Naveen's POV
"Jacob?" tumingin yung guy at tenen! si Jacob MyLoves nga. Agad naman akong bumaba sa pagkakakarga ni Shawn at muntik pa nga kong madapa kasi manhid pa yung paa ko pero dirediretso pa rin ako kay Jacob MyLoves.
"Anong ginagawa mo dito? Niyayaya mo ba kong magdate?" bigla naman nya kong tinignan ng masama kaya medyo napaatras ako ng konti.
"We have thesis project right? And i never thought you're that oblivious to forget it." sabi niya na halata mong inis na inis. Oo nga pala, may thesis project kami at sinabihan nya pa kong pumunta sa library kaso nga lang hindi ako nakapasok dba?
"Ow, i'm sorry it's just that ....-"
"No need to explain, let's just finish it." at ayun pinapasok ko na sya sa bahay. Nandun lang naman kami sa sala at inutusan ko na rin si Shawn na magluto ng dinner.
"So, what i am going to do?" tinignan nya ko at may binigay syang clear book.
Ang topic pala namin ay S.A.R.S : A Mental Phenomenon. Ok na yung introduction, body of research, Discussion, at conclusion. So, ano pang gagawin ko dito?
Binalik balik ko yung page baka sakaling may kulang pa pero ok naman na lahat.
"Eh tapos na ata to eh." sabi ko habang nakatingin pa rin sa clear book. Nakatingin lang sya sa laptop at mukang walang balak sumagot.
Mga ilang minutong katahimikan bago sya nagsalita. Salamat naman at naalala nyang may kasama pa sya dito.
"Yes it is and i just come here to inform you that i'm not considering you as my partner in this project." nakatingin lang ako sa kanya. So anong pinalalabas nito? Na wala akong project?
"It's violation dude. Didn't you know that when you remove her as you partner your teacher won't take that thesis project." sabat ni Shawn. Teka? Bakit nandito to?
"Why, then?" sagot ni Jacob habang nakatingin ng masama kay Shawn.
May kinuhang notebook si Shawn sa drawer at binasa nya.
"In this rubrics teamwork has 50% so when you didn't recognize her as your partner in that damn thesis then i think you would got 75% in total grade. I heard you're an honor student in Hudson University, aren't you going to protect you grades?" napanganga ako sa sinabi ni Shawn. Bakit alam nya yung mga ganito?
Tumayo si Jacob saka hinablot yung clear book na project ata namin. Lumapit sya kay Shawn at may sinabi kaso hindi ko narinig saka sya lumabas at sinara yung pinto ng padabog.
"Problema nun?" tanong ni Shawn.
"Ewan ko. Kayo nag-usap di ba? Ano yung sinabi nya?" usisa ko naman kay Shawn. Pumunta kami sa dining area para makakain na.
"Ah, Shawn bat alam mo yung thesis project na yun? Eh hindi naman kita kaklase di ba?" oo nga, hindi ko naman sya kaklase bakit pati mga project namin alam nya?
"Tss, kaklase mo ko hindi ka lang talaga nakikinig at palagi ka pang absent. So paano mo malalamang may kaklase ka pa? Si Darlene lang ata kilala mo dun eh." sagot nya habang umiinom.
"Paano mo nakilala si Ate Darlene?" napaface palm naman siya sa tanong ko. Eh malay ko bang secret lovers yung dalawang to.
"Malamang, secretary sya ng school na pinapasukan ko. At tuwing napapa guidance ka sya yung laging sumasalo sa grades mo." O? Paano nya nalaman yun? Ang astig naman.
Tahimik lang akong kumakain ng mapansin kong hindi ginagalaw ni Shawn yung pagkain niya, inom lang sya ng inom ng tubig.
"Ah, Shawn bat hindi ka kumakain?" agad namang napatingin sa'kin si Shawn. Medyo naging weird sya simula nung pumunta dito si Jacob.