SAWA NA AT AKALA LANG PALA.

312 2 0
                                    

Sawang sawa na akong mamalimos ng atensyon sa magulang ko, kapatid ko at kamag anak ko.

Dahil simula ng mawala ang ilaw ng buhay ko, umasa kong kaya nilang tuonan ang hinahanap kong aruga at pagmamahal, ngunit akala lang pala.

Nung unat isinawalang bahala ko,

Nagtimpi nalang sa isang tabi habang luha koy umaagos sa aking pisngi.

Hanggang nasanay na akong maging AKO NALANG NG AKO.

Mga pag aala nilang gusto kong marinig, ngunit binulong lang siguro nila sa hangin kaya hindi ko marinig.

OKAY KALANG BA? KUMUSTA KANA? MISS NA KITA! ANONG ORAS UWI MO? KUMAIN KANABA? ilan lang yan sa mga tanong na hindi ko pa natanggap simula mawala ang ilaw ng buhay ko.

Pero hinayaan ko nalang at mas pinagingatan ko ang sarili ko.

Dahil alam kong ako lang din mag aalaga sa sarili ko, wala nang iba.

tinago ko lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko gustong makitang kawawa sa harap ng mga kadugo ko.

Natuto nako, pero nalungkot ako at naghanap padin ako ng pwede kong maging pamilya.

Yung tatanggap sa kung ano at kung sino ako.

Yung hindi ko pahlilimusan ng pagmamahal.

Nagkaruon ako ng mga bagong kaibigan makailang buwan bago ako magluksa.

Mapalad ako dahil biniyayaan ako ng katulad nila, tanggap ang lahat saakin. nagparandam ng aruga na para bang sila ang magulang ko, at nagparamdam ng pagmamahal ng buong puso, ngunit panandalian lang pala.

May mga naghiwalay at umalis upang tahakin ang sari sariling bagong daan. ngunit may naiwan na nagpabuo at nagturo sakin na maging AKO.

Kaibigan ngang maituring dahil sa suporta, unawaan at pagmamahalang aming binabahagi sa isat isat.

ngunit nagbago ulit lahat yon.

nung maglakbay ulit ako magisa sa bagong yugto ng buhay ko, ginawa kong mundo ang pagaaral .

dito mas sinigurado kong mas maraming makakatanggap at makakaunawa sakin. Ngunit akala lang pala.

Maraming taong nakapalibot sakin, ngunit bilang lang sa daliri ko ang nalapit sakin.

Start with letter K...A...I...B...I...G...A...N

Yes! kaibigan walong letra pero isang salita.

Maraming letra,ngunit may isang malalim na kahulugan.

Kaibigan, sa mga bagong tao sa pailigid ko hinanap ang gusto kong tawaging bagong mga kaibigan ,dito ko una hinanap ang diko mapunan sa sarili naming tahanan.

oo tahanan, sa tahanan na wala ang ilaw ng mundo ko, sa tahanan natira ang tatay at mga kapatid ko ngunit isa lang ang alam kong nasasandalan ko at nakakuna sakin.

ang bunsong kapatid ko, 7 na taong gulang nang syay aking nakasama na wala ang ilaw ng aming buhay. Katabi ko sa pagtulog araw araw, ginagabayan, tinuturuan at pinapangaralan na parang ako ang kanyang ina.

Sya lang ang nakakausap ko araw araw, naiiyakan ko sa mga oras na akoy malungkot, nasasaktan at sa tuwing akoy napapagod.

Minsan tinanatanong ko ang diyos, mahalaga ba talaga ako sa mga nakapalibot sakin.

Paramg pakiramdam ko kasi nasakloban na ako ng langit ng lupa.

Naghanap ako ng mga bagong kaibigan na akala ko kaya kong pakinggan sa lahat ng problema at kwento ko.

Nakatagpo ako ngunit tila para bang ayaw nila sa kung sino ako.

Paulit ulit akong nanghingi ng oras sakanila ngunit nadismaya ako.

