From: theman_pangilinan@gmail.com
To: ssanpedro@gmail.com
Subject: Kailangan pa ba nito?
Dear Sharlene,
Okay, sisimulan ko na.
First of all, sobrang corny na sa e-mail pa kita kinausap. But...
Thank you for last night, kahit nakatulog ka naman agad. Kairita, ANG LAKAS MO HUMILIK, TOL. Nakalimutan kong para ka nga palang bulldozer 'pag tulog dahil sa asthma mo. Huli nating sleepover, hindi pa pinapanganak si Butchoy. Syempre iba na ngayon. Umuwi na rin ako agad when you fell asleep. That's why you're probably already reading this in the morning. Good morning, panget. Maghilamos ka na, may muta ka pa.
Pero eto talaga...
Sana alam mong pinapanalo lang kita sa FIFA kagabi. Naawa naman kasi ako sa'yo, alam kong brokenhearted ka. Tumutulo-tulo nga sipon mo eh, di ko lang sinabi sa'yo.
Joke lang.
Sige, ganito na lang: Alagaan mo muna 'yang puso mo. NO DATING na muna. Kumain na lang tayo nang kumain. My treat, okay? (I'm serious this time.) Nagulat nga ako may lalaki palang pwedeng magpaiyak sa'yo eh diba sabi mo ikaw lang magpapaiyak sa mga tulad naming "walang kwenta at wala nang ginawa kundi magpa-pogi"? Oh, ano? Sabi mo 'yan, diba? Okay, sorry, I'm not helping.
I just...I hope you enjoyed last night. Sana kahit papaano nakalimutan mo kung ano man 'yong nagpaiyak sa'yo kagabi.
Ganyan talaga when you decide to go out and meet people. When you decide to let your feelings show. When you decide to let someone in.
Trust me, I know.
But you'll be okay. I'm sure of it. Ikaw pa ba? (Do I sound reassuring now?)
I'm always here, okay? I'm not going anywhere. Di kita iiwan...kahit sino pang dumating at umalis sa mga buhay natin.
Ummm...that's about it, I guess?
I...
I know you'll be okay.
Panget mo lang talaga. Kaya wag ka nang umiyak ha? Pumapanget ka lalo.
Sige, Ford.
See you mamaya.
Ang tanging gwapo sa buhay mo,
Donny P.
BINABASA MO ANG
From Me to You (A SharDon FanFic)
Fanfiction"Hindi ako sanay." "Na ano?" "Na hindi kita nakikita." Lumaki nang magkasama, hanggang dulo na rin ba? Paano kung mahulog ang isa? Sasaluhin niya ba?