Chapter 11: Fair

12.3K 179 17
                                    

Chapter 11

Play fair and square

Cassidy's POV

Nandito na ako ngayon sa lecture hall. May fifteen minutes pa bago magsimula ang next subject. Napaaga lang.

Nagwalkout kasi ako don sa cafeteria kanina. Hindi ko alam, biglang sumama ang pakiramdam ko. Nawala ako sa mood. Parang hindi ko matake na ang Palma na 'yon pala ang gustong maging escort ni Demi.

"Early?"

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ko ang boses ng taong nasa likuran ko. Pagkalingon ko ay hindi ako nagkamali, si Heal.

"Uhm, yeah."

Matipid akong ngumiti tsaka umusod paharap. Andiyan siya sa likod ko.

"Afraid?"

Ganon ba ako kaobvious para mapansin niya?

"Why so?" dagdag pa niya.

Hindi ko alam, Heal. Basta basta nalang akong natatakot sa'yo.

"D-Don't mind me, creepy. Better stay away." sabi ko pero hindi ko siya nilingon.

"You guys are treating me like a total freak. Am I that cool? It's not awesome for a cool kid like me to change an attitude. I'll be doing wicked stuffs still, even if there's someone I like. Brace yourself, you're not an exception."

Tumayo talaga lahat ng mga balahibo ko sa batok. I can damn feel it. Damang dama ko pati ang hininga niya sa may leeg ko. Kung hindi ako nagkakamali, ang lapit lapit lang niya sa likod ko. Damn, Heal Cromwell, is this another harassment?

"What do you mea-" nilingon ko siya at napatigil nang marehistro sa utak ko ang distansya namin sa isa't isa. Sobrang lapit lang namin. Halos magkadikit na ang mukha naming dalawa sa sobrang lapit.

One wrong move, mahahalikan na niya ako.

"A cute zoomed in view."

Tinitigan niya ang mga mata ko na para bang may binabasa siya. Pero ang mas ikinagulat ko, hinalikan niya ako sa noo.

Damnit. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at parang nakuryente ang buong katawan ko.

"See you around. Tell them I'll ditch class,"

Damn it, did that creepy vampire's lips touched my forehead?

--

Tripp's POV

Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Cassidy. One word is enough for a wise man like me, I know. Kung sasabihin niyang umiwas ako, edi iiwas. No second thoughts.

Sa totoo lang, sadyang iniinis ko talaga siya. Ginagawa ko pa din naman ang dapat kong gawin. Kahit hindi ko siya nakakausap, sinusundan ko pa rin.

Kanina, nabigla ako nang iniwan niya ang babaeng kasama niya lagi. Inirapan pa ako bago binagsak ang pinto ng cafeteria. Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo niya sakin.

Nainis ko siguro siya masyado.

Umorder ako ng frappe tsaka agad namang lumabas. Dumiretso ako sa lecture hall nila at hindi ako nagkamali, andoon nga siya. Mag-isa. Mga fifteen minutes pa bago ang klase niya. Paano ko nalaman? May photocopy ako ng mga schedules niya.

"Excuse me."

Someone pushed me. Mabuti nalang hindi ako naout of balance. Pagkatingin ko, nandoon na ang taong tumulak sakin sa likod ni Cassidy. What a bastard!

The Tripp Palma Way (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon