Chapter 8: Heal-arious

13.3K 213 23
                                    

Chapter 8

Heal-arious thing

Classes were done. Mabuti naman at hindi siya ganon ka stressful. Nagka-assessments lang tapos evaluations. Mabait talaga si Mr. Wharpins. Hindi gaya nung professor ko sa isang subject, makikilala mo na maypagka-mataray ito.

Tungkol kay Heal, nagkagroupmates kami sa isa sa mga assessments. Hindi siya umimik at nakinig lang ng mga rock musics gamit ang kanyang malaking headset. He's really fond of breaking rules. And everyday is a boring day for him.

"Cassidy!"

Here's the walking Millicent again. Really gorgeous!

"Hey, Demi!"

"What's up?" tanong niya at umupo sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa isang malaking hagdan sa harap ng main bulding.

"Got no knives in my brain. Yeah, I survived."

Siya nga pala, nag-usap kami na magkita dito pagkatapos ng mga klase namin. Nangako akong ililibre siya. Pumayag naman siya kaya andito kami ngayon.

"That's hilarious! Too much for an exaggeration," tumawa siya at inayos ang isang bookmark.

"Hilarious? Shouldn't it be, Heal-arious?"

Natawa naman kami pareho. Mutual topic interest namin si Heal. Kanina pa namin siya pinag-uusapan. Hindi ko alam, curious lang ako sa bully na 'yon.

"You're silly, Cass. Speaking of," napatingin naman ako sa nilingon niya. Ang emo niya talaga. He looks a lot like an emoticon na dash underscore dash. The poker face.

"We better get going, Demi. His dark aura is killing me."

Tumawa siya ng mahina. Damnit, bakit pati sa pagtawa ang ganda niya pa rin? Minsan lang ako mamangha sa mga american beauties pero maganda talaga siya eh.

"Don't mind him. He'll always be like that forever. Well you see, everyday seems like a regular funeral day for him. Heal-arious, isn't it?"



Emotional na bully. That's new! Sa Pinas kasi uso ang mga bullies na maaangas at mga badboy. Tropes and chestnuts.

"I can see dark smokes whirling above his head. Dark halo!"

Iniimagine ko ang mukha ni Heal. Imaginin niyo din. Imagine na tumingin si Heal sayo then pinakita niya 'yong pointed teeth niya. Epic, magkatabi ang vampire teeth niya sa harap at nasa gitna pa. He curled his fingers and roared.

Vampire tapos roar? Whatever. Basta ganun iniimagine ko.

"I can see it, too! Come on, Cass. The vampire's gonna slaughter us!" kinuha niya ang kanyang bag at tumayo na din ako. Naghalf-run kami hanggang sa nakalayo na ng main building.

Kaano-ano niya kaya ni Demi si Heal? Hindi ba kanina, sinigawan niya ito? Right. Close kaya sila?

"Got a problem, Cass?" tanong niya na nakaputol sa pag-iisip ko.

"N-Nothing. I was just wondering. How did you know him?"

Kumunot naman ang noo niya tapos tinaas niya ang kanyang kanang kilay. She threw me a suspicious look. Nagtataka yata siya kung bakit ko tinanong.

"Him? You mean, Heal?"

Tumango ako. Hindi pa rin humuhupa ang suspicious look nito. "Uhm, yes?"

"Am I really obliged to answer that?"

Tumango ako ulit. Namumula ang tainga niya. Drop dead gorgeous.

The Tripp Palma Way (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon