Epilogue
[Five months later]Ngayon ang debut o ang 18th birthday ni Athena.
Nag handa ang pro-dudes ng mini debut party para sa dalaga.
" Okay na ba yung mga bulaklak ? "- Tanong ni Daehwi na busy sa pag-aayos ng mga lights.
" Andito na ! "- Masiglang sagot ni Eunki.
" Mga kupal ! Red ba yan ? "- Sigaw naman ni Euiwoong na busy sa pag sabit ng mga ilaw sa puno.
" Maka-kupal to ! O ayan ! Color red ! Masaya ka na ? "- Asik ni Jung Jung at hinagisan sya ng isang bulaklak.
" HOY KINGINA NYO ! SAYANG YUNG BULAKLAK ! MYGHAD "- Sigaw naman ni Moonbok at kinuha ang rose na tinapon ni Jung Jung kay Euiwoong.
" Wag nga kayong magulo. Bilisan na natin "- Tanging sabi ni Guanlin na busy sa pag didikit ng banner.
Nasa may garden kasi sila, sa likod ng hospital. Kinausap nila ang papa ni Athena kung pwede itong magamit para sa surprise debut na handa nila para kay Athena.
Maya-maya lang ay natapos na silang lahat sa pag-aayos at nag-siuwian na para ihanda naman ang sarili.
Walang ka-alam alam ang dalaga sa inihandang selebrasyon para sa kanya, hanggang sa sumapit ang ika-8 ng gabi.
" Ready ka na anak ? "- Tanong ng kanyang mama nang makapag-bihis ito ng dress.
" Ma, hindi ba parang ang OA naman nito for dinner ? "- Tanong ng dalaga habang tinitignan ang dress na suot nya.
" Pake ba nila sa suot mo ? Edi mag ganyan din sila ! Halika, aayusan ka ni mama "- Naka ngiting ani ng mama nya.
Agad namang lumapit si Athena sa kanyang ina at sinimulang ayusan.
Makalipas ang ilang minuto ay ready na ang dalaga at bumaba na sila.
Madilim ang hallway na dinadaanan nila at nagtataka si Athena kung bakit ganito ka-dilim.
" Nag brown out ba ? "- Tanong ng dalaga sa sarili.
" Shunga lang Athena ? Brown-out pero gumana elevator ? "- Napa iling nalamang sya.
Hindi nya mapigilan ang sariling mamangha nang makita ang mini set-up sa garden ng hospital kung nasaan sya ngayon.
Napaka simple lang ng ayos pero naiiyak sya sa saya.
Biglang tumugtog ang violin version ng kantang 'Perfect' ni Ed Sheeran at doon nag labasan isa-isa ang Pro-dudes.
Hindi na nya napigilan ang sariling maiyak. Agad namang hinawakan ng mama nya ang kamay nya nang akmang tatakpan ang mata.
" Ang make up mo ! Masisira ! "- Natatawang pag pigil ng ina sa kanya.
At hindi na nya napigilan ang umiyak na parang bata.
" NAMAN KASI BAKIT MAY GANITO PA "- Parang bata na iyak nya.
Hindi naman nila mapigilan ang sariling matawa dahil sa inakto ng dalaga.
Lumapit kay Athena ang papa nya at iginuide ito papunta sa mini sofa nya.
The mini program started.
Unang-una ay ang 18 candles. Unang labing walo sa pro-dudes ang nag salita at nag bigay ng wish nila para sa dalaga.
Karamihan sa kanila ay hiniling ang kagalingan ng dalaga nang maka-labas na ito sa hospital.
Matapos ang 18 candles ay kumain muna sila.
Nag kwentuhan sila, nag kantahan. May kaunting drama at iyakan. Hanggang sa 18 roses na.
Unang sayaw ay ang ama ni Athena. Na sinundan ni Euiwoong na pinsan nya at si Jinyoung na matalik niyang kaibigan. Hanggang sa ang pinaka-huling sayaw nya ay si Guanlin.
" Ikaw daw nag-isip at nag-organize nito ? "- Masayang tanong ni Athena sa binata.
Nahihiyang tumango naman ang binata at bahagyang napa-kamot sa ulo.
" Thank you para dito, Guanlin "- Naka ngiting pasasalamat ni Athena kay Guanlin.
" Wala yun. Syempre babae ka, importante para sa inyo ang debut. Pasensya na hindi bongga yung nagawa namin "- Paumanhin naman nya.
" Ano ka ba ! Okay na to sakin. Salamat ah ? "- Ani ng dalaga.
Inilagay ng dalaga ang ulo sa dibdib ni Guanlin. Bahagya namang nagulat si Guanlin sa ginawa ng dalaga pero hinayaan na lamang nya.
" I can hear your heart beating. Parang sinisigaw nya 'ATHENA ! ATHENA !' kikiligin na sana ako kaso naalala ko, hindi ngalang pala ako ang Athena dito "- Natatawang biro ng dalaga kay Guanlin.
Napa-iling nalang si Guanlin dahil sa sinabi ni Athena.
" I'm thankful, Guanlin "- Ani ng dalaga at tinignan ng deretso sa mata si Guanlin.
" Thank you kasi pinadama mo saakin kung paano ang mag-mahal. Yun ngalang, hindi ako ang babaeng minahal mo "- Natatawang ani ng dalaga.
" Pero salamat ah ? Salamat sayo. Sa kanila. Maraming salamat "- Buong pusong pasasalamat ng dalaga at isinandal muli ang ulo sa dibdib ni Guanlin.
As the music ends, Athena collapsed at ang lahat ay nataranta dahil sa nangyare. Dali-daling binuhat ng papa nya si Athena at dinala sa ER.
Akala nila isang atake lang ulit ito. Hindi nila akalain na ito na pala ang huling beses na makikita nila ang matamis na ngiti ng dalaga.
The doctor; Athena's father, declared her dead at exactly 1:43 AM.
And all of a sudden, a tear escaped from Guanlin's eyes. Hindi manlang nya nasabi sa dalaga ang lahat. Hindi manlang sya nakapagpaumanhin dito.
At higit sa lahat. Hindi manlang nya nasabi na lumaban ito. Dahil sa laban na to, andito na sya para tulungan sya.Na, sya ang Athena na itinitibok ng puso nito.
BINABASA MO ANG
Wrong Athena
Short Story" Uhm, hi Athena. Gusto ko lang sana sabihin na gusto kita " 【epistolary #1; lai guanlin】 highest rank: #3 in short story 💖 cover by: eulu-xuria ❤