Second day of school.
Nandito ako ngayon sa upuan. Mag-isa walang kausap. Ganun naman palagi. Kahit gusto ko makihalubilo nahihiya ako. Yung mga tingin nila sa akin feeling nila iba ako sakanila.
Napaka-ingay ng classroom namin ng biglang pumasok ang teacher namin.
" Goodmorning class! We have a new student here so please be good to him. "
Puro bulungan ang narinig ko ng matapos sabihin ng teacher namin na may bagong estudyante.
Natahimik sila ng pumasok na ang isang lalaki.
Matangkad siya, maputi, at ang pinaka napansin ko sa kanya ay yung mga mata niya. Kung titingnan mo siya masasabi kong ang gwapo niya.
Pero parang ang dilim ng dating niya. Ang seryoso rin ng mukha niya yung parang kapag nakipag-tinginan ka sa kanya lalamunin ka niya? hahaha joke. Pero seryoso parang ang misteryoso niya. Parang ang lungkot ng buhay niya.
Pero nung nagpakilala siya..
" Justin. " sabay alis at pumunta siya sa upuan niya.
Ang laki ng boses niya nakakatakot. Mukhang masungit at ayaw makipag-usap sa iba. Pagka-upo niya ay humiga siya sa desk niya at mukhang matutulog.
Nakakatakot siya waaah. Pero alam niyo ba mas nakakatakot magkatabi kami tapos may konting space lang.
Yung mga babae sa amin ay kinikilig pa rin sa kanya kahit nakakatakot talaga siya -.-
Ano ba ako? lagi nalang ako natatakot? seryosi Victoria? Ano ka? Alien? Aish.
Nagdidiscuss na yung teacher namin at nagtataka ako bakit di niya sinisita tong katabi kong natutulog? Are we allowed to sleep to her class?
Lumingon ako sa katabi ko. I examine his face he was totally gwapoo! Just look through his perfect face mabubuo araw niyo! HAHAHA naalala ko si Jewel mahilig mag boy hunting nung elementary kami.
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kanya. Ang landi kong introvert noh? pagbigyan niyo na minsan lang ako mag-appreciate ng human being hahaha
Hindi naman sa gusto ko siya ah. Pero bilib lang ako sa mukha niya ang gwapo.
Na-estatwa ako ng biglang dumilat ang mata niya at napatingin sakin. Hindi yung tingin na normal yung parang tingin na may pahiwatig na " I WILL KILL YOU " looks ganern.
Sobrang sama ng tingin niya! Bigla akong lumingon sa harap at nagpanggap na nakikinig kay Mrs. Cruz
Lumilipad isip ko sa buong klase dahil sa tingin niya. Grabe talaga.
- -
Break time namin ngayon as usual mag-isa lang akong kumakain. Tapos etong katabi ko tulog pa rin. Hindi ko na siya tiningnan kase nakakatakot talaga siya.
Naguusap yung mga mean girls kuno sa bandang harap. Balak ata nila kausapin tong halimaw kong katabi.
Ayan na naglakad na sila. Ako natatakot para sa kanila ehh!
Lumapit na si Maxine, siya yung leader ata?
" Ahem Justin? Hi I'm Maxine. " pa-cute niyang sabi.
Jusko hindi ko maintindihan ganto pala magsalita tong si Maxine. Parang kala mo kinakain yung sinasabi.
Hindi naman tumingin tong halimaw na'to. Nakayuko parin sa desk at natutulog.
" Hi I'm Maxine. " inulit niyang sabi. Pero walang epekto di siya pinapansin ni halimaw.
Nakikita ko sa mukha ni Maxine na parang napapahiya na siya sa mga kasama niya kaya kinalabit niya na si halimaw.
Hindi na ako tumingin sa kanila ng nakita kong nagising na yung halimaw sa desk niya. Natakot ako eh mamaya mamatay na ako ng maaga dito.
Nagising nila ang halimaw yari sila. Kumain na lang ako at nanahimik.
Nagulat ako ng biglang may sumigaw.
" I don't care who you are! Don't you see i'm sleeping? You're distubing me!? shut your fucking mouth bitch! " hinampas niya yung desk niya at nag walk out.
Hindi makapaniwala si Maxine sa ginawa ni Justin.
" Arghhhh " sumigaw sa inis si Maxine at lumabas rin ng room.
Nagulat pa rin ako sa inasal nung katabi ko. Alam kong halimaw siya sa tingin palang niya pero hindi ko inaasahan pati pala sa pagsasalita halimaw siya.
He's a complete monster!!
Nag-ingay na ang mga kaklase ko paglabas ng teacher namin.
Nagkumpol- kumpol ang mga lalaki sa gilid at mukhang may pinag-uusapan.
" Pre ganda ng girlfriend mo ah! " - Joshua
" Oo nga. Hanap mo naman kami baka may kaibigan pa yan? " - Darwin
" Mga loko! HAHAHA ganda noh? mahal na mahal ko yang girlfriend ko. " sabi ni Kobe
Konti lang kaming mga estudyante sa bawat room dito sa High Kings Academy. Konti lang pero nahihirapan pa ako makipag-kilala eh noh?
Sikat daw yang si Kobe Jimenez dito sa school. Dahil varsity siya ng swimming dito at lagi siyang nagcha-champion kaya maraming girls na naghahabol sa kanya.
Tapos na ang klase at nandito ako sa labas at hinihintay ang sundo ko.
Nagulat ako ng may lumapit sakin.
" Hi Victoria! " masayang bati sakin netong nakasalamin.
Kilala niya ako? hala ang cute niya ngumiti nawawala yung mata niya haha
" uhm hi " nahihiya kong bati sa kanya.
" I'm Claire. Can we be friends? Pansin ko kase sobrang tahimik mo chaka walang lumalapit sayo. Ako nalang mauuna! hehe " sabi niya.
Ang cutie niyaaaa! Nakakahiya. Naka-smile siya habang kinakausap niya ako. Ang friendly niya naalala ko tuloy si Jewel. Siya na ba magiging bago kong friend?
" Ang tahimik mo sobra grabe nagisip pa ako kung pano ako lalapit sayo! " sabi niya.
Wala naman akong nasabi sa kanya. Akala ko aalis na siya kase hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa kanya.
" Uy ano ka ba? wag ka na mahiya sakin. Maingay ako gusto mo hawaan kita? "
Ang daldal niya nga sobra. Parang parehas talaga sila ni Jewel.
" Ehh? Sorry di ako sanay. " sabi ko.
" Halata naman na you're an introvert. Pero nagagawan yan ng paraan frenny! " sabi niya
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Dumating na ang sundo ko.
" Mauuna na ako Claire. Thank you! " ngumiti ako sa kanya bago sumakay sa kotse.
Medyo naging magaan ang loob ko dahil may lumapit sa akin at nagpakilala. Sobrang haba ng araw na'to haaay. May halimaw na dumating at may kaibigan naman na dumating rin masaya na ako dun.
Sabi niya nagagawan ng paraan ang pagiging introvert ko sana matulungan niya ko.
Sana rin hindi pumasok bukas yung halimaw na katabi ko tutal natutulog lang naman yun sa klase.
I hope this will be the start to get out of my box.
YOU ARE READING
Will You Love Me?
Teen FictionI'm Maria Victoria Arquiza isang estudyante sa High Kings Academy. For me it's hard to communicate because i'm an introvert person. Pero ano nga ba ang mangyayari sakin dito sa bago kong eskwelahan? Suki ng bullying? Simpleng estudyanteng nag-ee...