Chapter 4: New Kid in Town

16 1 0
                                    

"O ano? Hihintayin mo pang bumaba si Dave at makita siya ulit?"

Tanong ni Danels. A half of me says yes and the half of me says no. Bakit kasi bumalik pa siya? Argh.

"Hala sige! Bumili ka na ng lunch! Baka mapaso pa kita nitong toppings."

Supportive minsan si Jigs. Pero minsan, may attitude rin ang baklang 'to.

"Oo na. Eto na, tatayo na."

Pumunta na ako sa stall, pumila at naghintay na lang sa turn ko.

"Chicken lang. White Sauce."

Nagbayad ako and guess what? Akala ko 50 ang on-hand ko. 20 lang pala.

"Omygad. Balik na lang ako 'te. Nandoon lang naman ako nakaupo."

Nagusot ang mukha ni ate. Bago kasi siya kaya siguro hindi ako kilala. Suki naman na nila ako rito. Huhuhu.

Inaantay ko na tumingin sakin ang mga mabubuting nilalang kong kaibigan kaso wala. Traffic na ang pila dahil sakin.

"Ate, Chicken din sakin. Teriyaki sauce. Isa na lang din bayad namin."

Sabi nung boses sa likod ko. Lalaking-lalaki ang boses niya. Hindi ko kayang tumingin baka kasi gumana ang pagka-marupok ko.

Kinuha na niya ang toppings ko at sa kaniya.

"Shall we go? Tara!" Aya niya.

"Ay! Ako na sa'kin. Thank you so much." Pilit kong kuha sa order ko.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa nakarating na kami sa table namin.

"Woah! Sino 'yan? Ang gwapo niya ha."

Jigs, subukan mong kumilos...meron ka ng jowa. One text away lang siya at mag-aaway na naman kayo.

Ayun! Nakakuha na ako ng another 20 pesos.

"Hi, sa inyo. Adrian nga pala. Nice to meet you."

Ay nagpakilala sa kanila si Koya.

"Hi, I'm Danels. Bago ka lang? Madalas kasi kami rito at libangan namin ang mag-sight seeing sa guys."

"Hi, Jigs nga pala. Kaya nga, you're new to our eyes. And siyempre, new apple to his eyes." *smirks*

Turo ni Jigs sakin.

"Hi, Adrian? Right? Sige na. Pumunta ka na sa mga kasama mo. Eto na ang kulang ko. Sobrang salamat ha." Alanganin kong pagpapa-alis.

Putol ko na rin sa kanilang usapan. Baka saan pa mapunta.

"Ay oo. Transferee ako. Engineering. Sige, mauna na muna ako."

Akala ko aalis na siya kasi tumalikod na siya, magsasalita na sana ako sa kanila...

"Omygad. Super bet siy-"

nang...

"Salamat lang? Walang kiss?" Bulong niya sa likod ko.

"Bye!" and he smirks.

Aba! May taglay na hangin rin ang koya mo. Kampante siya ha.

Kung ibigay ko gusto niya. Akala niya ha! Pero charot lang, never been kissed pa ang bida niyo. Hehe.

Anyway, lahat kami napanganga sa interruption niya.

"Totoo ba 'yon?" Pat

"Totoo pa sa fairy tale." Danels.

Mahinang ko silang sinampal ko at sinabihang kumain na.

"Bes, nagtatawanan sila oh." Turo ni Danels.

Tinignan ko ang direksyon nila at sa magaling na pagkakataon, humarap si Adrian at ngumiti.

Hindi ko alam, pero iba ang naramdaman ng aking puso. Para akong high school ulit.

Kung meron ang salitang "makuha ka sa tingin." Siya na 'yun. Nasa tingin niyang yun ang mga salitang yan.

"Uy bes! Okay ka lang? Ikaw na ang nahinto sa pagkain. Ano? Busog na? Busog na? Puntahan mo na lang doon para kasali na dessert."

Aaminin ko, kinilig ako don. In fact, ang boses niya pa nakadagdag sa quality niya.

Yung nakaka-buntis.

Joke. Wala akong matres. Parang ganon lang.

Umalis na kami at bumalik na sa kaniya-kaniyang klase dahil major subjects while ako, minor subjects kaya hiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan.

Papunta na ako sa pintuan ng room nang mapansin kong may pamilyar na hugis ng mukha, katawan, at kasuotan.

Who would have thought that this next class will be hitting two birds with one stone?

Welcome back, Dave.

Welcome to my world, Adrian.

Gone Unexpected - BoyxBoy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon