Not a Love Story (one-shot story)

547 20 13
                                    

© 2014

HAIKU

Polygon


 
All rights reserved

--------------------------------------------------


            Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system, is forbidden without the permission from the writer.

*All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. Any individual known or unknown to the author does not even distantly inspire them, and all the incidents are merely invention.

 --------------------

          "Mas magaling naman si Edwind diyan kay Edward." tiningnan ko si Mama habang kausap ang kumare niya na biglaan ang pagdalaw sa aming bahay. Nagkataon kasi na tumutugtog ako sa harap ng aming grand piano ng dumating ang kumare ni Mama na si Tita Emily.

Tumingin siya sa akin para lang tasaan ng kilay na dahilan para yumuko ako at tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Masama ang loob ko. Natural naman na siguro iyon. Tao lang ako at nararamdaman ang mga sakit na dala ng mga ginagawa ng mga magulang ko. Magulang namin ng kakambal kong si Edwind. Hindi ko naman sila masisi dahil isa akong malaking DISAPPOINTMENT sa kanila.

Galing ako sa pamilya ng mga musikero at kilala ang aming pamilya sa pagtugtog ng piano. Masasabi kong sikat ang aming mga magulang sa buong mundo dahil sa kagalingan na mayroon sila. Minsan ay pumupunta sila sa iba't ibang bansa, hindi lamang sa loob ng Asya ngunit pati na din sa iba't ibang kontinente lalo na sa Amerika. Malaki ang naging partisipasyon nila sa larangan ng musika sa ating bansa. At ang ambag na iyon ang dahilan kung bakit hindi nila matanggap na nagkaroon sila ng isang anak na hindi ganoon kagaling sa pagtugtog ng kahit anong instrumento.

          "'Dward!" ngumiti ako ng pilit sa kakambal ko na nakaupo sa damuhan nang kumaway siya sa akin. Dumiretso ako sa garden galing sa living area. Gusto ko sanang mapag-isa pero kagaya nga ng sinabi ko nginitian ko ang kakambal ko na nakaupo sa damuhan ng garden ibig sabihin wala akong choice kundi ang makipag-usap sa kanya.

Hindi ganun katirik ang araw sa bahaging kinauupuan niya kaya naman nakakaya niyang tumagal doon.

          "Bakit ganyan ang mukha mo?"

          "Gwapo ba?" ngumiti ako habang tumatabi sa pagkakaupo niya. Hinawakan ko pa ang baba ko at nagpacute sa kanya.

          "Mahiya ka naman minsan, ano po Manong? Baka tangayin ang bahay natin sa sobrang hangin mo niyan" tinapik niya ako sa balikat.

Nagkaintindihan na kami sa lagay na iyon. Ganito nga siguro ang mga kambal, nagkakaintindihan na kahit walang anumang salita o pag-uusap sa pagitan namin. Noong una pakiramdam ko ay malas ako na magkaroon ng kakambal na nakakalamang sa akin sa lahat ng bagay. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay naipagkukumpara talaga kami. Ang masama pa doon ay isa siyang babae. Bilang isang lalaki ay mahirap tanggapin na may nakakalamang na isang babae sa'yo pero habang tumatagal ay nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigay niya si Edwind sa akin. Parang napakahirap kasi na sarilinin ang lahat ng hinanakit ko sa aming magulang. Dahil ang lahat ng pagkukulang ng mga magulang namin sa akin ay siya ang pumupuno.

Not a Love Story (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon