay para makapagplano at para na rin hindi marinig ni Naveen ang mga pag-uusapan namin.

"Ok, what's the plan?" panimula ko.

"Hmm, why don't we just introduce our son and daughter to each other?" suggest ni Charlie, ang father ni Shawn. Nasa Europe pala siya nung isang buwan kaya di niya alam kung anu-ano ang nangyaring gyera sa pagitan nung dalawa.

"No, that's not a good idea. Baka magrebelde yung dalawa kapag binigla natin. Let's think of a calm plan na kahit sila mismo di malalaman na isa itong plano." sabi ni Julian. Tama nga naman siya baka kapag sinabi naming nakatadhana silang ipakasal ay mas lalong silang umayaw.

"What if we let them stay in a one house? Siguro naman makikilala nila ang isa't-isa at baka madevelop pa sila."

"Hmm, not bad. Wife i never thought na may masasabi kang matino." Tss, anong akala niya sakin walang utak? Graduate kaya ko ng UP.

"So? That's the plan?" tumango lang kami at sinimulan ng tumawag ng mga construction company na gagawa sa bahay nila Naveen at Shawn.

Knock! Knock!

"Ms. Fuentabella, nandyan daw po yung monster nyong anak." nahinto kaming lahat sa pagtawag ng kumatok si Naveen at sinabing nandito raw si Shawn.

Alam naming simula pa lang ng makita nila ang isa't-isa ay hindi na maganda. Nagbabatuhan sila ng mga gamit tuwing dadalaw ang pamilya dito ni Shawn dahil daw sa galit nila sa isa't-isa.

Nung minsan pa ay binuhat ni Shawn si Naveen sa labas ng bahay at pinahabol sa aso. At ayun, mas lalong uminit ang tensiyon sa kanilang dalawa at simula nun hindi na sila nagkasundo pa.

"Ah, sige darling bababa na kamo kami. Hehe!" sambit ni Carina. Alam niya kung gaano gustong ipalapa ni Naveen si Shawn sa leon at mamatay na. 

Bata sila kaya siguro ganyan mag-isip. 15 years old palang silang dalawa at meron pa kaming panahon para mapaglapit sila sa isa't-isa.

I'm your Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon