HELLO! I'm back after a SUPER LONG break! Dami kasing nangyayari sa school but SHARDON PA RIN WOOOOO 💜 May mga ganap na with them FINALLY!!! I'm so excited for the future. Basta wag lang tayong susuko, guys!!! 💜💯
2.
We were only eleven
But acting like grownups
Like we are in the present, drinking from plastic cups
Singing, "love is forever and ever"
Well, I guess that was true- 2002, Anne-Marie
Nakakaisang girlfriend pa lang si Donny sa buong buhay niya.
Si Jana.
Third year high school kami nung pawis na pawis na tumakbo si Donny papunta sa'kin after dismissal. Kakatapos lang yata niya maglaro ng basketball tapos kami naman ni Alex, nagme-merienda sa tapat ng school.
"Ford!" sigaw niya habang papalapit sa'min.
Hindi ko siya pinansin noon. Tuloy lang ako sa pagkain ng kwek-kwek na libre ni Alex bilang pambawi. Nakapag-squidballs na 'ko at saka kikiam. Mahal ang katumbas ng forgiveness ko noh. 'Yung isa naman, may atraso pa siya sa'kin noon eh, si Donny. Pinangako niya noon na sasamahan niya kong kumain kahit wala si Alex kasi may lunch meeting sa student council. Pero anong nangyari? Ayon, kumain ako mag-isa sa may quadrangle. Mukha akong ewan. Kasalanan ko rin siguro kasi di ako masyadong nakikipag-usap sa iba nung mga panahong 'yun pero...a promise is a promise.
"Huy, Ford!"
Tinatapik niya ako sa braso pero pinuno ko lang ng kwek-kwek 'yung bibig ko at di pa rin siya pinansin. Ano? Ganoon lang kadali 'yon? Buti nga si Alex may pakain eh.
"Pansinin mo naman ako, Sharlene," pagmamakaawa ni Donny.
Parang ewan lang din talaga. Ginamit pa 'yung buong pangalan ko. Hinihila-hila niya na ko, pa-sweet kunyari. Kunyari huwarang kaibigan. Kunyari di niya ako iniwang kumakain mag-isa kahit alam niyang 'yun ang pinakaayaw kong nararanasan sa buhay ko.
"Please lang, may sasabihin lang ako. May reason kung bakit di kita nasamahan kanina. Sorry na, Ford, please."
Natawa si Alex, sabay iling. Inabutan ako ng isa pang plastic cup na may kwek-kwek, squidballs at sauce. Sipsip din 'to eh. Teka. Pang-ilan ko na ba 'to?
"Ayan kasi, Don. Bakit ba kasi di mo sinipot 'to? Alam mo namang ayaw nitong kumakain ng mag-isa, 'di ba?"
Tumingin lang ng masama si Donny kay Alex na ngumiti naman at dumila pa.
"Manahimik ka diyan, wag mo nang idiin." Hila ulit sa braso. "Huy, Ford. Sige na oh. Sorry na. Di na mauulit. May reason talaga ako."
Tutusok pa dapat ako ng kwek-kwek dahil naubos ko na 'yung isang cup nang pigilan niya na 'yung kamay ko.
"Tama na nga 'yan. Lalong lalaki pisngi mo diyan eh. Tumingin ka sa'kin."
Ayoko.
"Tingin, Ford."
No.
"Sige na oh?"
Ugh.
"Please?"
Siguro nagsawa na rin ako.
Tumingin ako kay Donny pero I made sure na walang expression 'yung mukha ko. Poker face lang. I made sure na walang pinapakita 'yung mga mata ko. Talo na nga ako kaninang lunch, di ako pwedeng matalo ulit ngayon.
Pagkakita ko sa mukha niya, lalo lang akong nainis. Kahit sinusubukan niyang hindi ipahalata, kitang kita sa mga mata niya na feeling niya nanalo na naman siya. Sa isip niya, hindi rin ako nakatiis. Hay.
BINABASA MO ANG
From Me to You (A SharDon FanFic)
Fanfiction"Hindi ako sanay." "Na ano?" "Na hindi kita nakikita." Lumaki nang magkasama, hanggang dulo na rin ba? Paano kung mahulog ang isa? Sasaluhin niya ba?