INT. JAN'S BEDROOM - DAY
*music playing - Kio Priest's We'll Never Know"
Habang sinasabayan ko nang pagsayaw ang kanta, napaisip lang ako bigla.
Bagong umaga na naman...bagong pagkakataon para gawin kong tama ang mga mali. Charot! Bagong pagkakataon para maisabuhay ko ang pagiging forever single.
Isang taon na rin pala. Isang taon na rin akong naging matapang sa kabila ng lahat ng ginawa niya. Anyway, saka ko na ikukwento. Naka-get up na ako oh. Papasok na akooo!
Ingat guys.
EXT. SCHOOL - DAY
Grabe makatingin ang mga tao. Para akong kakainin. Isang taon naman ang nakakalipas pero bakit parang kasalanan ko? Ako ang nasaktan, ako ang dapat na magalit, at ako ang dapat na nasa post-partum depression...charot! Ako ang nagmumukmok sa bahay at walang maiharap na mukha sa mga taong ito.
"Hi, Jan!"
Bati ni Jigs, one of my best friends sa school. Bumeso siya sakin at nauna nang pumasok sa room na akala mo model na rumampang pumasok sa entrance door ng room.
"Hi, mga momshies! Hi, boys!"
Litanya ni Jigs pagkatapos ng grand entrance na siya namang ikina-agaw pansin sa room. Walang epekto yung pag-hi niya sa boys kasi nga mga straight ang nasa klaseng ito. *sighs* Ito ang first subject na wala ka talagang maiinspirasyon sa mga boys.
INT. CLASSROOM - DAY
"Uy. Hindi pa rin ba bumabalik sa pag-aaral si Dave?"
Whaaat? Bakit biglang tanong ni Jigs? Ahhhh, ang pangalan kasi nung bida sa pinapanood namin ay Dave. Magaling! Magaling na bakla!
Film viewing na naman. Enjoy naman sana..pero bakit sa dinami-rami ng palabas eto pang may Dave sa bida? Nananadya?
"Hindi ko alam. Bakit ba kasi bigla siyang nagkaganon? Siya pa talaga ang nahiyang magpakita sa university ha?"
"Mr. Fontejos! Mr. Gonzaga!"
Si Ma'am, napalakas pala ako sa pagkakasagot kay Jigs.
Hindi pa ba matatapos ang klase na 'to? Hindi ko na kaya marinig ang pangalang Dave.
Ni hindi ko nga rin alam kung nasaan siya exactly. Sineryoso niya talaga ang space na sinasabi niya.
10:50am na. Aalis na ako. Nandito naman si Jigs para matanungan ko pero for sure magre-reflection paper lang bukas.
Class ended. Patungo sana akong Basic Ed. Field nang may nakita akong camera bag na seems familiar. Hindi ko kayang hindi paki-alaman baka sakaling may owner's information sa loob or maskin sa pictures lang.
Ang weird. The photos dated a year ago at walang kabago-bago. Puro nature, candid photos ang laman ng memory card.
Next.
Next..
Next...
Next....
Oh my gosh! Ako? Infairness sa kuha, hindi ako panget pero mga nakatawa nga lang. It's weird and who's crazy ang mag-iiwan ng camera dito sa labas? And who this person might be para picturan ako? Ako talaga? Of all the students. Hmmm. Okay, I'll leave this na lang sa security office para sa lost and found.
"Paki-iwan na lang po ng name and contact number niyo po para ma-update namin kayo kung nakuha na." Sabi ni Kuyang Student-Assistant sa Security Office.
*writes on the log book*
"Ahh sige po. Salamat po." Sambit ko habang papa-alis.
Ngayon, pupunta na lang ako sa Basic Ed. Field noh? Para makapag isip-isip at para siguro makwento ko na rin sa inyo sino si Dave at anong naging parte niya sa buhay ko o anong nagawa niya.
Ciao!

BINABASA MO ANG
Gone Unexpected - BoyxBoy [On-going]
General FictionPaano kung bumalik ang nakaraan mo? Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon may paparating kang kasalukuyan? Handa silang gawin ang lahat para mapa sa iyo. Handa rin ba si Jan Pierre sa mga mangyayari? Mahaba ang hair? Let's see.