( WALA KANA BY : TJ MONTERDE )
Nagpalakpakan ang mga tao , pagkatapos nilang kumanta . nagpasalamat din sila sa mga nakinig at isa isang binati si Juliana .
Thank you ! Very much for your song , ang pogi na ng kumakanta ang ganda pa ng boses , pinuri pa ng emcee si DJ .
Pwedi ba naming malaman kung kanino mo dinidedicate yung song ?! I'm pretty sure that was not for our birthday celebrant ! Hugot eh. And everyone's laughed !!! Tinapik tapik pa nila Denver si DJ sa balikat at humiyaw pa tong si cedrick na mukang mga nang aasar pa .
Hindi siya sumagot sa tanong ng emcee , Napatingin siya sa gawi ko kung saan ako nakatayo kanina pa ! Nagpunas kaagad ako ng luha bago pa niya makita yun . at kaagad akong umalis bitbit ang laylayan ng gown ko para lang makapag lakad ako ng maayos !
Sa sobrang laki ng bahay nila Juliana , isama mo pa yung madaming bisita . mahihirapan ka talagang makalabas sa mansion nila !
Alex ?! Lalong nanghina ang mga tuhod ko ng tawagin niya ang pangalan ko , nasa exit na ko ng abutan niya ko . mukang hiningal pa siya kakahabol sakin .
Hinarap ko naman siya ! At nginitian , kelangan kong magpanggap na okay lang lahat ! Na wala lang sakin to .
Hindi pa man ako nakakapagsalita ng may babaeng humawak sa braso niya , hinila siya paharap sa kanya . at kaagad siyang hinalikan .
Natulala ako sa bilis ng pangyayari . ni hindi ko nanaman halos naramdaman ang pag buhos ng mga luha ko. Yung pakiramdam na paulit ulit kang pinapatay !
Tumakbo ako palabas ng party ! Hindi pwedi to ! Hindi pweding after ng ilang taon , eto nanaman ako sa nararamdaman ko sayo .
Alex , tama na ! Ilang beses mo na siya tinakasan , kulang pa ba ? Para makalimutan mo siya ? Kulang pa ba para umasa ka nanamang baka pwedi pa ?! Ilang lugar pa ba ang kailangan mong puntahan para lang masanay kang wala siya . Ilang babae pa ba ang pwedi niyang iharap sayo para lang manahimik yang puso mo at tanggapin nalang lahat na Wala ng kayo , at kahit kelan Hindi na magiging kayo.
Hindi ko alam kung san ako papunta , wala akong kotse ! At ni walang gustong humintong taxi , yung heels ko ? Ayun naputol na yung strap . hindi ko na din mabilang kung ilang kilometro na ang nalakad ko mula sa bahay nila juliana .
Ganito ba lagi ang eksena sa twing babalik ako ? may nakahandang surprise na kahit asahan ko , nakakasakit pa din .
●●●
Napatingin ako kay Alex matapos akong tanungin ng pakealamerang emcee na to kung para kanino yung kanta ! Gustong gusto kong banggitin ang pangalan mo alex, pero bakit kapag susubukan ko . hindi ko maggawa .
Tumakbo siya paalis kaya nagmadali din akong bumaba ng stage , hindi ko na din pinansin ang mga taong nakatingin sakin halos patakbo na ang ginawa ko mahabol lang siya .
Pre ! Kaya mo yan . cedrick na sumigaw pa talaga kaya lalo akong pinagtinginan ng mga bisita nila .
BINABASA MO ANG
MY TANGI
Fiksi RemajaPaano kung yung mga taong nag paiyak at nang iwan sa inyo noon , ay bigla nalang bumalik para bawiin yung dapat na sa kanila , Ipagapapatuloy niyo ba ang nasimulan niyong pagmamahalan or bibitawan niyo ang isat isa kasi alam niyong yun ang kailanga...