Ilang days akong di pumunta ng site , nag decide ako na umuwi dito sa manila ! Sa mommy chinie ko nag usap na din kami ni kristof tungkol dito at naiintindihan niya naman daw, hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa kanya at ipakitang " Congrats sa wakas , nahanap mo na din siya " na " Yun ba ? Sus matagal na kong okay ".
Nasa room lang ako , maghapon ! Nagmumumokmok . tanging kausap ko lang yung unan at kisame , mga bagay na kung icoconvert mo sa tao , sila lang yung makakaintindi .
Masakit , pero huli na ang lahat para saming dalawa . kahit anong gawin ko matatalo at matatalo ako , hindi na siya yung taong kaya ka pang mahalin at handang iwan ang iba para sayo , hindi na siya yung taong ipagalalaban ka kahit anong mangyari , hindi na siya yung taong papangarapin ka na ikaw yung makasama habang buhay ! Hindi na kasi ikaw ang mahal niya , ibang tao na ang gumagawa nun para sa kanya !
●●●
DJ POV
3 days di pumasok si Alex after kong mag propose kay Bianca .
Nung matapos ang party sa beach , nag celebrate din kasi kami dahil sa wakas hindi ako nabigo , pumayag siya na magpakasal sakin .
***
Flash back ..
11:30 na ng tapusin namin ang kasiyahan ! Andito lahat ! Si kristof ! Sinundan niya si Alex kanina kaya di na siya naki join pa . ang mga girls ! Masaya sila pero hindi tulad ng kasiyahan na inaasahan ko , naiintindihan ko naman eh , kaibigan nila si Alex , at higit pa !
Nagpaalam na ko sa kanila na umalis , kasi ilang months na din naman ko nandito sa cebh so may tinutuluyan akong condo unit dito .
Bii , mag iingat ka ha ? Text me kapag nakarating kana . magna holding hands kami habang papalapit kami sa kotse ko .
Sure ! Babalik nalang ako dito bukas ! At huminto kami sa paglalakad at nakatingin ako sa kanya .
Bii , i love you ! Thank you for this night . thank you for making this real !
Niyakap ko naman siya ng mahigpit !
I love you too . ! Sige na pumasok kana sa loob ! See you tomorrow .
And sumakay na ko sa kotse ko , at umalis . habang nasa byahe ako , hindi ko makalimutan yung malungkot na muka ni Alex kanina ,
Nakita ko ang pagtakbo ni Alex palayo sa lugar na to , alam kong nasaktan siya ! Alam ko kung ganu niya ginusto ang maalala ko siya , pero hindi na kasi pwedi . hindi na mababalik pa ang dating kami , hindi na maibabalik pa ang kung anong meron kami noon .
Gabi na at kokonte nalang ang mga sasakyan na nakakasalubong ko .
Ng may madaanan akong kotse na sobrang pamilyar sakin . at yung babae naka upo na siya sa damuhan at nakayuko ! Hinintuan ko siya at kaagad akong bumaba ng kotse at nilapitan siya
Alex ? dahan dahan niyang iniangat ang ulo niya para makita ako ,
Kaagad niyang pinunasan ang mga luha niya . umupo ako sa tabi niya ,
BINABASA MO ANG
MY TANGI
Ficção AdolescentePaano kung yung mga taong nag paiyak at nang iwan sa inyo noon , ay bigla nalang bumalik para bawiin yung dapat na sa kanila , Ipagapapatuloy niyo ba ang nasimulan niyong pagmamahalan or bibitawan niyo ang isat isa kasi alam niyong yun ang kailanga...