Chapter 3

14 1 0
                                    

Shawn's POV

Araaaay! Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak. Dahan dahan kong dinilat yung mata ko O_____O

Teka, kulay pink na ceiling kulay purple na printed wall at may malaking stuff toy. Isa lang ang alam ko, HINDI KO KWARTO TO!!!! 

Umupo ako sa kama at tinignan ko yung damit ko. "Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" bakit naka topless ako? May nangrape ba sakin. 

"Pag hindi ka tumahimik, ibabalibag kita sa pluto habang nasa tyan ng balyena." teka, pamilyar yung boses na yun ah.

Tinanggal ko yung comforter dun sa nagsalita at nakita ko si Naveen na nakadapa at halata mong puyat na puyat.

"Waaahhh! Ni-rape mo ba ko? Bat nandito ko sa kwarto mo atsaka bakit wala yung t-shirt ko? Bakit natutulog ka sa tabi ko, bakit ahsjfhsfsnvghjdfn" tamo tong babaeng to, hindi pa ko tapos magsalita pinasakan ng kung ano yung bibig ko. 

Umupo sya sa kama at ang nakakagulat muka syang zombie, as in. Sobrang laki ng eyebags nya tapos sobrang magulo yung buhok nya. Alam nyo yung sa walking dead? Ganun itsura nya, nakakatakot.

Sobrang sama ng tingin nya sakin, tipong pinapatay niya ko sa tingin niya.

"Bakla ka ba ha? Kung makatili ka dyan kala mo naman hinalay kita. For your information, HINDI KITA NI-RAPE at mamamatay muna ko bago ko gawin yun. Pangalawa, kaya ka nandito sa kwarto ko kasi ang lakas ng loob mong magpakalasing tapos magpapabuhat ka sa cute na babae na mag-aalaga sa'yo. Alam mo dapat hindi na kita dinala rito eh, dapat iniwan na kita dung pinagpipyestahan ng lamok. Pangatlo, bakit sinara mo yung pinto ng kwarto mo? ..... 

"Ayaw ko kasing may ibang tao pumapasok sa kwarto ko at dshfssrfvhgf" tingnan mo talaga to, napaka walang manners. Di niya ba alam na nagsasalita pa ko para pasakan nanaman ng kung ano yung bibig ko? -___________-

"Hindi pa ko tapos magsalita kaya don't you dare cut my words. At ayun nga, Pang-apat ikaw yung may kasalanan kung bakit hindi ko nakita si Papa Jacob ngayon at kung bakit hindi ako nakapasok!!!!!" galit na galit yung muka nya, tipong handang kumain ng gwapong katulad ko. 

"Teka, pakialam ko ba dyan sa Jacob mo? Atsaka kasalanan ko bang hindi ka nagising?" singhal ko rin sa kanya. Ako pa sisisihin eh sya tong kung makatulog wagas.

Nakita kong kinuyom nya yung kamay nya kaya tumayo na ko at kinuha ko yung isang unan para kung sakaling sakmalin niya ko mayroon akong shield. 

Ayan na, tumatayo na sya. Juskupo, bakit ba sya pa yung nakasama ko dito. -______-

"IKAW ANG LAKAS MONG MANG-AYA UMINOM KASI SABI MO BH KA KAYA AS CUTE CITIZEN OF OUR COUNTRY PUMAYAG AKO. EH, DAHIL SA KALOKOHAN MO NAKALIMUTAN MO ATANG MAY LAGNAT KA!!!! KAYA AS CUTE CITIZEN OF OUR COUNTRY ULIT, DINALA KITA SA KWARTO AT IANASIKASO. NI HINDI KA PA NGA NAGTA-THANKYOU SA'KIN TAPOS ANG KAPAL NG MUKA MONG SISIHIN AKO KUNG BAKIT HINDI AKO NAKAPASOK. ALAM MO BANG GUSTONG GUSTO NA KITANG BUGBUGIN NGAYON. KAYA HUMANDA KANG HITO KA!!! MAGBABAYAD KA!!!!!" waaaaaahhh. Mama help me, nagtransform na sya bilang wolf na handa akong sakmalin.

Nagtatakbuhan lang kami dito sa loob ng kwarto niya.

May dala syang unan na pinampapalo nya sa'kin at heto, papaluin nanaman nya ko.

Kaya sinagga ko yung unan tapos dahil sa napakatalino nya sumabit yung paa niya sa table at na-out of balance. Kaya hayan, pati ako napahiga sa floor.

Nakadagan sya sakin at ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso nya. 

Nagkatitigan kami ng bigla nya kong inispreyan ng pabango sa muka tapos saka sya tumayo.

"Ahhh, my precious eyes. You! damn you. Huhuhuhu!" inis kong sigaw sa kanya habang hawak ko yung mata kong inispreyan nya. Nakakabwisit talaga sya kahit kelan, kaya pala yung ngiti nya kanina wagas may balak pala syang bulagin ako.

I'm your Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon