Athena's POV
Sabay kaming nag lalakad ni Guanlin ngayon papuntang bahay. Ngayon na kasi ang dinner na tinutukoy ni mama.
" Hey "- Napa lingon ako sa kanya when he nudge my shoulder.
" H-huh ? May sinasabi ka ba ? "- Tanong ko sa kanya.
" Wala naman. Parang wala ka kasi sa sarili "- Sabi naman nya.
" Kinakabahan lang ako "- Simpleng sagot ko naman sa kanya.
Naman kasi ! Paano nalang kapag nagustuhan sya ng parents ko ? Sure na sure na sure akong kapag tinigilan na ako ni Guanlin, they're going to bombard tons of questions.
" Don't be okay ? I got this "- Confident na sagot naman nya sakin.
" Sabi mo yan ah "- Tanging nasabi ko at maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng bahay
Hindi pa man ako nakakapag doorbell ay bumukas na ang gate at si mama agad ang bumungad.
Medyo na-shook ako mga te.
" Hi anak ! Hello Guanlin ! Tara ! Pasok kayo dali~ "- Ngiting-ngiti na bungad ni mama at aba ! Imbis na ako ang hilahin nya papasok ng bahay, eh si Guanlin ang hinila nya.
Nilingon ako ni Guanlin, as if asking for help pero wala rin akong magagawa.
Napa-iling nalang ako at isinarado ang gate at sumunod sa kanila sa loob.
Naabutan ko naman na pina-upo ni mama si Guanlin sa sofa kaya lumapit ako.
" Anak, ikaw muna ang bahala kay Guanlin ha ? Mag-hahanda lang ako ng para sa dinner natin "- Naka-ngiting paalam ni mama saakin.
Tumango naman ako bilang sagot at umalis na sya.
" Uhm anong gagawin natin ? "- Tanong ko at umupo rin sa sofa pero medyo malayo sa kanya.
Guanlin took a glance at the kitchen at nagulat ako nang bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya.
Napa sigaw naman ako ng bahagya dahil sa gulat.
" Ang layo mo masyado. We're pretending right ? "- Simpleng ani nya saakin.
" Anong plano mo ba ? "- Bulong na tanong ko sa kanya.
" Basta, ako ang bahala "- Sagot nya at nanlaki ang mata ko nang bigla nyang ipatong ang paa nya sa center table.
He's still wearing his shoes at prente syang umupo.
" H-hoy ! Magagalit si mama ! "- Saway ko sa kanya at akmang tatanggalin ang paa nya.
" Yun nga ang plano eh "- Bulong na sagot naman nya at sumulyap sa may kusina.
" Athena "- Tawag nya sa pangalan ko at halatang nilakasan nya ang boses nya.
" Kuha mo nga ako ng tubig. Gusto ko yung malamig. Bilisan mo ah "- Malakas na utos nya saakin.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at inilapag muna ang bag at pumunta ng kusina.
" Anak, bakit ganun mag-salita sayo si Guanlin ? "- Tanong ni mama at halata ang kaunting pagka-irita sa boses nya.
" Huh ? Anong meron sa sinabi nya ma ? Seems normal naman eh "- Sagot ko at ibinalik sa ref ang pitchel nang maka-kuha na ako ng tubig.
Wala na akong narinig na sinabi pa ni mama at bumalik na sa sofa.
Inabot ko kay Guanlin ang baso ng tubig at maya-maya lang ay bumukas ang gate, indicating na dumating na si papa.
Ganun parin ang posisyon ni Guanlin. Nasa center table ang mga paa at prenteng nanonood ng tv habang may snacks.
" Halika dito "- Bulong nya at hinila ako papalapit sa kanya at inakbayan.
Just in time na pumasok si papa.
" Hi pa ! "- Naka ngiting bati ko sa kanya pag-pasok nya.
Pero imbis na nasaakin ang atensyon ni papa ay nakay Guanlin at bakas na dito ang inis.
" Iho, center table iyan hindi patungan ng paa. You should have atleast remove your shoes "- Sita ni papa kay Guanlin.
" Ah, sige po "- Simpleng sagot ni Guanlin pero hindi nya parin tinanggal ang sapatos nya.
I smiled faintly at papa at umiling nalang sya at umalis.
Just a few minutes ay dinner na. Lahat kami ay nasa dining area na.
Tahimik lang kaming kumakain. Gusto ko ng magpa-lamon sa lupa.
Si Guanlin naman kasi ! Naka taas ang isang paa habang kumakain tapos ang ingay nya pa ngumuya.
My mom really hates this at halatang halata na nagagalit na sya. Super higpit ng hawak nya sa kubyertos at halos mamuti na ang knuckles nya.
" Nililigawan mo si Athena diba ? "- Mahinahon pero inis na tanong ni papa.
" Owpo "- Puno ang bibig na sagot ni Guanlin.
" Pwes, tigilan mo na ang anak ko "- Madiin na dagdag ni papa.
And there, i saw a little smile on Guanlin's lips and i'm somehow relieved.
BINABASA MO ANG
Wrong Athena
Short Story" Uhm, hi Athena. Gusto ko lang sana sabihin na gusto kita " 【epistolary #1; lai guanlin】 highest rank: #3 in short story 💖 cover by: eulu-xuria ❤