Kinakabahan nanaman ako pumasok. Pero eto naglalakad na ako papasok ng building namin.
Hindi ko talaga alam bakit ganito lagi nararamdaman ko.Madaming estudyante at maingay sa mga dinaan kong classrooms. Mukha silang masaya at walang iniisip hindi tulad ko na ang daming iniisip na kung ano-ano.
Malapit na ako sa classroom namin ng biglang dumidilim ang paningin ko. Tumigil ako saglit at hinintay na bumalik sa dati ang paningin ko.
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Claire. Inakbayan niya ako at parang napansin niya na may nararamdaman akong hindi maganda.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Claire.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Okay lang ako. Pasok na tayo.." sabi ko sa kanya at nginitian ko siya para di na niya ako tanungin.
Sumasakit ang ulo ko. Pero pinilit ko nalang pumasok at naupo na ako sa upuan ko. Hindi ko alam bakit biglang nagdilim ang paningin ko.
Hindi ko na inisip yung nangyari sa akin kanina at nakinig nalang ako sa mga discussions.
Hanggang sa natapos na ang klase namin nakaupo pa rin ako. Niyaya ako ni Claire lumabas para kumain pero tinanggihan ko dahil ayokong mapansin niya at tanungin nanaman ako.
Naiwan ako sa room. Hindi ako mag-isa dahil kasama ko si halimaw pero tulog naman siya.
Tumayo ako saglit para ayusin yung gamit ko sa locker ko. Narinig ko ng papasok sila Maxine dahil medyo maingay sila at nagku-kwentuhan tungkol sa mga gwapong lalaki. Hindi naman nagising si halimaw sa ingay nakayuko parin siya sa desk niya.
Tinuloy ko yung ginagawa ko hanggang sa naramdaman ko nanaman yung sakit at unti-unti nanamang dumidilim ang paningin.
Maglalakad na sana ako pabalik sa upuan ko nang biglang dumilim na ng tuluyan at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
--
Nagising ako at may naaninag na naguusap sa bandang pinto medyo malabo di ko masyado makita kung sino.
Patayo na ako ng biglang nagmadaling umalis yung lalaki na kausap nitong naka-puti. Teka nasan ba ako?
"Ms. Arquiza hinimatay ka sa room niyo kaya ka nandito." sabi ng nurse.
Nasa clinic pala ako. Nahimatay ako? Sino nagdala sa akin dito? Si Claire?
"Sino po nagdala sa akin dito? Nakita niyo po ba?" tanong ko.
"Hindi siya nagpapakilala eh. Wag na daw sabihin kapag nagising ka." nakangiting sabi nung nurse.
Nagtaka naman ako kung sino yung nagdala sa akin kaya nagpaalam na ako sa nurse at bumalik na sa room para tanungin si Claire.
Pagpasok ko sa loob ay vacant namin kaya wala masyadong tao sa loob. Agad kong nakita si Claire at nilapitan.
"uhm Claire ikaw ba nagdala sa akin sa clinic?" naka-ngiting tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam eh. Pagpasok ko dito kanina wala ka na! sabi na nga ba di ka okay eh. Next time magsabi ka ah!" nagaalalang sabi ni Claire.
"Sorry Claire ayaw ko lang naman mag-aalala ka sa akin." nakonsensya ako konti kase hindi ko sinabi yung totoo kay Claire.
Kitang-kita ko na nag-aalala si Claire sa akin.
"Sige na magpahinga ka na malapit na naman yung uwian. Maupo ka na." inalalayan niya ako papunta sa upuan ko.
Naghihintay nalang kami ng uwian habang si Claire ay kwento ng kwento sa akin.
"Grabe kinikilig talaga ako kanina!!" sabi niya.
Hindi ko naman alam kung ano ibig niyang sabihin pero kanina pa siya paulit-ulit tapos pag tinanong ko sasabihin niya wala o kaya secret.
Siguro puma-pagibig tong si Claire.Nanahimik si Claire ng pumasok si Kobe at yung mga kaibigan niya. Parang nakaramdam naman ako na may something tong si Claire sa grupo ni Kobe? nandyan ba yung gusto niya?
"Natahimik ka ata?" mapang-asar na sabi ako at tumingin sa grupo nila Kobe.
"Uy hindi ah. Sige balik na ako sa upuan Victoria." nagmamadali siyang umalis.
Nagtaka naman ako sa inasal ni Claire? Hindi kaya totoo yung iniisip ko? May gusto si Claire kay Kobe????? omg!! Halaa puma-pagibig kaibigan ko hahahaha
Nag-ring na yung bell sign na uwian na. Nakita kong nagmamadali naman si Claire palabas.
Naglalakad na ako palabas ng bigla akong lapitan ni Kobe.
"Hello okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.
Nagulat ako dahil kinausap niya ako tapos tinatanong niya pa ako!
"h-ha bakit?" nauutal kong sabi.
Di kase ako makapaniwala na kakausapin niya ako. Natulala ako sa kanya habang nakangiti siya sa akin.
"Sige sa susunod mag-ingat ka ha." sabi niya habang ginugulo ang buhok ko at umalis.
Hindi ko alam pero parang kamatis na siguro yung mukha ko. Naglakad ako palabas ng wala sa sarili ko.
Hinihintay ko na yung sundo ko dito sa shed nang biglang tumawag si mommy.
"Hello po mi?" sagot ko.
"Anak di ka masusundo ni manong bert nasira yung kotse pinapagawa niya pa." sabi ni mommy.
Napagdesisyunan ko nalang maglakad pauwi medyo malapit lang naman? haha pwede na lakarin.
So ayun na nga naglalakad ako ng bigla may naririnig akong nagsisigawan.
Nacurious naman ako. Sumilip ako dun sa may tapat ng isang bahay. May lalaki at babae na nagaaway? Teka si Kobe yun ah!
"Ano ba? Ayoko na!" sigaw ng babae.
"Dolce please i still love you.. don't do this to me." nagmamakaawang sabi ni Kobe.
Nagambala ang paguusap nila ng lumabas ang daddy ni Dolce.
"Hindi mo ba naiintindihan anak ko? Stay away from my daughter." galit na sabi nung daddy ni Dolce.
"Sir i'll do anything para tanggapin niyo ko para sa anak niyo!" paiyak na sabi ni Kobe.
"Hindi ko pinapayagan ang anak ko makipag-relasyon. Masyado pa kayong bata! Layuan mo ang anak ko!"
Galit na galit na talaga ang daddy ni Dolce dahil sa pagpipilit ni Kobe sa relasyon nila. Hinatak na papasok si Dolce ng daddy niya.
Naiwang mag-isa si Kobe sa labas. Umiiyak siya. Ganito pala umiyak ang isang Kobe Jimenez.
Gusto ko siyang lapitan pero yung mga paa ko parang napako at hindi ko magalaw. Naawa ako sa kanya.
Balak ko na sanang umalis at iwan siya. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan.
"Victoria.." rinig na rinig kong nasasaktan siya sa boses niya.
Unang beses na tinawag ako ng isang Kobe Jimenez. Unang beses na may tumawag na lalaki sa pangalan ko.
YOU ARE READING
Will You Love Me?
Teen FictionI'm Maria Victoria Arquiza isang estudyante sa High Kings Academy. For me it's hard to communicate because i'm an introvert person. Pero ano nga ba ang mangyayari sakin dito sa bago kong eskwelahan? Suki ng bullying? Simpleng estudyanteng nag-ee...