Paulit ulit tumulo ang mga luha ko sa kadahilanang di nila masabi saking kaibigan nila ako.

Natuto nalang akong pumunta sa isang tabi, dibdibin lahat ng sakit at panlalait nila sa tuwing akoy nakatalikod.

Mga gusto kong ibahaging kwento sakanilay aking kinikimkim, dahil ayokong masayang ang oras nila na makinig saking mga kwento.

dahil sawa nanaman na akong isagot nyo sakin ay isang malungkot na tingin.

Kapag may problema ako di ako makatanggap ng isang yakap mula sainyo, kaya natuto nako di nako umasa sa mga bagay na alam kong dinyo magagawa pero nagagawa ko sainyo.

Minsan natanong ko, KAIBIGAN KOBA TALAGA KAYO?

ang galing ko din kasi mag paka-tanga. Ako bahala sa mga ganito ganyan na diko namamalayan nauuto na pala ako, hanggang sa naulit ulit,

Pinapayuhan nako ng iba na itigil na ang pagkashonga ko sa mga tinatawag kong mga kaibihan.

Ni hindi ako nanumbat at nagreklamo nuon dahil akala ko kaibigan ko kayong talaga at kaibigan din ang turing nyo, ngunit akala lang pala, mga panahong wala ako sa barkada di nyo ako makamusta, matawagan tulad ng ginagawa nyo sa iba, at mas pinaguusapan nyo pa ako dahil akoy wala.

Mas nadismaya ako nuong kaarawan ko, ni isa sainyo walang bumati sakin o yumakap at sumalubong sakin, dikopa kaklase ang mga sumalubong sakin at bumati, kahit ni "Hbd" lang sa facebook di nyo ako binati.

Kung alam nyo lang kung gaano kasakit yun, umiyak ako ng patago ngunit diko pinakita, dahil sawa na akong sabihin nyo na o.a at ang immature ko. ngunit nung isa na sa kasamahan natin ang nag birthday grabe kayo mag effort batiin sila kaya ngayon akoy natuto na.

Natuto na akong kimkimin lahat.

Sasabihin nyo lang din naman na nagiinarte lang ako pag akoy nagsabi ng problema sainyo.

Natuto ma akong itigil ang mga bagay na sawa konang gawing sainyo.

Natuto na akong itago lahat ng hinanakit sainyo.

Natuto na akong itigil ang pagtatanong kung bakit.

Natuto na ako, at sana kayo naman ang matuto na tanggapin lahat ng nasa paligid nyo, di puro panlalait at panghuhusga ang meron sa bibig nyo. Matuto kayong mang appreciate ng ibang bagay, dahil baka mamaya kayo mawalan ng kaibigan at mag isa nalang.

Siguro nga isa lang itong challenge.

Siguro nga isa lang itong paraan na ginawa ni papagod upang ipaalam saakin na kailangan kona maging independent pa lalo, na kahit isa lang ang totoong kong kaibigan na nakakasama at least nagkakaunawaan kami sa tuwing kamiy nagkakaproblema, hindi nag iiwanan kahit makita namin ang mga flaws na ibinigay ng diyos, di tulad ng iba na "Kakaibiganin lang nila dahil may nakukuha silang bagay sa taong iyon. o May nakikita lang sila sa isang taong alam nilang magiging mataas din sila kaya sila nadikit dito."

May tumatak din sa utak ko nang sabihan ako ng kuya kuyahan ko na.

"Nobodys going to stick up for you, if you dont stick up for yourself"

Kaya mas pinili kong maging fan ng kung ano-ano dahil mas napapasaya ako nito.

Punta sa concerts, gastos dito gastos jan, gastos duon, dahil alam kong mapapasaya ako nito kesa maghanap ng mga taong akala ko mapupunan ang mga kalungkutan at pangungulila ko

#Directioner,Vampetes,Tiders,. and manymore.

Tula para sa aking mahal (Not a story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon